Ang Pangalan Niya, ang Kaangkanan Niya, at ang Bayan na Pinanganakan Niya at Nilakihan Niya.

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 2

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang Sugo ng Islām ay si Muḥammad na anak ni `Abdullāh na anak ni `Abdulmuṭṭalib na anak ni Hāshim na mula sa mga supling ni Ismael na anak ni Abraham (sumakanila ang pangangalaga). Iyon ay dahil ang propeta ni Allāh na si Abraham (sumakanya ang pangangalaga) ay dumating sa Makkah mula sa Sirya. Kasama niya ang maybahay niyang sa Hagar at ang anak niyang si Ismael habang ito ay nasa duyan pa. Nagpatahan siya sa kanilang dalawa sa Makkah ayon sa utos ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Noong nagbinata si Ismael, dumating si Propeta Abraham (sumakanya ang pangangalaga) sa Makkah at ipinatayo niya at ng anak niyang si Ismael (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) ang Ka`bah, ang Bahay na Pinakababanal. Nagdamihan ang mga tao sa paligid ng Bahay. Ang Makkah ay naging pinapakay ng mga nagpapakamananamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, na mga nakaiibig magsagawa ng Hajj. Nagpatuloy ang mga tao sa pagsamba kay Allāh at paniniwala sa kaisahan Niya ayon sa kapaniwalaan ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga) sa loob ng mga siglo. Pagkatapos naganap ang pagkalihis matapos niyon. Ang Arabya, sa kalagayan nito, ay gaya ng nasa paligid nito na nalalabing mga bayan ng Daigdig. Nakalitaw sa mga ito ang mga gawain ng Paganismo gaya ng pagsamba sa mga anito, paglilibing nang buhay sa mga batang babae, kawalang-katarungan sa mga babae, pagsaksi sa kabulaanan, pag-inom ng alak, paggawa ng mga mahalay, pangangamkam ng ari-arian ng ulila, at pagkuha ng patubo. Sa lugar na ito at sa kapaligirang ito ipinanganak ang Sugo ng Islām na si Muḥammad na anak ni `Abdullāh mula sa mga supling ni Ismael na anak ni Abraham (sumakanila ang pangangalaga) noong taong 571 CE. Pinapanaw ang ama niya bago ng kapanganakan niya at pinapanaw naman ang ina niya noong ikaanim na taong gulang niya. Nag-aruga sa kanya ang tiyuhin niyang si Abū Ṭālib. Namuhay siyang isang ulilang maralita. Siya noon ay kumakain at kumikita mula sa trabaho ng kamay niya.




บริการ AI