ANG KAHALAGAHAN NG APAT NA SALITA

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 42

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ng Allah (): “Ang pagsasabi ko ng: Subhaanallah, wal hamdulillaah, wa laa ilaaha illallaah, wallaahu akbar (Kaluwalhatian sa Allah, at lahat ng pagpupuri ay sa Allah, at walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, at ang Allah ay Dakila) ay higit na kaaya-aya sa akin kaysa sa lahat ng sinikitan ng araw”. Muslim [Hadith Bilang: 32 – (2695)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):



Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang apat na salitang ito ay binigyan ng Allah na partikular na dakilang pagtatangi, ipinapahiwatig nito ang kataasan ng katayuan nito, at nagtatampok ng kakaibang katangian kaysa sa ibang salita, at ang apat na salitang ito ay ang: “Subhaanallah, wal hamdulillaah, wa laa ilaaha illallaah, wallaahu akbar”.
2. Ipinag-uutos ng Hadith na ito na dalasan ang paggunita sa Allah sa pamamagitan ng apat na salitang ito; na kung saan ay naglaan ang Allah ng malaki at dakilang gantimpala nito.