Mga ilang mga Batas sa mga kakaunti ang mga Muslim sa mga Bansa ng hindi Muslim.

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 1

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Pagbati sa mga Hindi Muslim sa pangkalahatan na gawain tulad ng Kasal, at tagumpay sa gawain ay pinapahintulutan, ngunit kung ito ay kalaban sa Islam ay hindi puwede. At kung ang pagbati sa mga ritwal ng mga Hindi Muslim tulad ng kanilang piesta at pag-aayuno at iba pang pagsasalo ay Bawal ayon sa pinagkasunduan ng mga Dalubhasa.
Pagbisita sa Hindi Muslim na may sakit ay puwede maliban kung sila ay mga kalaban ng Islam,
عَنْ أَنَسٍ - رضى الله عنه - قَالَ كَانَ غُلاَمٌ يَهُودِىٌّ يَخْدُمُ النَّبِىَّ - صلى الله عليه وسلم - فَمَرِضَ ، فَأَتَاهُ النَّبِىُّ - صلى الله عليه وسلم - يَعُودُهُ ، فَقَعَدَ عِنْدَ رَأْسِهِ فَقَالَ لَهُ « أَسْلِمْ » . فَنَظَرَ إِلَى أَبِيهِ وَهْوَ عِنْدَهُ فَقَالَ لَهُ أَطِعْ أَبَا الْقَاسِمِ - صلى الله عليه وسلم - . فَأَسْلَمَ ، فَخَرَجَ النَّبِىُّ - صلى الله عليه وسلم - وَهْوَ يَقُولُ « الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِى أَنْقَذَهُ مِنَ النَّارِ » رواه البخاري
Inulat ni Anas bin Malik (r.a) na merong nagsisilbing batang Hudyo na lalaki sa Mensahero ng Allah  (s.a.w), ngunit siya ay nagkasakit, kaya pumunta ang Propeta (s.a.w) para bumisita, at umupo sa bandang ulo niya, at saka nagsabi: "Pumasok ka sa Islam." Kaya napatingin siya sa kanyang ama habang nandoon siya, at nagsabi: "Sundin mo si Abu Qasim (s.a.w)," kaya yumakap siya sa Islam. At pagkatapos lumabas ang Propeta (s.a.w) at nagsabi: "Lahat na papuri ay para kay Allah na yaong lumigtas sa kanya sa Apoy." Isinalaysay ni Bukhari
Paglibing ng Muslim sa patay ng hindi Muslim ay hindi pinapahintulot kung walang mahanap na hindi Muslim para maglibing.
Pakikiramay sa mga hindi Muslim sa kanilang namatay ay puwede dahil sa kawalan ng katibayan sa pagbabawal, ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa, Ngunit kung ito ay kalaban ay hindi puwede maliban kung natatakot sa kapahamakan.
Panalangin sa pakikiramay sa mga hindi Muslim kung nakita niya itong angkop na wala namang panalagin sa kanya na paramihin ang kanyang yaman, at pamilya at lakas, at walang panalangin ng kapatawaran at habag tulad sa pagsabi: Bigyan ka sana ng pagtitiis at gandahin ang iyong hangarin at iba pa.
Ang pagbuhat ng bangkay ng hindi Muslim at pagsama rito ay hindi puwede maliban kung ito ay iyong magulang o kamag-anak. At kung magdudulot ng kapahamakan sa hindi pagsunod rito ay pinapayagan.
Pagbisita sa libingan ng hindi Muslim ay puwede ngunit walang pagbati sa kanya ng kapayapaan at panalangin sa kanya.
Pagbigay sa hindi Muslim ng Zakah (Kawanggawa) o Nadh'r (Panunumpa) at Kaffarat (Kabayaran sa Kasalanan) ay hindi puwede, ngunit kung Sadaqah ay puwede.
Kung magbigay ng Zakah sa tao na inakala na siya ay Muslim ngunit siya pala ay hindi Muslim, Kung ang tao ay nagsaliksik at nagsumikap sa kalagayan ng taong bibigyan kung siya ay nagkamali, ay walang problema, ngunit kung walang pagsaliksik ay hindi wasto at kailangan itong ibalik.
Ang pag-aayuno sa mga lugar ng mga hindi Muslim kung merong mga opisina ng mga Muslim na maasahan ang pagtanaw nila sa buwan, at tinatanggap ang kanilang mga sinasabi, Siya ay mag-ayuno kasama nila, at kung walang pagtanaw sa buwan ay sundin ang pinakamalapit na lugar na merong mga Muslim sa kanilang pagtanaw rito na tinatanggap, at kung wala ay ang pinakamalapit na lugar ng mga Muslim.
 Ang paraan ng pag-aayuno sa lugar kung saan mahaba ang umaga at gabi, kung merong gabi rito at umaga, ay kailangang mag-ayuno hangga't merong gabi at umaga, at kung walang gabi at umaga, susundan ang gabi sa ibang mga buwan, o susundan ang umaga sa ibang mga buwan, at tignan sa pinakamalapit na lugar sa kanila ang umaga at gabi at saka kumain ng Iftar sa pagkain ng Iftar nila at mag-ayuno sila sa kanilang pag-aayuno. 
Pagbisita sa hindi Muslim sa kanyang bahay at iba pa ay puwede kung ligtas naman sa mga bawal at kawalan ng kasalanan, bagkus mabuti kung siya ay malapit pumasok sa Islam at pag-aanyaya.
Pagbigay ng regalo sa hindi Muslim at pagtanggap ng kanyang regalo sa mga pangkahalatang sitwasyon o mga kasiyahan sa bagong silang na sanggol, o tagumpay o iba pa ay puwede maliban kung merong halong bawal, dahil ito ay bawal. Ang pagreregalo sa kanilang piesta ay hindi puwede, Ngunit ang kanilang regalo sa mga Muslim sa ating piesta ay puwedeng tanggapin basta walang bawal.
Ang pagkain sa kinatay ng mga hindi Muslim dahil sa kanilang piesta ay hindi puwede.
Pagsalo sa kanilang pagtitipon at pagsasalo sa pagkain kung merong halong bawal ay hindi puwede maliban kung kinakailangan o natatakot sa kapahamakan ay puwede.
Pagpanalangin sa paghansing ng hindi Muslim ay puwede.
عَنْ أَبِى بُرْدَةَ عَنْ أَبِيهِ قَالَ كَانَتِ الْيَهُودُ تَعَاطَسُ عِنْدَ النَّبِىِّ -صلى الله عليه وسلم- رَجَاءَ أَنْ يَقُولَ لَهَا يَرْحَمُكُمُ اللَّهُ فَكَانَ يَقُولُ « يَهْدِيكُمُ اللَّهُ وَيُصْلِحُ بَالَكُمْ ».
Inulat ni Abu Burda na sinabi ng kanyang ama (r.a) na dati ang mga Hudyo ay naghahatsing sa Propeta (s.a.w) para hangarin na kanyang sasabihin: "Kaawaan nawa kayo ni Allah," ngunit ang kanyang sinasabi: "Gabayan nawa kayo ng Allah, at ayusin ang inyong pag-iisip." Isinalaysay ni Abu Dawud
Ang pagbati sa kanila ng Kapayapaan ay hindi puwede, ngunit ang pagbati ng magandang umaga at iba pa ay puwede. Ngunit ang pagbalik ng kanilang sinabi ng Kapayapaan, dapat iyong sabihin: "At sa inyo rin."
Ang pakipagkamay sa kanila ay puwede at pagyakap, ngunit ang pag-iwan nito ay mas mainam dahil ito ay naghihiwatig ng pagkalugod at pagmamahal.
Ang hatol ng pagkain sa mga lugar ng hindi Muslim, ay merong mga sitwasyon:
Mga halamang pagkain tulad ng mga gulay at mga prutas at mga buto tulad ng trigo at harina, ito lahat ay puwede.
Pagkaing dagat ay puwede kahit anong klase.
Pagkain mula sa Hayop ay merong mga kalagayan:
Mga kinatay ng mga hindi Muslim mula sa mga hindi Kristiyano at Hudyo tulad ng mga Majus at Pagano at Hindus at Ateista ay bawal. At kung binanggit ang pangalan ni Allah rito at kinatay ang hayop ayon sa batas ng Islam ay hindi pa rin puwede, Ito ang pinagkasunduan ng mga Dalubhasa.
Mga kinatay ng mga Kristiyano at Hudyo ay merong mga kalagayan:
Una: Anumang nalalaman na ito ay kinatay ayon sa batas ng Islam at binanggit ang pangalan ni Allah ay puwedeng kainin.
Pangalawa: Anumang  nalalaman na ito ay kinatay na hindi ayon sa batas ng Islam, o binanggit ang hindi pangalan ni Allah tulad sa pangalan ni Kristo ay hindi puwede kainin ito, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Pangatlo: Anumang walang nalalaman sa sitwasyon nito kung ikinatay ba ito ayon sa batas ng Islam at binanggit ang pangalan ni Allah o hindi?
 Ipinagbabawal sapagkat ang kailangan ay katayin ito ayon sa Islam at ang karamihan at nangyayari sa kanilang sitwasyon ay hindi nila ito kinakatay ayon sa Islam.
Pangapat: Anumang nalalaman na ito ay kinatay ayon sa Islam at hindi binaggit ang pangalan ni Allah rito at walang iba, ay hindi puwede kainin ito dahil hindi nabanggit ang Bismillah.
Binabawal ang kinatay ng mga hindi Muslim kung hindi alam ang kanilang kalagayan kung sila ba ay mga kristiyano o hudyo o kaya hindi.
Pagkain sa mga kasangkapan ng mga hindi Muslim, kapag alam natin na ito ay hindi ginagamit sa marumi ay puwede gamitin ito, at kung alam natin o sa tingin natin na ito ay ginagamit sa marurumi at walang mahanap na iba ay hugasan ito at saka gamitin, at kung merong mahanap na iba, ang mas mainam ay iwanan ito.
Ang pagkain sa mga karinderya ng mga hindi Muslim kung merong halong mga bawal tulad ng baboy at alak at iba pang mga bawal ay hindi puwede, at kung kinakailangan ay puwede sa kondisyon na huwag umupo sa lamesa na may alak.
Ang pag-ihi na nakatayo sa inidoro na nakadikit sa pader ay puwede sa kondisyon na hindi matamaan ang damit mula sa ihi.
Paglaba sa mga damit ng Muslim kasama ang damit ng mga hindi Muslim ay puwede.
Paggamit sa mga damit ng mga hindi Muslim bago ito labhan, kung ito ay dumidikit sa Awrah tulad ng T-shirt ay puwede, at kung dumidikit sa Awrah tulad ng pantalon, ang pinakamalapit ay huwag itong suotin bago labhan, at kung nalabhan ay puwede.
Pagbigay ng Qur'an sa hindi Muslim ay merong dalawang kalagayan:
Pagbigay ng Qur'an sa hindi Muslim ay hindi puwede dahil siya ay marumi at baka ibaba pa niya ito.
Pagbigay ng Qur'an na nakasalin para sa hindi Muslim kapag ito ay paliwanag ng Qur'an at baka siya ay papasok sa Islam ay puwede.

บริการ AI