KATOTOHANANG MINAMAHAL NG ALLAH ANG ISANG MAKADIYOS NA ALIPIN

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 473

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

23- Si Saad ibn Abi Waqqas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Narinig ko sa Sugo ng Allah () na kanyang sinasabi: "Katotohanang minamahal ng Allah ang isang alipin na makadiyos, makontento at malihim (sa kanyang pananampalataya)".
Muslim [Hadith Bilang: 11 – (2965)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Ishaq, Saad ibn Abu Waqqas Al-Zihrie Al-Qurashie, isang dakilang Sahabi, siya ay ipinanganak sa Makkah taong ika-(23) bago ang paglikas (Hijrah), at dito siya lumaki at namuhay, isa siya sa mga naunang yumakap sa Islam, kaya napabilang siya sa mga tinaguriang mga naunang nagsiyakap sa Islam, at isa rin siya sa sampung mga binalitaan na makakapasok sa Paraiso, at kabilang din siya sa lipon ng anim na pagsasanggunian na itinalaga ni Umar ibn Al-Khattab, upang ang isa sa kanila ay maging tagahalili niya para sa mga Muslim pagkatapos niya, pagkaraan ay lumikas siya sa Madinah, at nakibaka sa pakikipaglaban sa Bad’r at sa iba pang mga labanan pagkatapos nito.
Siya ay isa sa mga anak ng tiyuhin ng nanay ng Propeta (), kaya tinawag siya ng Propeta () na tiyo. Ibig sabihin ay kabilang lamang sa kanyang mga tiyuhin, at hindi kapatid mismo ng kanyang ina.
Siya ay isang mangangabayong mandirigma at ubod ng tapang, isa sa mga piling pinuno ng Sugo ng Allah (), at siya ay may malalaking naging papel sa panahon ni Abu Bakr As-Siddiq, at gayundin sa panahon ni Umar ibn Al-Khattab Al-Farooq, at siya rin ay nahalal bilang gobernador sa Kufa sa kapanahunan ni Umar ibn Al-Khattab at Uthman ibn Affan.
Si Saab ibn Abu Waqqas ang namuno sa sandatahang hukbo ng mga Muslim sa labanan sa Persia at Iraq, at dahil sa kabutihang loob ng Allah nakayanan niyang talunin ang Persia ng napakalaking pagkatalo sa Qadisiyah, at siya rin ang sumakop sa Mada-in, siya ay lagi nang tinutugunan ng Allah sa panalangin, at mayroon din siyang mga dakilang katangian at maraming kabutihan, datapuwa’t kusa naming di binanggit ito upang makaiwas sa mahabang pagsasalaysay.
Pagkaraan ay tinalikuran ni Saad ibn Abu Waqqas ang mga kaukulang bagay sa paghahatol at pulitika, at lumayo siya sa malaking kaguluhan na naganap sa pagitan ng mga Sahabah, bagkus inutusan niya ang kanyang pamilya at mga anak na huwag nila siyang balitaan sa mga nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng mga Sahabah.
Siya ay nakapag-ulat ng (270) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
Siya ay isang pandak, binawian siya ng buhay taong ika-(55) sa Hijri sa Aqeeq sa kanyang palasyo ng may layong pitong milya mula sa Madinah, at ang gobernador ng Madinah sa panahon na yaon na si Marwan ibn Al-Hakam ang siyang nakapagsagawa sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal para sa patay), at nailibing siya sa Baqi`, at siya ang pinakahuling namatay sa mga Muhajireen (nagsilikas mula sa Makkah patungong Madinah).
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang buhay panlipunan ay kinakailangan ng tao; kaya nararapat na manatili siyang miyembro ng lipunan.
2. Kapag humantong sa paggawa ng kasalanan ang pakikihalubilo sa lipunan; tunay na ang pagiging malayo sa lipunan sa ganitong kalagayan ay mas kanais-nais para sa sinumang hindi kayang pangalagaan ang sarili laban sa kasamaan sa kanyang pananampalataya o pagkasadlak sa ipinagbabawal  at mga kahina-hinalang bagay at mga katulad nito.
3. Ang pangangalaga ng ugnayan sa mga kamag-anak ay pangunahing bagay sa Islam maliban kung hahantong ito sa kasalanan; magkagayun ang pagputol ng ugnayan sa kamag-anakan ay mas kanais-nais ayon sa isang batayan ng Islam:" Ang pagpigil sa mga nakapipinsala ay higit na inuuna kaysa sa pagkamit ng mga kapaki-pakinabang".
4. Ang kahulugan ng Hadith na ito’y tunay ngang minamahal ng Allah ang isang alipin na makadiyos, at ang makadiyos ay yaong nagsasakatuparan ng mga ipinag-uutos sa kanya at umiiwas sa mga ipinagbabawal, at ang makontento naman ay yaong nakokontento sa kung anong mayroon sa kanya; tunay na siya ang makontentong kaibig-ibig sa Allah at wala na siyang pangangailangan bukod sa Allah at ang malihim sa kanyang pananampalataya ay siya yaong taong kapag nawala sa paningin ay hindi hinahanap at kapag natagpuan ay hindi kilala, subali't isa siyang dakila at katas-taasan sa paningin ng Allah.