Pagtakip sa sisidlan at lalagyan ng tubig

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 146

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

 Nagmula kay Jabir Ibnu Abdillah –radhiyallahu anhuma- na nagsabi: Narinig ko ang sugo ng Allah ﷺ na nagsasabi:
غطوا الإناء, وأوكوا السقاء، فإن في السنة ليلة ينزل فيها وباء؛ ولا يمر بإناء ليس عليه غطاء، أو سقاء ليس عليه وكاء إلا نزل فيه من ذلك الوباء
 “ Takpan ninyo ang mga sisidlan at talian ninyo ang lalagyan ng tubig sapagkat may isang gabi sa isang taon na bumababa ang salot (epidemya) at wala itong dadaanan na sisidlan na walang takip o di kaya sa lalagyan ng tubig na walang tali, maliban na bababa rito ang salot o sakit na ito” isinalaysay ni Muslim.
Sinabi ni Ibnu Al-Qayyim –rahimahullah- : “At ito ay hindi matutuklasan sa mga agham (sinaunang mga pag-aaral) ng mga doctor at mga dalubhasa nila” (zadul-Maad).
    Bilang pangwakas, katunayan para sa bawat muslim na dapat niya isuko at isaalang-alang sa Allah ang lahat ng kanyang mga pangangailangan, ninanais niya ang kabutihan nito, inaasam-asam niya na makamit niya ito at magtiwala sa Kanya, at ang lahat ng bagay ay nasa Kanyang kamay at lubos Niyang pinapatupad at pinamamahalaan ito.
     At pagsikapan niyang harapin ang anumang dumarating sa kanya na mga sakuna sa pamamagitan ng pagtitimpi at pagnanais (ng gantimpala dahil dito), katotohanan ang Allah  ﷻ ay pinangakuan Niya na bibigyan Niya ng napakaraming gantimpala ang sinumang nagtiis at nagnanais (ng gantimpala mula rito), sinabi Ng Allah ﷻ:
﴿إِنَّمَا يُوَفَّى الصَّابِرُونَ أَجْرَهُمْ بِغَيْرِ حِسَابٍ﴾[الزمر:10].
 “Katotohanan ibibigay sa mga matiisin ang kanilang gantimpala ng walang (eksaktong) bilang o walang hangganan” Az-Zumar 10.
       Mula kay ‘Aishah –radhiyallahu anha- siya ay nagtanong sa propeta ﷺ tungkol sa At-Ta’uun (salot o sakit), kanyang sinabi:
إنه كان عذابا يبعثه الله على من يشاء, فيجعله الله رحمة للمؤمنين, فليس من عبد يقع الطاعون, فيمكث في بلده صابرا, يعلم أنه لن يصيبه إلا ما كتب الله له, إلا كان له مثل أجر شهيد.
 “Tunay na ito ay isang parusa na ipinadala ng Allah sa kaninumang nanaisin Niya, ngunit ginawa ito ng Allah bilang habag para sa mga mananampalataya, at wala sa mga alipin Niya na natamaan ng salot o sakit na siya ay nanatili sa kanyang lugar at nagtitiis, at alam niya na kailanman ay hindi siya matatamaan ng anumang bagay liban sa mga itinakda ng Allah para sa kanya, maliban na mapapasakanya ang gantimpala na tulad ng gantimpala ng Shaheed o martir” isinalaysay ni Al-Bukhari.
     Hinihiling ko sa Allah nawa’y gabayan Niya tayong lahat tungo sa kung ano ang kanyang iniibig at ikinalulugod mula sa mabuting gawa at mainam na salita. Tunay na Siya ay nagsasabi ng katotohanan, at Siya ay ang pumapatnubay sa (tamang) landas.
     Ang papuri ay bukod tangi sa Allah lamang, at ang pagpapala ng Allah at kapayapaan ay mapasa ating Propeta Muhammad, sa kanyang pamilya at kasamahan.