ALITUNTUNIN NG JUNUB AT JANABAH

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 76

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

81- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nakaugalian ng Sugo ng Allah () na kapag siya ay nasa kalagayan ng Junub (o matapos makipagtalik), at nais niyang kumain o matulog, siya ay nagsasagawa ng Wudu’ ng tulad ng Wudu’ niya sa Salah”]. Muslim [Hadith bilang: 22-(305)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-16 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang “Junub” ay yaong nakipagtalik na kahit walang lumabas na semilya, o may lumabas na semilya kahit hindi nakipagtalik, at dito ay kapwang nasasaklawan ang babae at lalaki, at para sa isang nasa Junub ay maaaring matulog, kumain at uminom, at gayundin ang makipagtalik muli bago maligo dahil sa kalagayan ng Junub.
2. Walang sala ang isang babae kung siya ay nasa kalagayan ng Junub na magluto o gumawa ng mga gawaing bahay, asikasuhin ang kanyang mga anak na lalaki’t babae at gayundin na tugunan ang kanyang mga sariling pangangailangan.
3. Kaaya-aya sa isang nasa Junub na magsagawa ng Wudu’ kapag nais niyang kumain, uminom, matulog, o makipagtalik, datapuwa’t ang pagligo ang siyang higit na mainam, sapagka’t ito ay nagbibigay ng ibayong kasiglahan at lakas sa katawan dahilan sa paglabas ng semilya, bagkus magsisilbing tulong ito upang manumbalik muli at mapalitan ang lakas at kasiglahan na nawala.


บริการ AI