Ang mga Haligi ng Pananampalataya

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 10

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pananampalataya kaya nagsabi siya: "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga Sugo Niya, sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: sa masama nito at mabuti nito." Ang mga Haligi ng Pananampalataya ay ang mga pagsambang pampuso na inoobliga sa bawat Muslim. Hindi matutumpak ang pagkaanib sa Islām ng tao malibang sa pamamagitan ng paniniwala sa mga ito at paggawa ng hinihiling ng mga ito. Dahil doon, tinawag ang mga ito na mga haligi ng pananampalataya. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito at ng mga haligi ng Islām ay na ang mga haligi ng Islām ay mga gawaing panlabas na isinasagawa ng tao sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan niya gaya ng pagbigkas ng Dalawang Pagsaksi, pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh samantalang ang mga haligi ng Pananampalataya naman ay mga gawaing pampuso na isinasagawa ng tao sa pamamagitan ng puso niya tulad ng pagsampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, at mga sugo Niya.
Ang Unang Haligi: Ang Pananampalataya kay Allāh
Nagsabi si Allāh:
﴿إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ﴾[النور: 62]
 {Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh} (Qur'ān 24:62)
Sumasampalataya tayo sa kairalan ni Allāh at naniniwala tayo sa kaisahan Niya sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya sapagkat ang pagsampalataya kay Allāh ay naglalaman ng sumusunod:
Ang pananampalataya sa kairalan Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
Ang pananampalataya sa pagkapanginoon Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at na Siya ay ang Tagapagmay-ari ng bawat bagay, ang Tagalikha nito, ang Tagatustos Nito, at ang Tagapangasiwa ng nauukol dito.
Ang pananampalataya sa pagkadiyos Niya (kaluwalhatian sa Kanya) at na Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya sa anuman mula rito, gaya ng pagdarasal, pananalangin, pamamanata, pag-aalay, pagpapatulong, paghiling ng pagkupkop, at lahat ng mga iba pang pagsamba.
Ang pananampalataya sa mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas na pinagtibay Niya para sa sarili Niya at pinagtibay para sa Kanya ng Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) at ang pagkaila sa ikinaila Niya para sa sarili Niya at ikinaila para sa Kanya ng Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan); na ang mga pangalan Niya ay umabot sa kasukdulan ng kalubusan at kagandahan, at na walang katulad sa Kanya na anuman at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
Ang Ikalawang Haligi: Ang Pananampalataya sa mga Anghel
Nagsabi si Allāh: 
﴿ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ جَاعِلِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ رُسُلًا أُوْلِيٓ أَجۡنِحَةٖ مَّثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۚ يَزِيدُ فِي ٱلۡخَلۡقِ مَا يَشَآءُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ١﴾[فاطر: 1]
{Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.} (Qur'ān 35:1)
Sumasampalataya tayo na ang mga anghel ay nilalang na pangnakalingid at na sila ay mga lingkod para kay Allāh, na nilikha Niya mula sa isang liwanag at ginawa Niya na mga nakatalima na mga nagpapakaaba sa Kanya.
Sila ay dakilang nilikha, na walang nakasasaklaw sa lakas nila at bilang nila kundi si Allāh. Lahat sila ay may mga paglalarawan, mga pangalan, at mga katungkulang itinangi sa kanila ni Allāh. Kabilang sa kanila si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga), ang itinalaga sa pagkakasi, na pinababa nito mula kay Allāh tungo sa mga sugo Niya.
Ang Ikatlong Haligi: Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan
Nagsabi si Allāh:
﴿قُولُوٓاْءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآأُنزِلَ إِلَيۡنَا وَمَآ أُنزِلَ إِلَىٰٓ إِبۡرَٰهِـۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ وَٱلۡأَسۡبَاطِ وَمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَمَآ أُوتِيَ ٱلنَّبِيُّونَ مِن رَّبِّهِمۡ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ وَنَحۡنُ لَهُ ۥمُسۡلِمُونَ١٣٦﴾[البقرة: 136]
 {Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa mga lipi ng Israel, sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."} (Qur'ān 2:136)
Sumasampalataya tayo na si Allāh ay nagpababa sa mga sugo Niya ng mga kasulatan bilang patunay sa mga nilalang at bilang tagapangatwiran para sa mga nilalang,
na nagtuturo sa kanila sa pamamagitan ng mga ito ng karunungan at nagbubusilak sa kanila;
na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), sa pamamagitan ng pagsusugo Niya sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa mga tao sa kalahatan, ay nagpawalang-bisa sa pamamagitan ng Batas nito sa nalalabi sa mga naunang batas at gumawa sa Marangal na Qur'ān bilang tagapagsubaybay sa nalalabi sa mga kasulatang makalangit at bilang tagapawalang-bisa sa mga ito. Naggarantiya nga si Allāh ng pag-iingat sa Marangal na Qur'ān mula sa alinmang pagpapalit o pagpilipit sapagkat nagsabi Siya:
﴿وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ شَيۡءٖ مَّوۡزُونٖ١٩﴾ [الحجر: 19]
 {Tunay na Kami ay nagbaba ng Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.} (Qur'ān 15:19)
 Ito ay dahil ang Marangal na Qur'ān ay ang kahuli-hulihan sa mga kasulatan ni Allāh sa sangkatauhan, ang Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang kahuli-hulihan sa mga sugo, at ang Relihiyong Islām ay ang Relihiyon na kinalugdan ni Allāh para sa sangkatauhan hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali. Nagsabi ni Allāh: 
﴿إِنَّ ٱلدِّينَ عِندَ ٱللَّهِ ٱلۡإِسۡلَٰمُۗ١٩﴾ [آلعمران: 19]
{Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām.} (Qur'ān 3:19)
Ang mga kasulatang makalangit na binanggit ni Allāh sa Aklat Niya ay ang sumusunod:
1. Ang Marangal na Qur'ān, na pinababa ni Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
2. Ang Torah, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Moises (sumakanya ang pangangalaga);
3. Ang Ebanghelyo, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Jesus (sumakanya ang pangangalaga);
4. Ang Salmo, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Moises (sumakanya ang pangangalaga);
5. Ang Kalatas ni Abraham, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Abraham (sumakanya ang pangangalaga).
Ang Ikaapat na Haligi: Ang Pananampalataya sa mga Sugo
Nagsabi si Allāh: 
﴿وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِي كُلّ أُمَّةٖ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّٰغُوت﴾٣٦[النحل: 36]
{Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa mapagmalabis."} (Qur'ān 16:36)
Sumasampalataya tayo na si Allāh ay nagpadala sa mga nilikha Niya ng mga sugo na nag-aanyaya sa kanila sa pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – at sa kawalang-pananampalataya sa anumang sinasamba bukod pa sa Kanya;
na lahat sila ay mga mortal na lalaki, na mga lingkod ni Allāh; na sila ay mga tapat na mga pinatotohanan, na mapangilag magkasala na mga mapagkakatiwalaan, na mga tagapatnubay na mga napatnubayan, na inalalayan ni Allāh ng mga tanda na nagpapatunay sa katapatan nila; na sila ay nagpaabot ng lahat ng ipinasugo sa kanila ni Allāh; at na sila sa kalahatan ay nasa malinaw na katotohanan at naglilinaw na patnubay.
Nagkasundo ang paanyaya nila mula sa kauna-unahan sa kanila hanggang sa kahuli-hulihan nila sa saligan ng relihiyon, ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa pagsamba at hindi pagtatambal sa Kanya.
Ang Ikalimang Haligi: Ang Pananampalataya sa Huling Araw
Nagsabi si Allāh:
﴿ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ لَيَجۡمَعَنَّكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَارَيۡبَ فِيهِۗ وَمَنۡ أَصۡدَقُ مِنَ ٱللَّهِ حَدِيثٗا٨٧﴾[النساء: 87]
 {Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay talagang magtitipon nga sa inyo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan dito. Sino pa ang higit na tapat kaysa kay Allāh sa pakikipag-usap?} (Qur'ān 4:87)
Sumasampalataya tayo sa Huling Araw, ang Araw ng Pagbangon [ng mga patay], na wala nang araw matapos nito. Sumasampalataya tayo sa bawat anumang nauugnay rito mula sa ipinabatid ng Panginoon natin (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Marangal na Aklat Niya o isinaysay sa atin ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng pagpanaw ng tao, pagbuhay, pagkalap, pamamagitan, timbangan [ng mga gawa], pagtutuos, paraiso, impiyerno, at iba pa roon na nauugnay sa Huling Araw.
Ang Ikaanim na Haligi: Ang Pananampalataya sa Pagtatakda: sa Kabutihan Nito at Kasamaan Nito
Nagsabi si Allāh: 
﴿إِنَّا كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَٰهُ بِقَدَرٖ٤٩﴾[القمر: 49]
{Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.} (Qur'ān 54:49)
Sumasampalataya tayo sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan Nito, na siyang pagtatakda ni Allāh para sa mga umiiral alinsunod sa nauna sa kaalaman Niya at hiniling ng karunungan Niya; na ang bawat nagaganap sa mga nilikha na mga pangyayari sa Mundong ito ay ayon sa kaalaman ni Allāh at pagtatakda Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at pangangasiwa Niya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya; na ang mga pagtatakdang ito ay nakasulat bago ng pagkalikha sa tao; na ang tao ay may pagnanais at kalooban; na siya ay tagagawa ng mga gawain niya ayon sa reyalidad subalit iyon sa kabuuan niyon ay hindi nakalalabas sa kaalaman ni Allāh, pagnanais Niya, at kalooban Niya.
Kaya ang pananampalataya sa pagtatakda ay nakasalalay sa apat na antas:
Una: Ang pananampalataya sa masaklaw na nakasasakop na kaalaman ni Allāh.
Ikalawa: Ang pananampalataya sa pagsulat ni Allāh sa bawat anumang nangyayari hanggang sa Araw ng Pagbangon.
Ikatlo: Ang pananampalataya sa nanunuot na kalooban ni Allāh at lubos na kakayahan Niya sapagkat ang anumang niloob Niya ay nangyayari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi nangyayari.
Ikaapat: Ang pananampalataya na si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay, na walang katambal sa Kanya sa paglikha Niya.
Ang Ikatlong Antas: Ang Iḥsān (Paggawa ng Maganda)
Ang Iḥsān ay na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya; ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo. Nagsabi si Allāh: 
﴿إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْ وَّٱلَّذِينَ هُم مُّحۡسِنُونَ١٢٨﴾[النحل: 128]
{Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala at ng mga nagmamagandang-loob.} (Qur'ān 16:128)