ANG MAGAGANDANG ASAL SA PAGTITIPON

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 1

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

75- Si Abu Saed Al-Khudrie (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Narinig ko sa Sugo ng Allah () na kanyang sinasabi: “Ang pinakamainam sa mga pagpupulong ay ang pinakamalawak nito”. Abu Daud [Hadith Bilang: (4820)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Saed Al-Khudrie, Saad ibn Malik ibn Sanan Al-Ansarie Al-Khazrajie, isa sa mga kilalang Sahabah at pantas nila, ang una niyang nasalihan na pakikipaglaban ay ang labanan sa Al-Khandaq, at nakasama niya ang Sugo ng Allah () sa (12) labanan, at siya ay nakapag-ulat mula sa Sugo ng Allah () sa mga aklat ng Sunnah ng (1170) Hadith.
Si Abu Saed Al-Khudrie ay namatay taong ika-(74) sa Hijri, sa edad niyang (86) taon, datapuwa’t may nagsasabing taliwas dito, at siya ay nailibing sa Baqi`.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Dapat sa mga pinagtitipunan ay malaki at malawak na kakasya sa maraming tao nang hindi nagsisiksikan at walang kasamang pangamba at takot, upang magkaroon ng katahimikan, kapanatagan at kaliwanagan, kung kaya’t ang mga malalaki at malalawak na pinagtitipunan ay mas mainam.
2. Ang ilan sa mga magagandal asal sa pagtitipon ay ang pagpili ng wastong lugar para sa pinagtitipunan, kaya hindi dapat umuupo sa mga daan, eskinita at sa mga partikular na daanan.