ANG MGA MUSLIM AY TULAD NG ISANG GUSALI NA NAGKAKAPITAN SA ISA’T ISA
33- Si Abu Musa (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Ang mananampalataya sa kapwa niya mananampalataya ay katulad ng haligi ng isang gusali na nagpapatibay at nagtutuwid sa isa’t isa". Al-Bukhari [Hadith Bilang: (2446)] Muslim [Hadith Bilang: 65 – (2585)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Musa, Abdullah ibn Qais ibn Salim Al-Ash`arie Al-Yamanie, siya ay dumating sa Makkah at di-naglaon ay yumakap sa Islam at pagkatapos ay bumalik sa Yemen at nagtungo sa Ethiopia, at pagkaraan ay nagtungo naman sa Madinah pagkatapos ng pagkatagumpay sa Khaybar, lumahok siya sa Jihad at mga labanan, siya ang may pinakamagandang boses sa pagbasa ng Qur'an sa mga Sahabah, siya ay masigasig sa pagsamba, may angking kaalaman at katalinuhan, at umiiwas sa karangyaan ng buhay. Siya ay namatay taong ika-(44) sa Hijri, sa Kufa o sa Madinah, at may nagsasabing hindi ito ang taon ng kanyang pagkamatay.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay dakila, naghihiyakat tungo sa kapatiran, pagmamahalan at pagtutulungan ng mga Muslim sa isa’t isa; nais ng isa sa kanila para sa kapatid ang anumang nais nila para sa sarili, ganito ang paglalarawan sa kanila ng Propeta (r).
2. Inilalarawan ng Hadith na ito ang pagtutulungan ng mga Muslim sa isa’t isa na katulad ng isang gusaling pinagtitibay ng isang bahagi ang iba pang bahagi.
3. Napapaloob sa Hadith na ito ang panawagan sa mga Muslim tungo sa pagkakaisa, pagtutulungan sa kabutihan at pagkatakot sa Allah, at magkaisang panghawakan ang lubid (Relihiyon) ng Allah, ng huwag maghiwa-hiwalay at mag-aagawan.