Ang Pagbibigay-babala Laban sa mga Bid`ah

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 192

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ayon kay Al-`Irbāḍ bin Sāriyah na nagsabi: {Nangaral sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang masidhing pangaral. Nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, para bang iyon ay isang pangaral na namamaalam kaya magtagubilin ka sa amin." Nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagdinig, at pagtalima, kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin. Tunay na ang sinumang mamumuhay [nang matagal] kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Kaya naman manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Matinong Nagabayang Khalīfah at kumagat kayo rito ng mga bagang [ninyo]. Kaingat kayo sa mga pinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay pagkaligaw."}Nagsabi si Imām At-Tirmid̆īy na magandang tumpak na ḥadīth ito.
Ayon kay Ḥud̆ayfah na nagsabi: "Ang bawat pagsambang hindi nagpapakamananamba nito ang mga Kasamahan ni Muḥammad ay huwag ninyong ipangsamba sapagkat tunay na ang una ay hindi nag-iwan para sa huli ng isang masasabi. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O katipunan ng mga tagabigkas at sumunod kayo sa daan ng bago sa inyo." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud. Nagsabi si Imām Ad-Dārimīy: {Nagpabatid sa amin si Al-Ḥakam bin Al-Mubārak. Nagbalita sa amin si `Amr bin Yaḥyā. Nagsabi siya: Nakarinig ako sa ama ko na nagsasanaysay ayon sa ama niya. Nagsabi siya: "Kami minsan ay umuupo sa tabi ng pinto ni `Abdullāh bin Mas`ūd bago ng dasal sa madaling-araw. Nang lumabas siya, naglakad kami kasama niya patungo sa masjid saka dumating sa amin si Abū Mūsā Al-As̆`arīy saka nagsabi ito: 'Lumabas na ba si Abū `Abdirraḥmān?' Nagsabi kami: 'Hindi pa.' Kaya umupo siya kasama namin. Noong lumabas iyon, nagsabi siya: 'O Abū `Abdirraḥmān, tunay na ako ay nakakita sa masjid ng isang bagay na minasama ko samantalang wala akong nakita, at ang papuri ay ukol kay Allāh, kundi isang kabutihan.' Nagsabi iyon: 'Kaya ano ba iyon?' Nagsabi siya: 'Kung mabubuhay ka [nang matagal] ay makikita mo iyon.' Nagsabi siya: 'Nakakita ako sa masjid ng mga taong nakaumpok na nakaupo, na naghihintay ng pagdarasal. Sa bawat umpukan ay may isang lalaki, habang sa mga kamay nila ay may mga bato, saka nagsasabi iyon: Magsabi kayo ng Allāhu 'akbar nang isang daang ulit, saka nagsasabi naman sila ng Allāhu 'akbar nang isang daang ulit. Kaya ano ang masasabi mo sa kanila?' Nagsabi iyon: 'Wala akong masasabi sa kanila na anuman. Maghihintay ako ng utos mo' Nagsabi siya: 'Kaya hindi ka ba nag-utos sa kanila na magbilang sila ng mga masagwang gawa nila at naggarantiya ka sa kanila na walang mawala mula sa mga magandang gawa nila na anuman?' Pagkatapos humayo iyon hanggang sa dumating sa isang umpukan, saka nagsabi: 'Ano ito?' Nagsabi sila roon: 'Mga bato na nagbibilang kami sa pamamagitan ng mga ito ng takbīr, tahlīl, at tasbīḥ.' Nagsabi iyon: 'Kaya magbilang kayo ng mga masagwang gawa ninyo sapagkat ako ay gumagarantiya na walang mawala mula sa mga magandang gawa ninyo na anuman. Kapintasan sa inyo, O Kalipunan ni Muḥammad! Anong bilis ng pagkasawi ninyo! Ang mga ito, ang mga Kasamahan ng Propeta ninyo na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay mga naririyan. Ang mga ito, ang mga damit niya, ay hindi pa naluma. Ang mga sisidlan niya ay hindi pa nabasag. Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na kayo ay talagang nasa isang kapaniwalaang higit na napatnubayan kaysa sa kapaniwalaan ni Muḥammad o mga tagapagbukas ng pinto ng kaligawan.' Nagsabi sila: 'Sumpa man kay Allāh, O Abū `Abdirraḥmān, hindi kami nagnais kundi ng kabutihan.' Nagsabi iyon: 'Kay raming tagapagnais ng kabutihan na hindi nagtamo niyon! Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsanaysay sa amin na may mga tao na magbabasa ng Qur'ān nang hindi lumalampas ito sa balagat nila. Panunumpa kay Allāh, marahil ang higit na marami sa kanila ay [walang iba] kundi kabilang sa inyo.' Kaya nagsabi si `Amr bin Salamah: 'Nakakita kami sa madla ng mga iyon habang nakikipagsaksakan sa amin sa araw ng Nahrawān kasama ng Khawārij.'"}

บริการ AI