Mga Isyung tungkol sa Pagpapakasal at sa Babae

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 243

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Hindi pinapahintulutan sa asawang lalaki na maglakbay, at lumayo sa kanyang asawa tungo sa kanyang ikapahamak maliban kung pumayag ang asawang babae. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa, at babala sa mga asawang lalaki mula sa pagiging pabaya sa ganitong gawain, at matakot kay Allah sa kanilang mga asawang babae at anak, lalo na sa panahon natin sa ngayon, panahon ng Kaguluhan at paglayo sa relihiyon.
 Hindi kinakailangan ang pahintulot ng asawang lalaki sa asawang babae sa paglalakbay para sa Hajj at Umrah sapagkat ito ay Obligasyon, at ang pagsunod kay Allah ay mauuna lagi ngunit kung Sunnah ay kailangang magpaalam at gayundin sa kabuuang paglalakbay na walang bawal.
 Ang pag-aasawa na nilalayon ang hiwalayan ay ipinagbabawal, at kung naghangad ang asawa na hindi naman niya nilalantad kahit ito ay may limitadong oras o walang hangganan, ito ay katulad sa pagpapakasal ng Mut'ah at Tahlil, at itong dalawa ay bawal ayon sa pinagkasunduan ng mga Dalubhasa.
 Kung gustong lumakbay ang may maraming asawang babae dahil sa kalagayan na hindi naman saklaw ng isa sa mga kanyang mga asawa ay kailangan niyang dalhin silang lahat, at kung hindi niya kaya ay bumunot sa pagitan nila, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kung lumabas sa bunotan ang isa sa kanila, hindi obligasyon sa babaeng nabunot na sumama sa paglalakbay, o kaya lumakbay siya mag-isa.
 Kapag tumanggi ang asawang babae sa paglalakbay kung siya ang nabunot, at ibinigay sa iba ay puwede sa kondisyon na pumayag ang kanyang asawa, at kung tumanggi ay kailangan niyang maglakbay kasama niya sapagkat ito ang kanyang karapatan maliban kung ginawa niya itong kondisyon sa unang kasunduan sa kasal na hindi lumakbay kasama niya.
 Kapag umayaw ang asawang babae sa paglalakbay at tinanggap ng lalaki ang kanyang pagtanggi, uulitin na lang ang pagbunot.
 Pagsama ng lalaki sa isa sa kanyang mga asawa dahil sa bunot sa paglalakbay na pinapahintulutan ay puwede, at puwede rin magpalitan kung pumayag silang dalawa.
  Ang pagbunot sa pagitan ng mga asawang babae ay hindi kailangang bayaran sa kanyang pagbabalik sa kanyang asawang babae na hindi sumama sa kanya sa paglalakbay, ngunit kung hindi siya nabunot ay kailangan siyang bayaran sa higaan.
Paano hatiin ang oras pagkatapos ng pagbalik mula sa paglalakbay ay merong mga sitwasyon:
Kung ang kanyang paglalakbay pagkatapos niyang tinupad sa kanyang ibang asawa at saka naglakbay tulad ng pagkatapos ng Fajr, kaya ang hatian ay kung sino ang kasunod.
Kung ang kanyang paglalakbay ay para itayo ang pangangailangan ng isa sa mga asawa katulad sa kanyang paglalakbay sa unang gabi, kaya babayaran niya ito sa oras dati ng kanyang asawa kung siya'y makabalik.
Kung maglalakbay ang asawang babae at pagkaraan bumalik, babayaran ba ng lalaki ang hatian sa kanya? merong mga sitwasyon:
Una: Kung maglalakbay na walang pahintulot ng asawa ay walang hatian sa kanya sapagkat ito ay kasali sa pagsuway.
Pangalawa: Kung lumakbay siya na merong pahintulot para sa kanyang hangarin at pangangailangan, kailangan niyang bayaran siya sa higaan.
Pangatlo: Kung lumakbay ang babae sa pahintulot ng lalaki dahil sa pangangailangan ng babae tulad sa Hajj at Umrah at iba pa, mawawala ang kanyang karapatan kaya hindi niya ito bayaran sapagkat ito ay para sa babae.
Pang-apat: Kung lumakbay siya kasama ang kanyang asawang babae dahil sa pangangailangan ng babae, ang hatol ng mga Dalubhasa ay kapag dumating ang lalaki mula sa paglalakbay ay hindi niya bayaran ang babae dahil ito ay pangangailangan ng babae dahil siya'y kasama.
Ipinagbawal sa babae na lumakbay na mag-isa katulad sa paglalakbay na mahaba o maiksi, sa lupa man o sa langit, basta tinatawag na paglalakbay sa tradisyon ng tao (Ang leksyon ay ang paglalakbay hindi ang pamamaraan ng paglalakbay)
عَنِ ابْنِ عُمَرَ - رضى الله عنهما - أَنَّ النَّبِىَّ - صلى الله عليه وسلم - قَالَ « لاَ تُسَافِرِ الْمَرْأَةُ ثَلاَثَةَ أَيَّامٍ إِلاَّ مَعَ ذِى مَحْرَمٍ « 
Inulat ni Ibnu Umar (r.a) na sinabi ng Propeta (s.a.w) : “Huwag lalakbay ang babae sa loob ng tatlong araw maliban kung merong kasamang Mahram.” Isinalaysay ni Bukhari at Muslim
Ang pagbawal rito ay para sa lahat ng bata at matandang babae, ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
 Mga kondisyon ng Mahram sa Paglalakbay: Dapat kailangang lalaki na may tamang pag-iisip at nasa tamang edad.
Paglalakbay ng babae na merong Iddah, merong mga kalagayan:
Una: Babaeng may Iddah dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa, meron itong sitwasyon:
Paglalakbay sa babae na walang pangangailangan ay hindi puwede.
Kung lumabas ang babae para sa Hajj at namatay ang kanyang asawa habang siya ay nasa daan tungo sa Hajj, bago siya magsagawa ng Ihram ay kailangang bumalik, at kung siya ay nakagawa ng Ihram at sinasabatas ang mga gawain ng Hajj, kailangan niyang tapusin ang Hajj at hindi siya babalik katulad ng Umrah.
Paglalakbay ng babaeng namatayan ng asawa sa ibang lugar, at hindi niya kayang manatili rito dahil sa takot sa kanyang sarili tungo sa lugar ng kanyang pamilya o iba pa ay puwede, at doon siya magsagawa ng Iddah.
Paglalakbay ng babae kasama ang kanyang pamilya, kung ang kanilang paglalakbay ay merong dahilan, at ang kanyang pananatili ay kapahamakan sa kanya ay puwede siyang maglakbay. At kanyang paglalakbay para magpagamot ay puwede rin.
Paglalakbay ng babae para magbakasyon at wala namang dahilan kasama ang kanyang pamilya ay hindi puwede, at kapag hindi pumayag ang kanyang pamilya na manatili siya, at wala siyang mahanap na makakasama, at ang kanyang pananatili ay kapahamakan, puwede siyang lumakbay ayon sa kanyang pangangailangan.
Ang Katulong kapag namatay ang kanyang asawa habang siya ay nasa bansang pinagtatrabahuhan, magsagawa siya ng Iddah sa lugar na naroon siya sapagkat lumabas siya sa kanyang pahintulot, at sa tukoy na panahon, at hindi kailangang bumalik siya sa lugar ng kanyang asawa.

Pangalawa: Babaeng merong Iddah dahil sa tatlong Hiwalayan o Khulu (Paghiwalay ng babae sa kanyang sarili), ay puwede siyang lumakbay gamit ang kondisyon ng pagkakaroon ng Mahram.

Pangatlo: Ang babaeng hiniwalayan na puwede pang ibalik ng asawa, kapag siya ay nasa bahay ng kanyang asawa, ay hindi puwede siyang lumabas maliban sa kanyang pahintulot, sapagkat siya ay nasa hukom ng asawang babae, at kapag siya ay wala sa bahay ng kanyang asawa at nandoon siya sa bahay ng kanyang pamilya dahil sa hidwaan at away sa pagitan nilang dalawa, mawawala ang paghingi ng pahintulot at lalo na kung tumagal ang panahon at merong makitang problema ang babae  sa asawa, kaya puwedeng maglakbay ang babae kahit walang pahintulot mula sa kanya.