Ang Panimulang pagpapakilala sa Isinasapusong Paniniwala

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 214

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang ‘Aqeedah (mga isinasapusong paniniwala) na islamiko: Ay ang mahigpit na pinanghahawakan ng tao sa kanyang puso na mga pangunahing pinaniniwalaan at mga kaakibat ng mga ito. 
At ang kahalagahan ng wastong ‘Aqeedah at mga bunga nito ay, ang layunin na kung saan dahil dito ay nilalang ang sangkalikasan, at ito ang pamantayan ng deen (pamamahala ng buhay), at ang pundasyon ng panawagan ng mga sugo, at ang Al-Eeman (ang sinasang-ayunan ng puso na nagreresulta sa puso, at sa salita, at sa  gawa) ay kinakailangan upang maging wasto ang isinasaganap na gawain at maging katanggap-tanggap, at siyang magdudulot ng ligaya at tagumpay dito sa mundo at sa kabilang-buhay, at ganoon naman na ang pag-iwas palayo nito ay magdudulot ng kalungkutan dito sa mundo at kabilang-buhay, at ito ang kumakanlong sa buhay at kayamanan, at ito ang kinakailangan para makamit ang pagwawagi at maitatag ang lipunan, makamit ang katiwasayan, at ito ang salaan ng isipan sa mga nakalilitong ikapipinsala, at mga malagim na pamahiin.
At ang Shari’ah (ang alituntunin at kautusan) ng Allah ay naaangkop at makabubuti sa lahat ng kapanahunan at bayan.
Ang hukum (kahatulan) sa pagtataglay ng karunungan sa ‘Aqeedah: 
Meron sa mga ito ay Fardu ‘ayn (obligado sa bawat isa). At meron sa mga ito ay Fardu kifayah (obligado sa lahat ngunit sapat na kung iilan lamang ang magsasaganap).
Ang mga propeta ay magkasang-ayon sa mga pamantayan ng deen at sa mga layunin ng mga pangkalahatang alituntunin at kautusan,  at mga saligang pagmumulan ng mga kaugalian. Kung kaya’t ang ‘Aqeedah nila ay iisa, at sa mga sangay ng alituntunin ang may pinagkakaiba.
At tunay na ipinabatid ng Propeta salla-llahu alayhi wa sallam na ang kanyang ummah (lipunan ng mga muslim) ay magkakawatak-watak sa pitumpu’t tatlong sangay, lahat ay sa kaparusahan ng apoy liban sa isa, at ito ang Jama’ah (ang nagkasama-sama sa pagtalima )(1), at nang siya’y tinanong hinggil sa kanilang katangi-an ay kanyang sinabi:      "هم من كان على مثل ما أنا عليه وأصحابي"   
(‘Sila yaong mga nasa pamamaraang tulad sa akin at sa aking mga kasamahan’)(2).
Kaya’t sa pamamagitan nito
____________________
(1) Tulad ng iniulat ni Ibnu Maja sa kanyang Sunnan, bilang 3993, at pinatotohanan ni Al-Albani, sabi ng Sugo ni Allah  salla-llahu alayhi wa sallam:    إن أمتي ستفترق على ثنتين وسبعين فرقة كلها في النار إلا واحدة وهي الجماعة
( Ang aking Ummah ay mahahati sa 72 na mga sekta, lahat sila mapupunta sa empyerno maliban sa isa, at ito ang  Jamaah)
 (2) Iniulat ni At-Tirmidhi, bilang 2641, sa pagkasabing: تفترق أمتي على ثلاث وسبعين ملة كلهم في النار إلا ملة واحدة ، قالوا من هي يا رسول الله ، قال : ما أنا عليه وأصحابي.  ( Ang aking Ummah at mahahati sa 73 na sekta, lahat sila ay mapupunta sa empyerno, maliban sa isa, at sila ay nagtanong, “ Sino ang sektang ito?”  “Sila na mga kasama at mga tagasunod ko.”
At iniulat ni Al-Hakim, bilang 444, sa pagkasabing: تفترق أمتي على ثلاث وسبعين ملة كلها في النار إلا ملة واحدة ، فقيل له: ما الواحدة ؟ قال: ما أنا عليه اليوم وأصحابي.
ang mga tumalima sa Islam ay naging puro at dalisay na hindi magkahalu-halo: Sila ang mga Ahlu Us-Sunna wa Al-Jama’ah [yaong mga tumatalima sa Sunnah (pamamaraan ng Sugo) at magkakasama-sama sa pagsunod dito], at sila ang matagumpay na sangay, ang magwawaging pangkat, ang mga kumakatawan ng Hadith (mga naisalaysay patungkol sa Sugo) at Athar (mga naisalaysay patungol sa mga kasamahan ng sugo at mga tagasunod nila), huwarang mga hinalinhang tagapagsagawa-ng-kabutihan, mga kumakatawan ng Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah (pamamaraan ng sugo).
At sila ang katamtaman sa mga sangay ng ummah (lipunan ng mga muslim), kasing-katayuan ng Ummah na siya namang katamtaman ng mga Umam (mga lipunan). 
At kabilang sa pamamaraan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah: Ay ang pagtalima sa mga naisalaysay na kapamaraanan ng Sugo ni Allah salla-llahu ahayhi wa sallam, sa hayag man o mga lihim na ginagawa. At ang tahakin ang huwarang landas ng mga naunang tagasunod.
At ang pinagmumulan sa pagtanggap ng mga isinasapusong paniniwala na siyang pamantayan na sinasandalan at pinagbabasehan sa mga paksa ng paniniwala: Ay ang Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah, kasunod ay ang Eijma’ (pinagkaisahan sa pag-unawa ng mga dalubhasa sa kaalaman). At nakasaad sa tekstong-naipahayag ang kalinawan sa tumpak na pagtukoy at paggamit ng basehan ng pagtamo ng konklusyon sa mga may kaugnayan sa deen. At kabilang sa mga ito ang sinabi ng Allah ta’ala:
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَأُولِي الْأَمْرِ مِنكُمْ  فَإِن تَنَازَعْتُمْ فِي شَيْءٍ فَرُدُّوهُ إِلَى اللَّهِ وَالرَّسُولِ إِن كُنتُمْ تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ  ذَٰلِكَ خَيْرٌ وَأَحْسَنُ تَأْوِيلًا
[‘O kayo na mga naniniwala (o mga naninigurado ng tamang paniniwala), sundin ninyo si Allah at sundin ninyo ang Sugo at ang mga Uli El-amr (Inyong mga pinuno at mga dalubhasa sa kaalaman) at kapag may bagay na hindi ninyo napagkasunduan ay isangguni ninyo ang kahatulan hinggil dito sa Salita ng Allah at sa Sunnah ng Kanyang Sugo kung kayo nga ay naniniwala ng tunay na paniniwala sa Allah at sa Araw ng Paghuhukom, Iyan ang mabuti at ang mas mahusay na pag-unawa’]. (Qur’an: Surat Un-Nisa’: 59).
At itong Ayah (talata sa Qur’an) na ito ay saligang-basehan sa paglalahad ng pamantayan ng  Istid-lal (tumpak na pagtukoy at paggamit ng basehan), na magmula sa Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah at Eijma’,  At nakasaad dito ang utos na isangguni sa Allah at ito ang pagsangguni sa Salita Niya. At ang pagsangguni sa Sugo salla-llahu alayhi wa sallam at ito ang pagsangguni sa kanyang Sunnah (kapamaraanan) . At kapag nagkasang-ayon at nagkaroon ng Eijma’ (nagkaisa sa pag-unawa ang mga dalubhasa sa kaalaman) at walang hindi napagkasunduan, kung gayo’y kailangang isagawa ang walang naging hindi napagkasunduan. At ang Ahlu Us-Sunnah ay gumagamit nitong tatlong pinagmumulan ng basehan bilang timbangan sa lahat ng kung anuman ang nasa mga tao, mula sa mga binibitiwang salita at mga kilos at gawa, nakalihim man o lantad, buhat sa mga may kaugnayan sa Deen.
______________________
At iniulat ni At-Tabarani sa Al-Majmu’ Ul-Awsat, bilang 7840, sa pagkasabing:    تفترق هذه الأمة ثلاثة وسبعون فرقة كلها في النار إلا واحدة ، قالوا : وما تلك الفرقة ؟ فال : من كان على ما أنا عليه اليوم وأصحابي .
At sinabi ni At-Tirmidhi na ito ay hadith na hassan sahih, at pinatotohanan ito ni Al-Albani.





At susunod sa Tatlong nabanggit na mga basehang pagmumulan: Ang malusog na pag-iisip, at maayos na Fitrah (Ang likas sa Konsyensya at kalooban).
Ang patakaran sa Istid-lal (tumpak na pagtukoy at paggamit ng basehan) ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah: Ay siya’ng kaparaanan na dinadaanan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah para sa Istinbaat (pagtamo ng konklusyon) kung ano ang Hukum (kahatulan) ng mga pinaniniwalaan, mula sa pagtanggap sa mga pagmumulang  tama. At pinahalagahan ng Ahlu Us-Sunnah wa Al-Jama’ah ang pagpaunawa sa patakaran ng tumpak na paggamit ng basehan buhat sa tekstong-ipinahayag ng Shari’ah (ang alituntunin at kautusan). Sa kadahilanang itinuturing din ng mga partikular na pangkat na umaanib sa Islam ang Qur’an at ang Sunnah at ang Eijma’ bilang mga kilalang basehan sa pag-unawa sa mga pinaniniwalaan, tunay na ang pagsasalungat ay nagaganap sa kaparaanan ng pagtukoy at paggamit ng basehan gamit ang mga talata ng Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah sa mga paksa ng Deen.
At tunay na ipinabatid ng Propeta salla-llahu ‘alayhi wa sallam ang patungkol sa mga tao na sumasalungat sa lipon ng mga muslim sa pagbigay-kahulugan ng Qur’an, bagkus ang kanilang kinatatayuan ay maaaring humantong sa digmaan ng dahil dito. Kaya’t sa isinalaysay ni Abu Saeed El-Kudri radiya-llahu ‘anhu – ito ang salin ng kanyang sinabi: “Nakaupo kami na hinihintay ang Sugo ni Allah salla-llahu ‘alayhi wa sallam, at siya’y lumabas at nagtungo sa amin mula sa isa sa mga pamamahay ng kanyang mga asawa, at kami ay nagsitayo upang samahan siya, nang biglang naputol ang kanyang sandalyas, kaya’t inutusan niya si Ali na ito’y kumpunihin, kaya’t nanatili muna ang Sugo ni Allah salla-llahu ‘alayhi wa sallam at kami rin ay nanatili kasama siya, saka siya’y tumayo na naghihintay kay
 Ali at kami rin ay tumayo kasama siya, doon kanyang sinabi:
إن منكم من يقاتل على تأويل هذا القرآن كما قاتلت على تنزيله           [‘ Tunay na mula sa inyo ay mayroong makikipagdigma alang-alang sa pagbigay-kahulugan nitong Qur’an, tulad ng aking pakikipagdigma nang ito ay ipinapababa’]. Kung kaya’t kami ay nagpangalan ng mga naisip namin kung sino, at kasama namin noon si Abu Bakr at Umar. At kanyang sinabi:
   لا ولكنه خاصف النعل                         [‘Hindi sila kundi siya na nagkumpuni ng sandalyas’]
At dumating si Ali at amin siyang binalitaan, at ang kanyang tugon ay para bagang alam na niya (1).
____________________
(1) Iniulat ni Ahmad sa Al-Musnad, bilang 11773. Nagpahayag si Al-Haythami sa Mujma’u Uz-Zawa-id, bilang 14763: ‘Iniulat ito ni Ahmad at ang mga mananalaysay dito ay mga mananalaysay ng mga Sahih (mga labis na awtentik) liban kay Fitr bin Khalifa, at siya ay masasaligan’. At pinatotohanan ito ni Al-Albani sa As-Silsilat Us-Sahihah, bilang 2487.




At kabilang sa kanilang patakaran sa pagtukoy at paggamit ng basehan: Ang pagsasaganap ng naaayon sa mga Al-Muhkam (mga may malilinaw at lantad na kahulugan) at ang paniwalaan ang mga Al-Mutashabeh (hindi tuwirang lantad ang kahulugan) at ang ibalik na maisang-ayon ang mga Al-Mutashabeh tungo sa mga Al-Muhkam. Naaayon sa inilahad ng Allah.
هُوَ الَّذِي أَنزَلَ عَلَيْكَ الْكِتَابَ مِنْهُ آيَاتٌ مُّحْكَمَاتٌ هُنَّ أُمُّ الْكِتَابِ وَأُخَرُ مُتَشَابِهَاتٌ  فَأَمَّا الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ زَيْغٌ فَيَتَّبِعُونَ مَا تَشَابَهَ مِنْهُ ابْتِغَاءَ الْفِتْنَةِ وَابْتِغَاءَ تَأْوِيلِهِ  وَمَا يَعْلَمُ تَأْوِيلَهُ إِلَّا اللَّهُ  وَالرَّاسِخُونَ فِي الْعِلْمِ يَقُولُونَ آمَنَّا بِهِ كُلٌّ مِّنْ عِندِ رَبِّنَا  وَمَا يَذَّكَّرُ إِلَّا أُولُو الْأَلْبَابِ  رَبَّنَا لَا تُزِغْ قُلُوبَنَا بَعْدَ إِذْ هَدَيْتَنَا وَهَبْ لَنَا مِن لَّدُنكَ رَحْمَةً  إِنَّكَ أَنتَ الْوَهَّابُ 
[‘Siya ang Siya’na nagpahayag sa iyo nitong Al-Kitab (Qur’an) na naglalaman ng mga Al-Muhkam na talata (mga talatang may malilinaw at lantad na kahulugan), Ito ang mga pundasyon ng Qur’an (na kapag may mga bagay na hindi naging malinaw sa inyo ay itong mga ito ang ginagamit na batayan), at narito rin ang mga Al-Mutashabeh na mga talata (hindi tuwirang lantad ang kahulugan), subalit sa mga yaong ang puso ay may sakit na pagkaligaw, ang inaabangan lamang nila ay ang mga ganitong talata na hindi lantad ang kahulugan, nang sa gayon ay makapagkalat sila ng mga pag-aalinlangan sa mga tao, at makapagbigay sila ng kanilang sariling pakahulugan. Walang nakakaalam ng tunay na kahulugan nito kundi ang Allah lamang at ang mga pinagkalooban ng malawak na kaalaman, na sila’y nagsasabi: “Pinaniniwalaan namin ang buong Qur’an na ang buong ito ay nagmula sa aming Panginoong Allah”. Na kung kaya’t ang tanging makaiintindi lamang at makapagsusuri ng mga kahulugan nito sa tamang pananaw ay ang sinumang pinagkalooban ng dalisay at matutuwid na pag-iisip. At sinasabi nila: “O Allah na aming Panginoon! Huwag Mong ilihis ang aming mga puso mula sa tamang gabay pagkatapos Mong ipagkaloob sa amin na kami ay magabayan, tunay na Ikaw ang Al-Wahhab – ang Ganap na Masaganang Tagapagkaloob ng biyaya”] (Qur’an: Al-‘Imran: 7, 8).
At ang pagsasaganap ng naaayon sa direktang kahulugan ng talatang-ipinahayag, at ito: Ang agad na naiisip at siya’ng nauunawaan ng tagapakinig na may normal na pag-unawa sa mga salita at talatang buhat sa Al-Kitab (Qur’an) at Sunnah.
At ang pagsunod sa kasiningan ng mga sinaunang Arabo  sa kanilang kapamaraanan sa pag-unawa sa wikang arabik.
At ang lahat na ipinabatid ng Sugo salla-llahu ‘alayhi wa sallam mula sa mga hadith (mga naisalaysay patungkol sa kanya na kanyang sinabi’t ginawa...) na mga naihatid ng mga dalubhasa sa kaalaman at tanggap sa kanilang pagsusuri na ito ay awtentik, ay obligadong paniniwalaan. At kabilang sa mga ito ang Al-Aahad (mga naisalaysay ng isang hanay lamang ng mga mapananaligang mananalaysay).
At kanilang pinaniniwalaan na hindi maaaring maging magkasalungat ang siguradong awtentik na mga talatang-naipahayag at ang mga tamang pagunawang buhat sa mga matitibay na ibang batayan. At kung sakali man na may mapagkamalang pagkasalungat ang mula sa dalawa, ay inuuna ang talatang-naipahayag. At kung sakali man na magkasalungat ang dalawang hindi masyadong sigurado – inuuna ang mas matibay na basehan.
At naghihikayat na paghawakan ng mahigpit ang Sunnah. At ang babala sa mga pagpasimula ng Bid’ah (makabagong pamamaraan sa pagsamba na hindi naman gawain ng Propeta) at pagsagawa ng mga ito, tulad ng sinabi ng Propeta salla-llahu ‘alayhi wa sallam:
من أحدث في أمرنا هذا ما ليس فيه فهو رد         [‘Sinuman ang gumawa ng mga makabagong gawa





sa gawain natin na ito na hindi naman nagmula dito ay hindi katanggap-tanggap’] (1),
at sa ibang pagkasabi:   من عمل عملا ليس عليه أمرنا فهو رد    
        [‘ Sinuman ang gumawa ng gawain na wala sa gawain na yaon ang ginagawa natin ay hindi katanggap-tanggap’] (2).