Ang Ṭahārah (Kadalisayan)

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 9

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Nagsabi si Allāh: 
﴿إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلتَّوَّٰبِينَ وَيُحِبُّ ٱلۡمُتَطَهِّرِينَ٢٢٢﴾[البقرة: 222]
{Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga palabalik-loob at umiibig sa mga nagpapakadalisay.} (Qur'ān 2:222)
 Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng tulad ng wuḍū' kong ito, pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi siya kumakausap sa mga ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna mula sa pagkakasala niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy. Bahagi ng kadakilaan ng pumapatungkol sa ṣalāh na nagsabatas si Allāh ng ṭahārah bago nito at gumawa Siya sa ṭahārah bilang kundisyon sa katumpakan ng ṣalāh sapagkat ang ṭahārah ay susi ng ṣalāh. Ang pagkadama ng kainaman ng ṣalāh ay gumagawa sa puso na nananabik sa pagsasagawa ng ṣalāh. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kadalisayan ay kalahati ng pananampalataya. Ang [pagsasabi ng] alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pumupuno sa timbangan [ng mga gawa]. Ang [pagsasabi ng] subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh) at alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh) ay pumupuno sa nasa pagitan ng mga langit at lupa. Ang pagdarasal ay liwanag. Ang kawanggawa ay patotoo. Ang pagtitiis ay tanglaw. Ang Qur'ān ay katwiran para sa iyo o laban sa iyo. Ang bawat isa sa mga tao ay maagang lumilisan saka nagtitinda ng sarili niya kaya nagpapalaya nito o nagpapahamak nito. Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍū', lalabas ang mga kamalian niya mula sa katawan niya hanggang sa lumabas ang mga ito mula sa ilalim ng mga kuko niya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Kaya humaharap ang tao sa Panginoon niya habang nagpapakadalisay sa kadalisayang pisikal sa pamamagitan ng wuḍū' at [kadalisayang] espirituwal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsambang ito, habang nagpapakawagas kay Allāh habang sumusunod sa paggabay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang nangangailangan ng wuḍū' ay ang sumusunod:
1. Ang ṣalāh, nang walang pagtatakda, maging ito man ay isang tungkulin o isang kusang-loob.
2. Ang pagsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah.
3. Ang pagsaling ng muṣḥaf (pisikal na kopya ng Qur'ān).
Nagsasagawa ako ng wuḍū' at nagsasagawa ako ng ghusl sa pamamagitan ng tubig na kadali-dalisay.
Ang tubig na kadali-dalisay ay ang bawat tubig na bumaba mula sa langit o bumukal mula sa lupa at nanatili sa orihinal na pagkakalikha rito at hindi nagbago ang isa sa tatlong katangian nito: ang kulay, ang lasa, at ang amoy, sa isang paraang kabilang sa mga paraan na nag-aalis ng pagkakadali-dalisay ng tubig.
Ang Pagsasagawa ng Wuḍū'
1. Ang layunin at ang kinalalagyan nito ay ang puso. Ang kahulugan ng layunin ay ang pagtitika ng puso sa paggawa ng pagsamba bilang pagpapakalapit-loob kay Allāh.
2. Magsasabi ako ng bismi –llāh (sa ngalan ni Allāh).
3. Ang paghuhugas ng mga kamay nang tatlong beses.
4. Ang pagmumumog nang tatlong beses.
Ang pagmumumog ay ang pagpapasok ng tubig sa bibig at ang pagpapagalaw nito sa loob niyon, pagkatapos ang pagpapalabas nito.
5. Ang istinshāq pagkatapos ang istinthār nang tatlong beses. Ang istinshāq ay ang paghatak ng tubig sa pamamagitan ng pagsinghot papunta sa kaloob-looban ng ilong.
Ang istinthār ay ang pagpapalabas ng anumang nasa ilong gaya ng sipon at iba pa sa pamamagitan ng paghinga palabas.
6. Ang paghuhugas ng mukha nang tatlong beses.
Ang hangganan ng mukha: Ang mukha ay ang ginagamit sa pakikipagharap.
Ang hangganan nito pahalang ay mula sa isang tainga hanggang sa kabilang tainga.
Ang hangganan nito pababa ay mula mga kinahiratiang tinutubuan ng mga buhok ng ulo hanggang sa dulo ng baba.
Sumasaklaw ang paghuhugas ng mukha sa bawat narito na kaunting buhok at gayon din sa bayāḍ at patilya.
Ang bayāḍ ay ang nasa pagitan ng patilya (sideburn) at pingol (lobe) ng tainga.
Ang patilya ay ang buhok na nasa butong nakausling kahilera ng butas ng tainga papunta sa loob ng ulo at bumaba buhat doon patungo sa tragus.
Gayon din, sumasaklaw ang paghuhugas ng mukha sa buong nakalantad mula sa makapal na buhok ng balbas kasama ng anumang lumugay mula rito.
7: Ang paghuhugas ng mga kamay at mga braso simula sa mga dulo ng mga daliri ng kamay hanggang sa lampas ng mga siko nang tatlong beses.
Napaloloob ang mga siko sa isinasatungkuling paghuhugas ng mga kamay at mga braso.
8: Ang pagpahid sa buong ulo sa pamamagitan ng mga kamay kasama ng mga tainga nang iisang beses.
Magsisimula siya sa unahan ng ulo niya habang nagpapapunta [ng mga kamay niya] hanggang sa batok niya, pagkatapos magbabalik siya ng mga ito.
Magpapasok siya ng mga hintuturo niya sa mga tainga niya at magtatapat siya ng mga hinlalaki niya sa labas ng tainga para magpahid siya sa pamamagitan niyon ng labas ng tainga at loob nito.
9: Ang paghuhugas ng mga paa mula sa simula ng mga daliri ng mga paa hanggang bukungbukong nang tatlong beses. Napaloloob ang mga bukungbukong sa isinatungkuling paghuhugas ng mga paa.
Ang mga bukungbukong ay ang mga butong nakausli sa ibaba ng binti.
10: Ibinibilang na sunnah para sa Muslim na magsabi matapos ng pagsasagawa ng wuḍū': "Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah wa-ashhadu anna Muḥammadan `abduhu wa rasūluh. Allāhumma –j`alnī mina –ttawwābīna wa-j`alnī mina –lmutaṭahhirīn (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O Allāh, gawin Mo ako kabilang sa mga palabalik-loob at gawin Mo ako kabilang sa mga nagpapakadalisay.)." Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsagawa ng wuḍu' saka nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍu', pagkatapos nagsabi siya: 'Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O Allāh, gawin Mo ako kabilang sa mga palabalik-loob at gawin Mo ako kabilang sa mga nagpapakadalisay' bubuksan para sa kanya ang walong pintuan ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.
Nawawalang-saysay ang wuḍū' dahil sa mga bagay-bagay na ito:
1. Ang lumalabas mula sa dalawang labasan gaya ng ihi, dumi, utot, punlay, at madhy.
2. Ang paglaho ng ulirat dahil sa isang mahimbing na pagkatulog, o isang pagkawala ng malay, o isang pagkalango o isang pagkabaliw.
3. Ang lahat ng nag-oobliga ng ghusl gaya ng janābah, regla, at nifās.
Kapag dumumi ang tao, kinakailangan sa kanya na mag-alis ng najāsah sa pamamagitan ng tubig na naipandadalisay – ito ay mainam – o sa pamamagitan ng iba pa sa tubig na naipandadalisay kabilang sa naipang-aalis ng najāsah gaya ng mga bato, mga dahon (o mga papel), tela, at tulad niyon, sa kundisyon na iyon ay sa pamamagitan ng tatlong pagpahid na nakalilinis o higit pa at sa pamamagitan ng isang bagay na ṭāhir na pinapayagan.
Ang Pagpahid sa Khuff at Medyas at Tulad Nito
Sa sandali ng pagkakasuot ng sapatos o medyas, maaari ang magpahid sa mga ito nang wala nangpangangailangan sa paghuhugas ng mga paa, kalakip ng mga sumusunodnakundisyon:
1. na angpagkakasuot ng mga ito ay matapos ng pagkasagawa ng isang buongṭahārahdahil sa maliitnaḥadath at malakingḥadath;
2. na ang khuff o ang medyas ay mga ṭāhir: hindi mga najis;
3. na ang pagpahid ay sa yugtong itinakda para rito;
4. na ang khuff o ang medyas ay ipinahihintulot (ḥalāl): hindi ninakaw o inagaw.
Ang khuff ay ang isinusuot sa paa, na yari sa manipis na katad at tulad nito. Ang tulad nito ay ang sapatos na tumatakip sa mga paa. Ang medyas ay ang isinusuot ng tao sa mga paa niya, na yari sa tela at tulad nito. Ang tulad nito ay ang tinatawag na stocking.
Ang Kasanhian ng Pagkaisinasabatas ng Pagpapahid sa Khuff: Ang kasanhian ng pagpapahid sa khuff ay ang pagpapaginhawa at ang pagpapagaan sa mga Muslim na nahihirapan sa paghuhubad ng khuff o medyas at paghuhugas ng mga paa, lalo na sa mga oras ng taglamig at matinding ginaw at sa paglalakbay.
Ang Yugto ng Pagpapahid: Ang yugto ng residente ay isang araw at isang gabi (24 oras). Ang yugto ng manlalakbay ay tatlong araw kasama ng mga gabi nito (72 oras).
Nagsisimula ang pagtataya sa yugto ng pagpapahid mula sa unang pagpapahid sa khuff o medyas matapos ng ḥadath.
Ang Paraan ng Pagpapahid sa Khuff o Medyas:
1. Babasain ang mga kamay.
2. Padadaanin ang kamay sa ibabaw ng paa (mula sa mga dulo ng mga daliri hanggang sa simula ng lulod).
3. Papahiran ang kanang paa ng kanang kamay at ang kaliwang paa ng kaliwang kamay.
Ang mga Tagapawalang-saysay sa Pagpapahid: 1. Ang anumang nag-oobliga ng ghusl; 2. Ang pagwawakas ng yugto ng pagpapahid.
Ang Ghusl
Kapag may nangyayari sa babae at lalaki na isang pagtatalik kahit pa man hindi naipalabas ang manīy o lumabas ito mula sa kanilang dalawa nang may pagnanasa sa kalagayan ng pagkagising o lumabas ito sa kalagayan ng pagkatulog, kakailanganin sa kanila ang ghusl (paligo) nang sa gayon maging maaari sa kanila na magsagawa ng ṣalāh o ng anumang nag-oobliga ng ṭahārah. Gayon din, ang babae naman, kapag natigil siya sa regla o nifās, kakailanganin sa kanya ang ghusl bago siya maaaring magsagawa ng ṣalāh o ng anumang nag-oobliga ng ṭahārah.
Ang paraan ng ghusl ay gaya ng sumusunod:
Na magpalubus-lubos ang Muslim ng pagbuhos ng tubig sa katawan niya sa kabuuan nito sa alinmang paraan, at kabilang doon ang pagmumumog at ang pagsinghot at pagsinga ng tubig. Kapag nakapaglubus-lubos siya ng pagbuhos ng tubig sa katawan niya, naalis sa kanya ang malaking ḥadath at nalubos ang ṭahārah niya.
May isa pang paraang higit na kumpleto. Ito ay ang ginagawa noon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay gaya ng sumusunod:
1. Ang paglalayon ng pag-aalis ng ḥadath.
2. Ang pagsambit ng bismi –llāh (sa ngalan ni Allāh), ang paghuhugas ng mga kamay nang tatlong beses, at ang paghuhugas ng ari.
3. Ang pagsasagawa ng buong wuḍū' kung paanong nagsasagawa ng wuḍū' ang Muslim para sa ṣalāh.
4. Ang pagbuhos ng tubig sa ulo nang tatlong beses, na binabasa sa pamamagitan nito ang mga pinagtutubuan ng buhok niya.
5. Ang paglubus-lubos ng pagbuhos ng tubig sa buong katawan, na nagsisimula sa paghuhugas sa kanang kalahati ng katawan, pagkatapos sa kaliwang kalahati, kalakip ng pagkukuskos sa pamamagitan ng mga kamay upang umabot ang tubig sa lahat ng mga bahagi ng katawan.
Ipinagbabawal sa junub ang paggawa ng sumusunod hanggang sa makapagsagawa ng ghusl:
1. Ang pagsasagawa ng ṣalāh.
2. Ang pagsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah.
3. Ang pananatili sa masjid ngunit pinapayagan ang pagtawid lamang nang walang pananatili.
4. Ang pagsaling ng muṣḥaf (pisikal na kopya ng Qur'ān).
5. Ang pagbabasa ng Qur'ān.
Ang Tayammum
Kapag hindi nakatagpo ang Muslim ng tubig na maipangsasagawa niya ng ṭahārah o hindi siya nakakaya sa paggamit ng tubig dahil sa isang karamdaman at tulad nito at natakot siya na makalampas sa kanya ang oras ng ṣalāh, tunay na siya ay magsasagawa ng tayammum sa pamamagitan ng alabok.
Ang paraan niyon ay na magtapik siya sa lupa ng mga kamay niya nang iisang tapik, pagkatapos magpapahid siya ng mga ito sa mukha niya at mga palad niya lamang. 
Isinasakundisyon na ang alabok ay ṭāhir.
Nawawalang-saysay ang tayammum dahil sa mga bagay-bagay na ito:
1. Nawawalang-saysay ang tayammum dahil sa anumang ikinawalang-saysay ng wuḍū'.
2. Kapag nagkaroon ng tubig bago ng pagsisimula ng pagsamba na isinagawa ang tayammum para roon.

บริการ AI