Mga Payo ng mga Nauna para sa mga Manlalakbay.

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 175

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Inulat ni Abu Huraira (r.a) na may dumating na lalaki sa Propeta (s.a.w) na gusto niyang maglakbay at saka nagsabi: O Mensahero ng Allah, payuhan mo po ako, sabi: "Pinapayuhan kita ng pagkatakot kay Allah, at magsabi ng Allahu Akbar sa bawat mataas na lugar. At nang umalis ang lalaki, sinabi ng Propeta (s.aw): O Allah, gawin Mo pong malapit para sa kanya ang kalupaan, at padaliin Mo po sa kanya ang paglalakbay." Isinalaysay ni Ahmad
 Pinadala ng Mensahero ng Allah (s.a.w) si Muadh at Abu Musa (r.a) sa Yemen at kanyang sinabi: "
عَنْ سَعِيدِ بْنِ أَبِى بُرْدَةَ عَنْ أَبِيهِ عَنْ جَدِّهِ أَنَّ النَّبِىَّ - صلى الله عليه وسلم - بَعَثَ مُعَاذًا وَأَبَا مُوسَى إِلَى الْيَمَنِ قَالَ « يَسِّرَا وَلاَ تُعَسِّرَا ، وَبَشِّرَا وَلاَ تُنَفِّرَا ، وَتَطَاوَعَا وَلاَ تَخْتَلِفَا ». 
Inulat ni Saed bin Abu Burdah na ayon sa kanyang tatay na ayon sa kanyang lolo: Pinadala ng Propeta (s.a.w) sina Muadh at Abu Musa sa Yemen at nagsabi: "Magpadali kayo, at huwag magpahirap, at magpagalak kayo, at huwag magpalayo ng damdamin, at sumunod ang bawat isa, at huwag kayong magkaiba." Isinalaysay ni Bukhari at Muslim
Pagtulungan at pagsang-ayon at walang pagsalungat ay payo na kinakailangan ng bawat manlalakbay. Ito ay puwedeng gawin sa totoong buhay ng Muslim sa kanilang mga Paglalakbay at pananatili.
Katotohanan, nawala itong mga pagpapayo ng Propeta (s.a.w) sa isipan ng mga tao, at sa karamihan ng mga Muslim, at gayundin sa karamihan sa lipunan, at sa kapaligiran, at sa mga pamilya dahil sa pagsalungat at pag-alis, at paglayo.
Sabi ni Yahya Laiti: "Noong nagpaalam ako kay Malik, humiling ako sa kanya na sana payuhan ako, kaya kanyang sinabi: Dapat maging tapat ka kay Allah, at sa Kanyang Aklat, at sa mga Pinuno ng mga Muslim, at sa pangkalahatan. Pagkatapos dumating ako kay Layth nang ako ay paalis, aking sinabi sa kanya katulad sa sinabi ko kay Malik, at  kanyang sinabi sa akin ang katulad sa sinabi niya."
Pinayuhan ng isang babaeng Arabo ang kanyang anak sa paglalakbay at nagsabi: "O aking anak, Katotohanan kasama mo ang mga hindi mo kilala at lumalakbay ka kasama ang mga kaibigan, kaya samahan mo sila sa pamamagitan ng mabuting ugali, at katakutan mo si Allah sa nakalahad at nakatago."
At kanyang ibang payo sa kanyang anak na gustong lumakbay kaya kanyang sinabi: "Huwag maging maluwag sa pag-uutang, at maging maramot sa iyong pera dahil ang sinumang pinagsabay ang pagtitimpi at pagbibigay ay tunay naging magaling sa pananamit." 
Sinabi ni Muhammad Khadir na siya noon ay nasa Alemanya: "Kung isinasara ang karagatan sa mga mata ng mga tagamasid sa iyo, at nakaselyo sa mga bibig ng mga sumisisi sa iyo, at pagkatapos ay kanilang aalisin ang damit ng iyong pag-uugali, sabihin mo: Walang kabutihan ang pinagmulang lupa."
Mag-ingat na maging mapagmataas at maging mapagkumbaba at huwag maging pabigat sa iba, sabi ni Mujahid: "Sinamahan ko si Ibnu Umar (r.a) para pagsilbihan ngunit pinagsilbihan niya ako."
Mag-ingat sa pagpalit ng mga Prinsipyo at ugali sa paglalakbay sa mga tindahan at pagpupulong para sa ipagpalit ang mga prinsipyo at kabutihan dahil sa masamang kagustuhan at pagnanasa at kayamanan. Dahil sa isyu na ito ay dumami ang salungatan sa Relihiyon at minahal ang katanyagan na wala namang dahilan.
Dapat ang iyong hangarin sa iyong paglalakbay ay hangarin ang mukha ni Allah kung ito ay pagsamba. At kung ito ay may halong mga pagsamba ay gawin niyang pagsamba sa pamamagitan ng pagpasok ng kasiyahan sa iyong pamilya at mga anak. At anumang ibinigay mo bilang panustos at anumang hirap ang dinanas maliban na meron kang gantimpala sa pahintulot ng Allah. Kaya gawin mo ang lahat sa buhay mo para sa kaluguran ng Allah at pagsunod.
Maging masigasig sa pagbanggit ng mga Dhikir araw-araw at pagbabasa ng Qur'an dahil karamihan sa mga tao ay nakakalimot rito sa paglalakbay, dahil naging abala sa kanilang mga bagahe. At aking naabutan sa ibang mga mababait na hindi na sila nanalangin katulad sa nabanggit sa Quran ng limang parte bawat araw, at hindi na rin sila nanalangin bawat gabi sa kanilang paglalakbay.

บริการ AI