Ang Nasaad Kaugnay sa Pagkakakaiba ng Islām at ang Kainaman ng mga Kakaiba

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 172

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

{Kaya bakit kasi hindi nagkaroon mula sa mga salinlahi bago pa ninyo ng mga may tirang [kabutihang] sumasaway sa kaguluhan sa lupa, maliban sa kaunti kabilang sa pinaligtas Namin kabilang sa kanila?}(Qur'ān 11:116) 
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) bilang ḥadīth na marfū`: {Nagsimula ang Islām bilang kakaiba at manunumbalik ito bilang kakaiba kung paanong nagsimula ito, kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba.}Nagsalaysay nito si Imām Muslim at nagsalaysay nito si Imām Aḥmad mula sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd kaugnay rito: {"Sino ang mga kakaiba?" Nagsabi siya: "Ang mga nawawalay mula sa mga lipi at ang mga nagsasaayos kapag nagulo ang mga tao."}
Batay sa Al-Tirmid̆īy mula sa ḥad̆īth ni Kathīr bin `Abdillāh ayon sa ama niya, ayon sa lolo niya: {Kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba na nagsasaayos ng ginulo ng mga tao mula sa sunnah ko.}
Ayon kay Abū Umayyah na nagsabi:
}يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ عَلَيْكُمْ أَنفُسَكُمْ ۖ لَا يَضُرُّكُم مَّن ضَلَّ إِذَا ٱهْتَدَيْتُمْ ۚ إِلَى ٱللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًۭا فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ{  المائدة ١٠٥
 {Nagtanong ako kay Abū Tha`labah: "Papaano ang masasabi mo sa talatang ito: {O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.}?"(Qur'ān 5:105) 
Nagsabi siya: "Hinggil dito, sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagtanong ako tungkol doon sa isang mapagbatid? Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Bagkus magpautos kayo sa nakabubuti at magpasaway kayo sa nakasasama; hanggang sa kapag nakakita kayo ng kasakimang tinatalima, pithayang sinusunod, kamunduhang minamagaling, at isang paghanga ng bawat may pananaw sa pananaw niya; manatili ka sa sarili mo at mag-iwan ka palayo sa iyo ng mga karaniwang tao. Tunay na mula sa likuran ninyo ay may mga araw [na parating] na ang magtitiis sa mga [araw na] iyon ay tulad ng humahawak sa baga, na ukol sa tagagawa [ng mabuti] sa mga [araw na] iyon ay pabuya ng limampung tao na gumagawa ng tulad ng gawain ninyo.'" Nagsabi kami: "Kabilang sa amin o kabilang sa kanila?" Nagsabi siya: "Bagkus kabilang sa inyo."}Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmid̆īy.
Nagsalaysay si Ibnu Waḍḍāḥ ng kahulugan nito mula sa ḥadīth ni Ibnu `Umar. Ang pananalita nito: {Tunay na mula sa matapos ninyo ay may mga araw [na parating] na ang mga magtitiis sa mga [araw na] iyon ay ang kumakapit sa relihiyon niya tulad ng lagay ninyo sa araw na ito, na ukol sa kanya ay pabuya ng limampung [tao] kabilang sa inyo.}Pagkatapos nagsabi siya: {Nagbalita sa amin si Muḥammad bin Sa`īd. Nagbalita sa amin si Asad. Nagsabi si Sufyān bin `Uyaynah ayon kay Al-Baṣrīy, ayon kay Sa`īd na kapatid ni Al-Ḥasan. Nagsabi ito: "Tunay na kayo sa araw na ito ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, nakikibaka kayo sa landas ni Allāh, at hindi lumitaw sa inyo ang dalawang kalasingan: ang kalasingan ng pagkamangmang at ang kalasingan ng pag-ibig sa pamumuhay. Malilipat kayo palayo roon. Kaya ang kumakapit sa araw na iyon sa Qur'ān at Sunnah ay ukol sa kanya ang pabuya ng limampung [tao]." Sinabi: "Kabilang sa kanila?" Nagsabi siya: "Bagkus kabilang sa inyo."} Batay sa kanya, ayon kay Al-Mu`āfirīy na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba na kumakapit sa Qur'ān nang iniiwan ito at gumagawa ayon sa Sunnah nang inaapula ito."}

บริการ AI