KARAPATAN NG INA HIGIT NA DAKILA

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 70

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

53- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Dumating ang isang lalaki sa Sugo ng Allah () at agad na nagtanong: O Sugo ng Allah! Sino po sa mga tao ang higit na karapat-dapat kong pakitunguhan ng mabuti? Siya (ang Sugo ) ay nagsabi: “Ang iyong Ina”. Muli, siya (ang lalaki) ay nagtanong: At sino po ang kasunod?, Siya (ang Sugo ) ay muling nagsabi: “Kasunod ang iyong Ina”. Siya (ang lalaki) ay muling nagtanong: At sino pa po ang kasunod? Siya (ang Sugo ) ay muli na namang nagsabi: “Kasunod ang iyong Ina”. At (sa ikaapat na pagkakataon), siya (ang lalaki) ay muling nagtanong: At sino pa po ang susunod sa kanya?. Sa huli, siya (ang Sugo ) ay nagsabi: “Kasunod ang iyong ama”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (5971)], Muslim [Hadith bilang: 1-(2548)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang ibig sabihin ng pakikitungo dito ay ang magandang pakikisama at mabuting pakikipag-ugnayan.
2. Ang dahilan ng pagpapauna sa ina ay dahil siya ang may maraming sakripisyo at kapaguran para sa bata, pagmamahal at awa, paglingkod sa kanya, at sunud-sunod na pasanin, simula sa pagbubuntis, sumunod ang pagsilang sa kanya, ang pagpapasuso sa kanya, at pagkatapos ay ang pagpapalaki sa kanya, pag-aalaga sa kanya kapag siya ay nagkakasakit at iba pa. Kaya ang karapatan ng ina sa kagandahan ng pakikitungo ay higit na dakila kaysa sa karapatan ng ama.
3. Ang ina ang siyang may higit na karapat-dapat sa mga tao na pakisamahan at pakitunguan nang mabuti sa pamamagitan ng pagsuporta at pagtulong, ng malambot na pananalita, malambing at malumanay na pangungusap, sa pagbigay ng kaaya-ayang regalo ayon sa kanyang nagugustuhan o pangangailangan, sa pagsuyo at pagbisita sa kanya nang walang pag-iwas at pagtataboy sa kanya, walang pagpapahirap at pagpapagod, at gayundin ang pagpapapuyat para sa kanya kung siya ay nagkakasakit o inabot ng katandaan, at ang pananalangin para sa kanya, samakatwid siya ang may karapatan sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa lahat ng bagay sa mundong ito, kahit pa man siya ay nakagagawa ng pagtatambal sa Allah at malaking kasalanan, samakatuwid kung siya ay isang muslim, may takot sa Allah at malaya sa kasalanan, ang kanyang karapatan ay higit na napakadakila.

บริการ AI