TAO! BAKIT KA NARITO SA MUNDO?

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 13

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang lahat ng papuri ay sa Allah lamang, ang lumikha sa tao sa pinakamagandang hubog. Siya ang lumikha ng sanlibutan. Nilikha Niya ang kalupaan para sa Kanyang mga alipin upang dito nila gugulin ang kanilang pansamantalang buhay, at dito rin sila magwawakas at ibabangong muli. Ako’y sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, ang walang katambal. Sumasaksi din ako na si Muhammad ang Kanyang huling Sugo at Propeta. Nawa’y igawad ng Dakilang Allah ang Kanyang kapayapaan at pagpapala kay Propeta Muhammad, sa kanyang pamilya at gayundin sa lahat ng sumusunod sa tamang landas hanggang sa Araw ng Pagbabangong-muli.

Sinumang ginabayan ng Dakilang Allah sa tuwid na landas, hindi siya maililigaw ng sinuman. At sinumang nasa ligaw na landas, hindi siya maigagabay ng sinuman maliban sa Allah – Ang Dakila at ang tanging Hukom sa Araw ng Paghuhukom.

Isang banal na tungkulin at gawain ng bawa’t Muslim ang magbigay paalaala at mag-anyaya sa kanyang kapwa tungo sa landas ng Allah – ang Dakilang Lumikha.  Ang gawaing ito ay kalugud-lugod sa Allah at walang alinlangang magagawaran ito ng biyaya sa Kabilang Buhay sa sinumang matapat at dalisay na nagsasagawa nito nang dahil lamang sa Allah.

Dalangin ko sa Allah na tanggapin Niya ang munting babasahing ito bilang paglilingkod sa Kanya at nawa’y biyayaan Niya sina kapatid na Khalid Evaristo at Ahmad Jibreel Salas at ang lahat ng mga kapatid na tumulong at naging daan upang maisakatuparan ang paglathala ng mensahing ito.  (Ameen)

บริการ AI