KABUTIHAN NG PAG-AAYUNO SA ARAW NG ARAFAH

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 44

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

15- Si Abu Qatadah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, ang Propeta () ay nagsabi: "Ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay aking inaasahan sa Allah na Kanyang pawawalang sala ang taong nagdaan at darating".
At-Tirmidhi [Hadith bilang: (749)] Muslim [Hadith Bilang: 196 – (1162)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Qatadah ibn Rabe`i mula sa angkan ng mga Ansar, isa sa mga kagalang-galang na Sahabi (Kasamahan ng Propeta), siya ay nakibaka sa mga digmaan at labanan, at lagi niyang binabantayan ang Propeta () at inaalagaan sa paglalakbay. Ipinadala siya ni Umar ibn Al-Khattab bilang pinuno ng hukbong sandatahan para puksain ang mga Persia, kaya siya mismo ang nakapaslang sa Hari nila sa sarili niyang mga kamay. Nagkakaiba ang mga ulat sa lugar at petsa ng kanyang kamatayan, may nagsasabing namatay siya sa Kufa (Iraq) taong ika-(38) sa Hijri, at si Ali ibn Abu Thalib ang nakapagsagawa sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal para sa patay), datapuwa't mayroong nagsasabi na siya ay namatay sa Madinah taong ika-(54) sa Hijri, at mayroon ding nagsasabi na taliwas dito.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinatagubilin ng Hadith na ito ang pag-aayuno sa araw ng Arafah para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj.
2. Ang mga kasalanang tinutukoy sa Hadith na ito ay ang maliliit na kasalanan; sapagka’t ang mga mabibigat na kasalanan ay nangangailangan ng makatotohanang pagbabalik-loob sa Allah.
3. Ang mga mabubuting gawain ay kabilang sa mga dahilan upang tumaas ang antas ng isang Muslim sa paningin ng Allah.

บริการ AI