75- Si Abu Qatada Al-Ansari (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Tunay ngang narinig niya sa Sugo ng Allah () na nagsasabi: “Maging maingat sa madalas na panunumpa sa pagbebenta, sapagka't katotohanang ito ay nagtutulak sa pagiging mapagkunwari at pagkatapos ay pinapawi nito ang biyaya”]. Muslim [Hadith bilang: 132-(1607)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-8 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang kabawalan ng panunumpa sa pagtitinda at pamimili kung hindi naman ito kailangan.
2. Nararapat sa isang mangangalakal na muslim na maging masigasig sa lahat ng marangal at malinis na kita at hanapbuhay sa pamamagitan ng lehitimong pamamaraan alinsunod sa mga katuruan ng Islam, at na matakot siya sa Allah sa kanyang sarili at huwag madalas manumpa.