DU`A PARA SA PROPETA () SA PAGPASOK AT PAGLABAS NG MASJID
- عَنْ فَاطِمَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا قَالَتْ: كَانَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا دَخَلَ المَسْجِدَ صَلَّى عَلَى مُحَمَّدٍ وَسَلَّمَ، وَقَالَ: "رَبِّ اغْفِرْ لِيْ ذُنُوبِيْ، وَافْتَحْ لِيْ أَبْوَابَ رَحْمَتِكَ"، وَإِذَا خَرَجَ صَلَّى عَلَى مُحَمَّدٍ وَسَلَّمَ، وَقَالَ: "رَبِّ اغْفِرْ لِيْ ذُنُوبِيْ، وَافْتَحْ لِيْ أَبْوَابَ فَضْلِكَ".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 314، واللفظ له، وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 771، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه: حسن، وصححه الألباني).
46- Si Fatimah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Kapag pumapasok ang Sugo ng Allah () sa Masjid ay nananalangin ng pagpapala at kapayapaan kay Muhammad at kanyang sinasabi: “Rabbig firlee thunoobi waf tahlee abwaa-ba rahmatik (O aking Panginoon! Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan at buksan Mo sa akin ang mga pintuan ng Iyong Habag)”, at kapag siya ay lumalabas, kanyang sinasabi: “Rabbig firlee thunoobi waf tahlee abwaa-ba fadlik (O aking Panginoon! Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan, at buksan Mo sa akin ang mga pintuan ng iyong biyaya)”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (314)], Ibn Majah [Hadith bilang: (771)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Fatimah, anak na babae ni Muhammad na Sugo ng Allah (), at ang kanyang ina ay si Khadijah bint Khuwailid na tinaguriang ina ng mga mananampalataya (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah). Si Fatimah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay ipinanganak bago maging Sugo si Muhammad (), datapuwa’t siya ang pinakabunsong anak na babae ng Propeta ().
Siya ay namulat at lumaki sa loob ng pamamahay ng Propeta () sa kadalisayan, lakas ng loob at kagandahang ugali, sapagka’t ang mismong ama niya, ang Sugo ng Allah () ang itinalaga niyang magandang halimbawa sa lahat ng kanyang mga kilos at gawa, kaya siya ay naging isang babaeng matiisin, relihiyosa, pino, dalisay, makuntento at mapagpasalamat sa Allah.
Siya ay nagtataglay ng maraming mga dakilang katangian; isa sa mga ito ay ang naipahayag ng Propeta () sa kanyang sinabi: “Katotohanang ito ay isang Anghel na kailanma’y hindi pa nakababa sa lupa bago ang pagsapit ng gabing ito, siya ay nagpaalam sa kanyang Panginoon upang bumati lamang sa akin at ibalita sa akin na si Fatimah ang pinakaespesyalista sa mga kababaihan na mananahan sa Paraiso, at si Al-Hassan at Al-Hussain ang pinakapinuno ng mga kabataan na mananahan sa Paraiso”. At-Tirmithi [Hadith bilang: (3781)].
Siya ay pinaasawa ng Sugo ng Allah () kay Ali (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), at ang edad niya sa araw na ikasal siya ay labing limang taong gulang at limang buwan, at tunay na mahal na mahal siya ng Propeta () at labis na iginagalang. Si Fatimah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay binawian ng buhay pagkaraan ng anim na buwan mula sa araw ng kamatayan ng Propeta (), sa ikatlong araw ng buwan ng Ramadhan ika-11 sa Hijri, at sa gabi na siya nailibing sa Baqi, sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah at malugod sa kanya.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nasasaklawan ng Hadith na ito ang panalangin para sa pagpasok sa Masjid, at ito ay ang: “Rabbig firlee thunoobi waf-tahlee abwaa-ba rahmatik (O aking Panginoon! Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan at buksan Mo sa akin ang mga pintuan ng Iyong Habag)”, bagkus ang panalanging ito ay binibigkas pagkatapos na maipanalangin ng pagpapala at kapayapaan ang Propeta ().
Ang pinakamainam na paraan sa panalangin ng pagpapala para sa Sugo ng Allah () ay ang mga sumusunod:
a. “Allaahumma salli `ala Muhammad wa `ala ali Muhammad kama sallayta `ala Ibrahim wa `ala ali Ibrahim innaka hameedun majeed, allaahumma baarik `ala Muhammad wa `ala ali Muhammad kama baarakta `ala Ibrahim wa `ala ali Ibrahim innaka hameedun majeed”. Al-Bukhari [Hadith bilang: (3370)], Muslim [Hadith bilang: 66-(406)].
b. “Allaahumma salli `ala Muhammad `abdika wa rasoolika kama sallayta `ala Ibrahim wa ali Ibrahim, wa baarik `ala Muhammad wa `ala ali Muhammad kama baarakta `ala Ibrahim wa ali Ibrahim”. Al-Bukhari [Hadith bilang (6358)].
k. “Allaahumma salli `ala Muhammad wa ajwaajihi wa dhurriyatihi, kama sallayta `ala ali Ibrahim, wa baarik `ala Muhammad wa ajwaajihi wa dhurriyatihi, kama baarakta `ala ali Ibrahim, innaka hameedun majeed”. Al-Bukhari [Hadith bilang (3369)], Muslim [Hadith bilang: 69-(407)].
d. “Allaahumma salli `alaa Muhammad wa `alaa ali Muhammad”. An-Nasai [Hadith bilang: (1292)].
2. Ang kahulugan ng panalangin ng Allah para sa Sugo (): Ito ay ang pagdakila ng Allah sa Sugo () at pagpupuri sa kanya. Kaya ang kahulugan ng “Allaahumma salli `ala Muhammad”: O Allah! Gawaran Mo siya ng kadakilaan sa mundo at sa Huling Araw ayon sa naaangkop sa kanya.
3. Kabilang sa paraan ng panalangin ng kapayapaan para sa Propeta () ay ang: “Assalaamu alayka ayyuhan nabiyyu wa rahmatullaahi wa barakatuhu”, o di kaya: “Assalaamu alayka ya rasoolallaah”, o di kaya: “Assalamu alayka ya nabiyyallaah”, o di kaya: “Assalamu `alan nabi”. Ang pananalangin ng kapayapaan sa Propeta () ay umaabot sa kanya sa pamamagitan ng mga marangal na Anghel kahit saanmang lupalop ng kalupaan sa mundo. An-Nasai [Hadith bilang: (1282)], at gayundin ang pananalangin ng pagpapala sa Sugo ng Allah () ay umaabot din sa kanya kahit saanmang lugar sa mundo. Abu Daud [Hadith bilang: (2042)].