Ito ay ang Salaah na isinasagawa pagkatapos ng Fardh at Sunnah ng Salatul Isha at bago dumating ang Salatul Fajr. Ang Salatul Witr ay kinabibilangan ng gansal o butal (di-pares) na Rak'a. Ito ay maaaring isagawa na may isa, tatlo, lima, pito, siyam o labing isang Rak'a.
Katulad ng mga Sunnah (karagdagang pagdarasal) na may markang (*), ang SalatulWitr ay itinuturing na "Sunnat Mu'akkada", mga karagdagang dasal na binibigyang diin ni Propeta Muhammadr.
Bagama't ang Salatul Witr ay maaaring isagawa na may isa o higit pang gansal (o butal) na bilang na Rak'a, higit na nakararami sa mga Muslim ang nagsasagawa nito na may tatlong Rak'a. Ito ay maaaring gampanan sa pagsagawa ng unang dalawang Rak'a katulad ng Salatul Fajr, bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha. Kagaya ng Salatul Fajr, ito ay winawakasan sa pagbanggit ng Tasleem ("As-Salamu Alaikum Wa Rahmatullaah").
Tumayo sa pagkakaupo at isagawa ang pangatlong Rak'a. Bumasa ng maikling Surah o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha, isagawa ang nalalabing bahagi ng Rak'a hanggang sa pagsasabi ng Tasleem.
Ang Salatul Witr ay maaaring gampanan din sa pagsagawa ng tatlong sunod-sunod na Rak'a (na walang patlang). Bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur'an pagka-tapos ng Al-Fatiha.
Ipinapayo na basahin ang kabanata 87 (Al-A'ala) sa unang Rak'a, kabanata 109 (Al-Kafirun) sa pangalawang Rak'a, at kabanata 12 (Al-Ikhlas) sa huling Rak'a.