Ang Mensahe Niya

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 2

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Nagsugo si Allāh kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos na naging pangkalahatan ang pagtatambal [kay Allāh], ang kawalang-pananampalataya, at ang pagkamangmang sa mga rehiyon ng lupa. Hindi nagkaroon sa balat ng lupa ng mga sumasamba kay Allāh nang hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman maliban sa mga nalalabing mabibilang kabilang sa mga May Kasulatan. Kaya naman nagpadala si Allāh ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) bilang pangwakas para sa mga propeta at mga isinugo. Nagpadala sa kanya si Allāh kalakip ng patnubay at Relihiyon ng Katotohanan sa mga nilalang sa kalahatan upang mangibabaw ito sa [ibang] relihiyon sa kabuuan nito at upang magpalabas ito sa mga tao mula sa mga kadiliman ng Paganismo, kawalang-pananampalataya, at pagkamangmang tungo sa liwanag ng Monoteismo at Pananampalataya. Ang mensahe niya ay isang tagapagbuo para sa mga mensahe ng mga naunang propeta – sumakanila ang basbas at ang pangangalaga.
Nag-anyaya siya tungo sa bawat ipinaanyaya ng mga propeta at mga isinugo (sumakanila ang pangangalaga) na sina Noe, Abraham, Moises, Solomon, David, at Jesus, na pananampalataya na ang Panginoon ay si Allāh, ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapagbigay-buhay, ang Tagapagbigay-kamatayan, ang Tagapagmay-ari ng paghahari. Siya ay ang nangangasiwa sa kapakanan. Siya ay ang Mahabagin, ang Maawain. Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat anumang nasa Sansinukob kabilang sa nakikita natin at hindi natin nakikita. Ang anumang iba kay Allāh, ito ay isang nilikha kabilang sa mga nilikha Niya.
Nag-anyaya ang Propeta sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at pag-iwan sa pagsamba sa iba sa Kanya. Naglinaw siya nang kasukdulan ng paglilinaw na si Allāh ay nag-iisa na walang katambal sa Kanya sa pagsamba sa Kanya o paghahari Niya o paglikha Niya o pangangasiwa Niya. Naglinaw siya na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi nagkaanak at hindi ipinanganak, walang isang kapantay ni isang katulad, at hindi tumatahan sa anuman kabilang sa nilikha Niya at hindi nagsasakatawan doon.
Nag-anyaya ang Propeta tungo sa pananampalataya sa mga kasulatang pandiyos gaya ng mga kalatas nina Abraham at Moises (sumakanilang dalawa ang pangangalaga), Torah, Salmo, at Ebanghelyo. Nag-anyaya rin siya tungo sa pananampalataya sa mga sugo sa kabuuan nila (sumakanila ang pangangalaga). Nagturing siya na ang sinumang nagpasinungaling sa iisang propeta ay tumanggi ngang sumampalataya sa lahat ng mga propeta.
Nagbalita siya ng nakagagalak sa mga tao sa kabuuan nila hinggil sa awa ni Allāh; na si Allāh ay ang magsasagawa ng pagbibigay-kasapatan sa kanila sa Mundo; na si Allāh ay ang Panginoon, ang Maawain at Siya – tanging Siya – na makikipagtuos sa mga nilikha sa Araw ng Pagbangon kapag bubuhayin Niya sila sa kalahatan mula sa mga libingan nila; at na Siya ay ang gaganti sa mga mananampalataya sa mga maayos na magandang gawa nila ng katumbas sa sampung tulad ng mga ito at sa mga masagwang gawa ng katumbas sa isang tulad ng mga ito. Ukol sa kanila ang Kaginhawahang mananatili sa Kabilang-buhay. Ang sinumang tumangging sumampalataya at gumawa ng mga masagwa ay magkakamit ng ganti niya sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mensahe niya ay hindi nagparingal sa lipi niya ni sa bayan niya ni sa marangal na sarili niya; bagkus nasaad sa Marangal na Qur'ān ang mga pangalan ng mga propetang sina Noe, Abraham, Moises, at Jesus (sumakanila ang pangangalaga) nang higit kaysa sa pagkakasaad ng pangalan niya. Hindi binanggit sa Marangal na Qur'ān ang pangalan ng ina niya ni ang mga pangalan ng mga maybahay niya. Nasaad sa Qur'ān ang pagbanggit ng pangalan ng ina ni Jesus nang higit sa isang ulit. Nasaad ang pagbanggit sa pangalan ni Maria (sumakanya ang pangangalaga) nang tatlumpu't limang ulit.
Ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naisanggalang sa bawat anumang sumasalungat sa batas, isip, at naturalesa o tinatanggihan ng matinong kaasalan dahil ang mga propeta ay mga naisanggalang (sumakanila ang pangangalaga) sa [pagkakamali sa] anumang ipinaabot nila buhat kay Allāh at dahil sila ay ang mga inatangan ng pagpapaabot ng mga utos ni Allāh sa mga lingkod Niya. Ang mga propeta ay hindi nagkaroon ng anuman sa mga kakanyahan ng pagkapanginoon at pagkadiyos ; bagkus sila ay mga mortal, gaya ng nalalabi sa mga mortal, na kinasihan ni Allāh (napakataas Siya) ng mga mensahe Niya.
Kabilang sa pinakadakila sa mga tagasaksi na ang mensahe ng Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang pagkasi mula kay Allāh ay na ito hanggang sa araw na ito ay umiiral gaya ng sa sandali ng buhay niya at sinusunod ng higit sa isang bilyong Muslim, na nagpapatupad sa mga kinakailangang pambatas gaya ng pagdarasal, [pagbibigay ng] Zakāh, pag-aayuno, pagsasagawa ng Hajj, at iba pa sa mga ito nang walang pagpapaiba o paglilihis.