Ang Pinaiksing Makatuturan Para sa Muslim

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 7

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya nang magkakasama.
Sa pagpapatuloy:
Bahagi ng kasukdulan ng biyaya ni Allāh sa tao na magmagandang-loob Siya rito ng Islām, katatagan dito, at paggawa ayon sa mga patakaran Niya at mga batas Niya. Sa aklat na ito, matututo ang Muslim ng mga saligan na tutuwid sa pamamagitan ng mga ito ang pagrerelihiyon niya sa isang pinaiksing istilo na magpapaliwanag sa kanya ng mga tampok na katangian ng Dakilang Relihiyong ito upang madagdagan ang pagkakilala niya sa Panginoon niya, relihiyon niyang Islām, at Propeta niyang si Muḥammad (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) para sumamba siya kay Allāh ayon sa isang pagkatalos at isang kaalaman.
Ang Kasanhian ng Pagkakalikha sa mga Tao
Nilikha tayo ni Allāh dahil sa isang dakilang kasanhian: ang pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya): 
﴿وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ٥٦﴾[الذاريات: 56]
{Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumambasila sa Akin.} (Qur'ān 51:56)
 Ibigsabihin: Upang magbukod-tangi sila sa Kanya sa pagsamba – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Ang dakilang pakay na ito ay umiikot sa paligid ng bawat gawain natin at mga pakay natin sa Mundong ito. Nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya): 
﴿أَفَحَسِبۡتُمۡ أَنَّمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ عَبَثٗا وَأَنَّكُمۡ إِلَيۡنَا لَا تُرۡجَعُونَ ١١٥ فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡحَقُّۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡكَرِيمِ ١١٦﴾ [المؤمنون: 115-116]
{Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha Kami sa inyo nang walang-kabuluhan lamang, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin? Kaya napakataas si Allāh, ang Hari, ang Totoo; walang Diyos kundi Siya, ang Panginoon ng tronong marangal.} (Qur'ān 23:115-116)