Ang Kalagayan ng Babae Sa Islam

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 205

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Bago natin pag-usapan ang mga karapatan ng babae sang-ayon sa itinuturo ng Islam, kailangang linawin muna natin ang ilan sa mga pananaw sa mga babae ng mga bansa noon at kung papaano nila ito tinatrato. Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din siya ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang mga bantog na pilosopo na si Socrates: " Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subalit sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito."
Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At kanilang kasabihan noon ay: "walang kaluluwa ang babae." Kaya sanhi nito ay pinarurusahan ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang mga katawan at sa pamamagitan ng paggapos sa kanila sa mga poste. Hindi lamang iyon, pati ang mga inosenteng mga babae ay itinali nila sa buntot ng mga kabayo at pinatatakbo ang mga ito nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.
Ganoon din ang pananaw ng mga taga-India. At karagdagan pa roon, sinusunog nila ang babae kasama ng kanyang asawa kapag ang kanyang asawa ay namatay.
Itinutulad noon ng mga Chino ang babae sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Chino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.
Itinuturing naman ng mga Judio ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito'y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.
Ang tingin naman ng mga Kristiyano sa babae ay siya ang pinto ng Demonyo. May isa pang Kristiyanong may mataas na katungkulan sa simbahan ang nagsabing ang babae ay walang kaugnayan sa lahi ng tao. Ang sabi naman ni San Buenaventura: "Kapag kayo ay nakakita ng isang babae, huwag ninyong isipin na kayo ay nakakita ng tao o ng isang hayop – ang inyong nakita ay si Satanas mismo at ang kanyang boses na inyong naririnig ay ang huni ng ahas."
Ang mga kababaihang Ingles, alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo ( ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi ibinibilang na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay pati na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Parliamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng awtoridad sa anumang bagay ang isang babae.
Ang parliamento naman ng Iglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao ngunit siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.
Sa mga Arabe naman bago dumating ang Islam ang babae ay isang hamak, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga arabe noong bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.
Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay pantay kaya ang babae ay may karapatan din kung papaanong may karapatan ang isang lalaki. Ang sabi ng Allah: " O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa't-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para kay Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Si Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay." (49: 13)
Ang sabi pa Niya: " Ang sinumang gumawa ng kabutihan - maging lalaki man o babae – at sumasampalataya, ang mga iyon ang magsisipasok sa Paraiso at wala ni katiting na kawalang-katarungan ang gagawin sa kanila." (4:124)
“At (inatasan Namin ang tao) na maging mabuti sa kanyang magulang….." (17: 23)
Ang sabi naman ng Propeta (SAS): “Ang may pinakaganap na pananampalataya sa mga mananampalataya ay ang may pinakamgandang asal sa kanila at ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinamabuti sa kanilang mga maybahay."
Nasasaad din sa Hadith na tinanong ng isang lalaki ang Propeta (SAS): "Sino po sa mga tao ang higit na may karapatan sa aking mabuting pakikitungo?" tanong ng lalaki. 'Ang iyong ina.' ‘Sino pa po?' 'Ang iyong ina.' ‘Sino pa po?' 'Ang iyong ina.' ‘Sino pa po?' 'Ang iyong ama.' Sagot ng Propeta (SAS)."
Ito sa maikling salita, ang pananaw ng Islam sa babae.