Pagtalaga ng Pinuno sa Paglalakbay at ibang Isyu:

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 177

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Inulat ni Abu Saed Al-Khudri (r.a) na sinabi ng Mensahero ni Allah (s.a.w) : "Kapag lumabas ang tatlo sa paglalakbay ay magtalaga sila ng pinuno mula sa kanila." Isinalaysay ni Abu Dawud
Ang dapat mamuno ay ang mga kalalakihan at hindi ang mga kababaihan.
Dapat ang mamuno ay higit na nakakaalam sa mga sitwasyon ng Paglalakbay, kaya dapat unahin sa pamumuno ang mas maalam sa relihiyon dahil kinakailangan sa pamumuno at sa paglalakbay.
Ang pamamaraan ng pagpili ng pinuno: Pagpili sa pamamagitan ng pagpupulong o pagtalaga ng tao.
Ang pagsimula ng pamumuno at katapusan nito: mula sa pinagsimulan ng Paglalakbay hanggang katapusan nito, dahil dito pumapasok ang Paglalakbay.
Mga kondisyon ng pagtalaga ng Pinuno: Kailangan sila ay nasa paglalakbay, at umabot sila sa tatlo o pataas at kung sila ay dalawa ay magkunsulta ang bawat isa.
Ang pagsunod sa pinuno ay obligasyon.
Ang pagsunod sa pinuno sa paglalakbay ay kinakailangan sa anumang kalagayan sa paglalakbay tulad ng pag-ayos ng pagkain at pananatili sa isang lugar o iba, at hindi lahat ng bagay maliban lamang sa mga sitwasyon ng paglalakbay: Hindi dapat maging monghe para sa kanya kasi ang pagsunod sa kanya ay nararapat lamang sa kabutihan, Ngunit ang anumang ginagawa ng ibang mga tao at nauunawaan na kailangan sundin siya sa lahat ng mga pinapahintulot at mga pagsamba, ito ay hindi puwede. Ang Pagsunod sa kanya ay sa kabutihan lamang at anumang pahirap sa kanila at makakapahamak na hindi naman nila kaya. Ito ay hindi pinapahintulutan.
Kapag sumalungat ang pinuno o mga manlalakbay o ang iba sa kanila dahil sa Qiblah, hindi kailangan silang sundin dahil walang pagsunod sa kanila at gayundin sa ibang mga pagsamba.
Ang marunong sa Quran ay higit na may karapatan sa pagiging Imam sa Salah kaysa pinuno sa paglalakbay tulad sa sinabi ng Propeta (s.a.w) :
عَنْ أَبِى سَعِيدٍ الْخُدْرِىِّ قَالَ قَالَ رَسُولُ اللَّهِ -صلى الله عليه وسلم- « إِذَا كَانُوا ثَلاَثَةً فَلْيَؤُمَّهُمْ أَحَدُهُمْ وَأَحَقُّهُمْ بِالإِمَامَةِ أَقْرَؤُهُمْ ».
       Inulat ni Abu Saed Al-Khudri (r.a) na sinabi ng Mensahero ni Allah (s.a.w) : "Kapag lumabas ang tatlo sa paglalakbay ay magtalaga sila ng Imam mula sa kanila, at ang higit na may karapatan sa pagiging Imam ay ang mas maalam sa pagbabasa ng Quran." Isinalaysay ni Muslim