UNANG BAHAGI TUKTOK LAMANG NG BUNDOK NG YELO

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 182

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang aklat na ito ay maghahandog sa atin ng ilan lamang sa kanyang mga kagandahan at mga kabutihan.

- Ito ay naghihikayat sa atin na magkaroon ng mabuting intensyon, tamang pag-uugali at mabuting damdamin sa kapwa.
- Ito ay nagtuturo sa atin na magpatawad, at nagtuturo na naisin para sa kapwa ang alinmang ninanais natin para sa ating sarili.
- Ito ay naghihikayat sa atin na ngumiti at maging mabuti sa kapwa. 
- Ito ay nag-uutos sa atin na maging mapitagan.
- Ito ay nag-uutos sa atin na magkaroon ng tamang-asal at maging magalang.
- Ito ay nag-uutos sa atin na maging mahinahon sa sangkatauhan, sa mga hayop, sa mga ibon at sa kapaligiran.
- Ito ay nagtatagubilin sa atin ng paggalang at pag-aaruga sa ating mga magulang at sa mga matatanda, at maging mabuti sa ating pamilya, asawa at mga anak.
- Ito ay naghihikayat sa atin na tumulong, magpakain, at sumuporta sa mga mahihirap, sa mga nangangailangan at sa mga may kapansanan.
- Ito ay nagsasabi sa atin na mag-isip, magbigay ng tamang pagdadahilan at maglahad ng tamang pahayag ng may katibayan.

NATUKLASAN MO NA BA KUNG ANO ITO?

Bago ko ipahayag ang lihim na ito ay hayaan ninyo muna na aking sabihin na bilang karagdagan ‘Ito’ rin ay…

- nagtuturo sa atin na ang lahat ng tao ay pantay-pantay, anuman ang kanyang lahi, kulay at bansang kinabibilangan.
- nagtuturo sa atin na huwag manakit, magalit, magmaliit at manlinlang ng kapwa.
- maliwanag na nagsasabi sa atin kung bakit tayo ay narito sa mundo, sino ang nagdala sa atin dito, saan tayo patutungo at kung ano ang ating huling hahantungan.
- nagtuturo sa atin na mamuhay ng payapa at magkaroon ng mabuting relasyon sa Diyos, sa sarili at sa iba.
- maliwanag na sumasagot sa ating mga mahahalaga at kritikal na katanungan.

Katotohanan, ito ay sadyang magdadala sa atin tungo sa ganap na katotohanan, katiwasayan ng isip at damdamin, tunay na kaligayahan, kaligtasan at buhay na walang hanggan.

Maniniwala ka bang ang kabigha-bighaning tuklas na ito ay ang… Islam?

Kung ang ating mga pag-iisip ay nababalutan agad ng pag-aakala at paghusga ay hindi natin kailanman makikita ang kabutihan at katotohanan ng anumang bagay.

Maaaring ikaw ay may mga maling pag-aakala sa Islam. Maaaring nakita mo lang ang larawan ng Islam kung paanong ito’y ipinapakita ng midya na nag-uulat tungkol sa mga terorista. Maaari rin namang nabasa mo o di kaya’y narinig ang tungkol dito sa isang di mapagkakatiwalaang batayan.

Kaya naman ikaw ay aking iniimbitahan na bukas-isipan mong basahin ang aklat na ito na naglilinaw sa ganda, liwanag at pagiging payak ng Islam.

Bilang halimbawa ng ganda at linaw nito, ang Islam ay…

- nagbibigay linaw tungkol sa paglikha sa sansinukob.
- nagbibigay linaw tungkol sa paglalang sa atin.
- nagbibigay linaw tungkol sa  ating ispirituwalidad.
- nagbibigay linaw tungkol sa pagkilala sa Diyos.
- nagbibigay linaw tungkol sa konsepto ng pagsamba.
- nagbibigay linaw tungkol sa tunay na layunin ng buhay. 
- nagbibigay linaw tungkol sa kabilang buhay.
- nagbibigay linaw tungkol sa ating huling patutunguhan (Paraiso o Impyerno).
- nagbibigay linaw tungkol sa kung paano natin makakamit ang tunay na kaligayahan at ganap na tagumpay.

Bago tayo magsimula, tandaan po natin ang mga mahahalagang talasalitaan na ito:

ALLAH: Ang pangalan ng nag-iisa at tunay na Diyos, ang Tagapaglikha. Ang Islam ay nagtuturo na si Allah ang siyang tunay na Diyos sa lahat ng sangkatauhan at nilalang. Ang mga Hudyong Arabo at Kristiyanong Arabo ay kanilang ginamit ang pangalan na ito sa pagtawag sa Diyos.

MUHAMMAD:  Ang huling Sugo ng nag-iisa at tunay na Diyos na si Allah, ipinadala si Muhammad (nawa’y mapasakanya ang kapayapaan at pagpapala ni Allah) para sa buong sangkatauhan.

ISLAM: Ang ibig-sabihin nito’y pagsunod at pagtalima sa kagustuhan ng nag-iisa at tunay na Diyos na si Allah.

MUSLIM: Ang siyang tagasunod sa mga kagustuhan ng nag-iisa at tunay na Diyos na si Allah.

QUR-AN: Ang huling aklat ng nag-iisa at tunay na Diyos na si Allah na ipinahayag kay Propeta Muhammad.


IKALAWANG BAHAGI
PAGSAGOT SA MGA MAPANURING TANONG NG SANGKATAUHAN

Sinasagot ng Islam ang mga pinakamahahalagang katanungan ng sangkatauhan katulad na lamang ng mga sumusunod:

Ano ang Katotohanan?
Sino ang lumikha sa atin?
Sino ang ating tunay na Diyos?
Sino ang huling Sugo ng Diyos?
Sino ang dapat nating sambahin?
Sino tayo?
Bakit tayo naririto?
Anong mayroon pagkatapos ng kamatayan?
Ano ba ang hitsura ng susunod na buhay?
Ano ang ating susunod na patutunguhan (Paraiso ba o Impiyerno)?
Paano natin makakamtan ang ganap na kapayapaan ng isip, tagumpay at tunay na kaligayahan?
Paano natin matatamo ang buhay na walang hanggan?

Sa pagkakaroon ng bukas na isipan at puso para sa pagtuklas sa katotohanan,  kung maaari sana’y masusi po natin itong basahin at kayo na rin ang humusga para sa inyong sarili.

บริการ AI