ANG KANANG KAMAY AY PARA SA LAHAT NG MARANGAL AT DANGAL

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 661

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

49- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang kanang kamay ng Sugo ng Allah () ay nakalaan lamang sa kanyang paglilinis at pagkain, samantalang ang kanyang kaliwang kamay ay nakalaan naman sa palikuran at sa mga maruruming bagay”.
Abu Daud [Hadith Bilang: (33)] Al-Bukhari [Hadith Bilang: (168)] Muslim [Hadith Bilang: 66 – (268)] At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (1888)] Ibnu Majah [Hadith Bilang: (3288)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(5):


Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ito ay isang matatag na panuntunan ng islam sa mararangal na gawain, gaya ng pagsuot ng damit, pantalon, sapatos, pagpasok sa Masjid, paggamit ng siwak, paglagay ng Kuhl sa mata, pagputol ng mga kuko, paggupit ng bigote, pagsuklay at pag-aayos ng buhok, pagbunot ng buhok sa kili-kili, pag-ahit ng buhok sa ulo, pag-Tasleem sa Salah, paghugas ng ilang bahagi ng katawan para sa Wudu’, paglabas mula sa kubeta, pagkain at pag-inom, pakikipag-kamay, paghaplos sa batong itim (sa Ka’bah) at iba pang mga gawain na kanais-nais dito ang paggamit ng kanang kamay.
2. At patungkol naman sa mga gawaing kasalungat ng mararangal at dalisay na Gawain, tulad ng pagpasok sa kubeta, paglabas mula sa Masjid, pagdura, paghugas pagkatapos gumamit ng palikuran, paghubad ng damit, pantalon, sapatos at mga katulad nito; magkagayun kanais-nais na gamitin dito ang kaliwa dahil sa kadakilaan at karangalan ng kanan.
3. Dapat sundin ng isang Muslim ang Sugo ng Allah (r) sa lahat ng bagay sa Relihiyon.