MARANGAL NA HANAPBUHAY

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 64

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

55- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinasabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang paghahanap ng isa sa inyo ng isang bigkis na panggatong at pagkatapos ay bubuhatin niya ito sa kanyang likod at ibebenta ay mas mainam para sa kanya kaysa sa namamalimos siya sa ibang tao na maaaring magbigay sa kanya o tumanggi”]. Muslim [Hadith bilang: 107-(1042)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (2074)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay isang relihiyon na nagtatatag ng masayang pamumuhay sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mabuting gawain at paghahanap-buhay mula sa malilinis at marangal na kita,  kung bakit ipinagbawal nito ang pagmamalimos, dahilan sa ito’y nagtutulak sa pagiging hamak at pagsunod sa sariling pithaya, bagkus ito ay isang palatandaan ng kababaan ng loob, kasakiman at katamaran.
2. Lahat ng nagtatrabaho upang kumita ng malinis at marangal na kabuhayan ay sasakanya ang karangalan nito sa Islam, bagkus lahat ng kabutihan na ipinahihintulot ay mapapasakanya ang katanyagan nito kapag siya ay naging mahusay at dalubhasa dito at hindi nagtaguyod ng anumang ipinagbabawal.
3. Hinihikayat ng Islam ang isang Muslim na magtrabaho sa pamamagitan ng malinis at marangal na hanapbuhay upang kumita siya para sa ikabubuhay niya at ng kanyang pamilya, at magkaroon ng malinis at marangal  na pamamaraan na makakatulong sa kanya upang mamuhay ng may dignidad at kapanatagan, sapagka’t ang kawalan ng trabaho, katamaran at pagtatambay ay itinuturing na isang nakasusuklam na bagay sa pananaw ng Islam.
PAGPAPAHABA NG BALBAS UBLIGADO
56- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، عَنِ النَّبيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ،  قَالَ: "أَحْفُوْا الشَّوَارِبَ وَأَعْفُوْا اللِّحَى".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 52- (259)، واللفظ له، وصحيح البخاري، رقم الحديث 5893،).
56- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Inyong putulan ang bigote ninyo at hayaan ang inyong balbas”]. Muslim [Hadith bilang: 52-(259)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (5893)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith.



Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Isinasabatas ng Hadith na ito ang pagka-ubligado ng pangangalaga sa balbas at pagpapahaba nito, kaya’t hindi ipinahihintulot ang pag-ahit nito, gayundin ang pagbunot o paggupit nito. 
2. Ang buhok na tumutubo sa ibaba ng labi ay itinuturing na kabilang ng balbas.
3. Ipinapahayag ng Hadith na ito ang pagkalehitimo ng paggupit sa bigote, kaya hindi ipinahihintulot sa isang lalaking muslim na hayaan niyang humaba nang husto ang kanyang bigote o ang magkabilang dulo nito; samakatuwid dapat sa kanya ay gupitan niya ang lahat ng kanyang bigote o bawasan lamang ito.