Ang mga Karapatan ng Babae Sa Kanyang Asawa

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 171

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Kabilang sa mga natatanging karapatan ng babae ay ang kanyang mga karapatan sa kanyang asawa. Ang mga karapatan na iyon ng babae ay may katumbas ding mga tungkulin niya sa kanyang asawa at ang mga ito ay ang paggsunod sa asawa sa mga bagay na hindi pagsuway kay Allah o sa Kanyang Sugo (SAS), paghahanda ng kanyang pagkain at inumin, pag-aayos ng bahay, pagpapasuso ng kanyang mga anak at pag-aalaga sa mga ito, at pangangalaga sa kanyang mga ari-arian at karangalan. Tungkulin din ng babae para sa kanyang asawa na kanyang pangalagaan ang kanyang sarili; magpaganda at gumamit ng pampaganda para sa ikasisiya ng kanyang asawa. Kabilang sa pampaganda ang mga pinahihintulutang gayak at iba't-ibang uri ng pampaganda.
Ito naman ang ilan sa mga tungkuling kailangang gampanan ng lalaki sa kanyang maybahay batay sa sinabi ng Allah: "At sila (mga babae) ay may karapatan (sa kani-kanilang asawa ) gaya ng karapatan (ng kanilang asawa) sa kanila ayon sa kung ano ang makatuwiran." ( 2 :228
Babanggitin natin ang mga ito upang malaman ng isang Muslimah at hilingin ang mga ito nang walang halong hiya at pangamba. Tungkulin naman ng asawa na ibigay ang mga ito nang buo maliban na lamang kung pumayag ang babae na huwag nang tamasain ang iba pa niyang mga karapatan.
1. Ang pagsustento ng lalaki sa kanyang asawa ayon sa kanyang kalagayan at kakayahan. Nakapaloob sa sustento ang mga sumusunod: kasuutan, pagkain, inumin, gamot, at tirahan.
2. Ang pangangalaga sa maybahay – sa karangalan, katawan, ari-arian, at relihiyon nito – yaman din lamang na ang lalaki ang siyang tagapangalaga ng babae at ang tungkulin ng tagapangalaga ng isang bagay ay ang pag-ingatan at pangalagaan ito.
3. Ang pagtuturo sa maybahay ng mga bagay-bagay tungkol sa pananampalataya na kailangan nitong malaman. At kung hindi kaya ng asawa na gawin ito, pahintulutan niya ang kanyang maybahay na matuto sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pag-aaral para sa mga kababaihan na idinadaos sa mga Masjid o sa iba pang lugar kung may katiyakang walang masama o kapinsalaang maaaring mangyari sa kanya sa pagdalo sa mga pag-aaral na ito.
4. Ang mabuting pakikitungo sa kanya batay sa sinabi ni Allah:
“Pakitunguhan ninyo (mga lalaki) sila (mga babae) nang mabuti." (4:19)
Kabilang sa mabuting pakikitungo ng lalaki sa kanyang maybahay ay kailangang punan niya ang pangangailangangg seksuwal ng kanyang maybahay at hindi niya sasaktan ang damdamin nito sa pamamagitan ng paglait, pag-insulto, paghamak, o kaya ay pagmaliit sa kanya.
Bahagi rin ng mabuting pakikitungo sa maybahay ay ang huwag siyang pigilang dumalaw sa mga kamag-anakan niya kung wala rin namang masamang mangyari sa kanya. Hindi rin siya pagagawin ng gawaing hindi niya makakaya. Nararapat na maging mabuti sa kanya sa salita at sa gawa sapagkat ayon sa Sugo (SAS): "Walang nagpaparangal sa mga babae kundi ang isang lalaking marangal at walang humahamak sa kanila kundi ang mga lalaking hamak."