PANGANGAILANGAN NG TAO SA ALLAH

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 166

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

5- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: siya ay tinanong tungkol sa kung ano ang lagi nang ipinapanalangin ng Sugo () sa Allah, siya ay nagsabi: Ang lagi niyang sinasabi (sa panalangin) ay: "Allaahuma innee a`udhu bika min sharri maa amiltu, wa min sharri maa lam a`amal (O Allah! tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng lahat ng aking nagawa, at sa kasamaan ng lahat ng hindi ko pa nagawa)". Muslim [Hadith Bilang: 66 – (2716)]. 
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya ang isa sa mga tinaguriang Ummul Mu'mineen (Ina ng mga sumasampalataya) na si Aishah, anak na babae ni Abu Bakr As-Siddiq, pinakasalan siya ng Propeta () bago ang paglikas mula sa Makkah, at ganap niyang naangkin ito sa Madinah sa edad niyang (9) na taong gulang at namatay ang Propeta () na ang kanyang edad ay (18) taong gulang. Siya (si Aishah) ang pinakamatalino sa mga tao noon sa kanyang kapanahunan, pinakamaalam at may pinakamagandang opinyon, siya ay naging isang halimbawa sa kabutihang-loob at bukas-palad. Nakapag-ulat siya mula sa Sugo ng Allah () ng maraming Hadith at umabot ang kanyang ulat ng (2210) na Hadith.
Siya ay binawian ng buhay sa Madinah, Martes ng gabi, ika-(17) sa buwan ng Ramadan o Shawwal sa taong ika-(57) o (58) sa Hijri, si Abu Hurairah ang nakapagsagawa para sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal para sa patay) at siya ay nailibing sa Baqi`.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nararapat sa isang Muslim ang pag-iwas mula sa pagkakasadlak sa mga kasalanan, sapagka’t iyon ang siyang nagdudulot sa kanya ng kasamaan at kamalasan.
2. Naghihikayat ang Hadith na ito ng pagpapakupkop sa Allah laban sa anumang kasamaan ng nakamit ng isang tao mula sa mga kasalanan, sapagka’t katotohanan ang tao ang nangangailangan sa Allah sa lahat ng kanyang kalagayan.
3. Nagbibigay linaw ang Hadith na ito na ang tanging kanlungan lamang ay ang Allah at wala ng iba pa mula sa Kanyang mga nilikha.