Ang Pagkakailangan ng Islām

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 178

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

 {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi.}(Qur'ān 3:85) 
Ang sabi pa ni Allāh (napakataas Siya): 
}وَأَنَّ هَـٰذَا صِرَٰطِى مُسْتَقِيمًۭا فَٱتَّبِعُوهُ ۖ وَلَا تَتَّبِعُوا۟ ٱلسُّبُلَ فَتَفَرَّقَ بِكُمْ عَن سَبِيلِهِۦ ۚ ذَٰلِكُمْ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ { الأنعام ١٥٣ 
{Na ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya.}(Qur'ān 6:153)
Nagsabi si Mujāhid: "Ang mga [ibang] landas ay ang mga bid`ah at ang mga maling akala."
Ayon kay `Ā'is̆ah (malugod si Allāh sa kanya), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {"Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."}Sa isang pananalita: {"Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang nauukol sa amin, ito ay tatanggihan."}
Batay kay Al-Buk̆ārīy, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Lahat ng kalipunan ko ay papasok sa Paraiso maliban sa sinumang umayaw." Sinabi: "At sino po ang aayaw?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay umayaw nga."}
Nasaad sa Ṣaḥīḥ, ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {"Ang pinakakasuklam-suklam sa mga tao kay Allāh ay tatlo: isang naglalapastangan sa Pinagbabanalan, isang naghahangad sa Islām ng kalakaran ng Kamangmangan, at isang humihiling sa dugo ng isang taong Muslim nang walang karapatan upang padanakin ang dugo nito."}(Nagsalaysay nito si Imām Al-Buk̆arīy.) Napabibilang dito ang bawat kamangmangang walang-takda o tinakdaan, na nasa isang tao na wala sa isa pang tao; o [kamangmangang] Hudyo-Kristiyano o pagano o iba sa dalawang ito kabilang sa lahat ng tagasalungat sa inihatid ng mga isinugo.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ, ayon kay Ḥud̆ayfah (malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi [ang Sugo]: "O katipunan ng mga tagabasa, magpakatuwid kayo, mangunguna nga kayo nang isang pangungunang malayo; ngunit kung lumiko kayo sa kanan at sa kaliwa, maliligaw nga kayo nang pagkaligaw na malayo."
Ayon kay Muḥammad bin Waḍḍāḥ: {Siya noon ay pumasok sa masjid saka tumindig sa mga umpukan saka nagsabi ng isang pagpapaalaala. Nagsabi siya: "Nagbalita sa amin si Ibnu `Uyaynah ayon kay Mujālid ayon kay As̆-S̆a`bīy ayon kay Masrūq." Nagsabi si `Abdullāh – tumutukoy siya kay Ibnu Mas`ūd: "Walang taon, malibang ang matapos nito ay higit na masama kaysa rito. Hindi ako nagsasabing may isang taon na higit na mabunga kaysa sa isang taon ni may isang pinuno na higit na mabuti kaysa sa isang pinuno; subalit ang paglaho ng mga maaalam ninyo at mga mabuti ninyo [ay higit na masama]. Pagkatapos may nagsasanaysay na mga tao na sumusukat sa mga usapin ayon sa mga pananaw nila para mawasak ang Islām at madurog ito."}

บริการ AI