KASUKLAM-SUKLAM ANG PAGTATANGI NG PAG-AAYUNO SA ARAW NG BIYERNES

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 463

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

 Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Narinig ko sa Propeta () na kanyang sinasabi: "Huwag pag-ayunuhan ng isa sa inyo ang araw ng Biyernes, malibang isang araw sa unahan nito o sa hulihan nito". Al-Bukhari [Hadith Bilang: (1985)] Muslim [Hadith Bilang: 147 – (1144)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Hindi maaaring mag-ayuno ang isang Muslim sa araw ng Biyernes lamang maliban kung sumang-ayon at nagkataon sa kanyang nakasanayang pinag-aayunuhan.
2. Ang araw ng Biyernes ay araw ng panalangin, paggunita, pagsamba at paghanap ng mabuting biyaya kaya hindi dapat mag-ayuno sa araw na ito lamang. Ang Allah ay nagsabi: ((Datapuwa’t kapag natapos na ang pagdarasal, humayo kayong magsikalat sa kalupaan at inyong hanapin ang biyaya ng Allah at inyong gunitain nang madalas ang Allah nang sa gayon kayo ay magsipag-tagumpay)). Al-Jumu`ah (62:10).