Ano ang mga uri ng pagdalaw sa mga libingan para sa mga lalaki?

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 167

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

S. Sabihin mo: 1. Pagdalaw na isinasabatas na pinabubuyaan ang tagapagsagawa nito dahil sa dalawang sanhi:
A. Ang pag-aalaala sa Kabilang-buhay dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ako noon ay sumaway sa inyo sa pagdalaw sa mga libingan. Kaingat at dalawin na ninyo ang mga iyon sapagkat ang mga iyon ay nagpapaalaala ng Kabilang-buhay." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
B. Ang pagbati sa mga patay at ang pagdalangin para sa kanila kaya sinasabi natin: "Assalāmu `alaykum ahla -­ddiyār mina -­lmu'minīn...(Ang kapayapaan ay sumainyo, o mga naninirahan sa mga libingan, mula sa mga mananampalataya...)" Kaya nakikinabang ang dumadalaw at ang dinadalaw.
2. Pagdalaw na hindi isinasabatas na nagkakasala ang nagsasagawa nito. Ito ang tinutukoy ng pagdalangin sa tabi ng mga libingan nila o pagtuon kay Allāh sa pamamagitan nila. Ito ay isang bid`ah na nagliligaw sa nagsasagawa nito at tumitisod sa kanya sa shirk o pagpapasaklolo sa mga patay, paghiling ng pamamagitan nila, at paghingi ng ayuda mula sa kanila. Ito ay ang Malaking Shirk dahil ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:13-14): "Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo. Taglay Niya ang paghahari, samantalang ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay itatanggi nila ang pagtatambal ninyo [sa kanila kay Allāh]. Walang makapagbabalita sa iyo ng tulad ng isang nakababatid."