KAINAMAN NG PAGSASAGAWA SA KUSANG-LOOB NA SALAH SA BAHAY

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 42

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

71- Si Zaid ibn Thabit (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, ang Propeta () ay nagsabi: “Ang Salah ng tao sa kanyang tahanan ay mas mainam kaysa sa Salah niya sa Masjid kong ito, maliban sa ubligadong Salah”. Abu Daud [Hadith Bilang: (1044)] Al-Bukhari [Hadith Bilang: (731)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Zaid ibn Thabit Ad-Dhahhak Al-Ansarie, isang dakilang Sahabi at tagasulat ng Wahi (Kapahayagan).
Nang dumating ang Sugo ng Allah () sa Madinah, si Zaid ay isang ulila na di humigit kumulang ang edad ng (11) taon, siya ay yumakap sa Islam kasama ng kanyang pamilya.
Nang Makita ng Sugo ng Allah () ang kanyang talino at kahusayan sa pag-aaral at pagsasaulo, pagiging mapagkatiwalaan at kawastuhan sa paghahatid ng mensahe ng may kasamang malawak na pag-unawa sa mga nababasa niya; siya ang pinagkatiwalaan niya sa pagsulat ng Wahi na ipinapahayag sa kanya mula sa Allah na isang napakalaki at napakadakilang tungkulin.
At nang ang Sugo () ay magnais na ipaabot ang kanyang pag-aanyaya sa mga hari at prinsipe, at pagpapadala ng mga kasulatan sa mga hari sa kalupaan, siya ay inutusan niya na pag-aralan ang ilan sa kanilang mga wika at kanyang natutunan ito sa maikling panahon lamang, kaya naging dalubhasa siya sa maraming wika, kabilang na rito ang wikang arabik, syriac at persyano.
Ang mga kagalingan ni Zaid ay sadyang dakila, kaya napakinabangan sa Madinah ang kanyang kaalaman at karunungan, at nagkaroon siya ng matayog na katayuan dito, kaya siya ay naging respetado at kagalang-galang sa mga Muslim.
Siya ay dalubhasa sa pagsasaulo, matalino, maalam at matalas ang pag-iisip, at siya’y nakapag-ulat din tungkol sa Propeta (), at nakapagbasa sa kanya ng Qur’an.
Siya ang pinapahalili ni Umar ibn Al-Khattab sa Madinah kapag siya ay nagsasagawa ng Hajj, at siya’y isinalang din niya sa paghahatol at naglaan sa kanya ng kabuhayan.
Si Zaid ay nakapagserbesyo ng malaking katungkulan sa kanyang mga kasamahan sa pagtipon ng banal na Qur’an sa kapanahunan ng unang Khalifah na si Abu Bakr As-Siddiq, at gayundin sa kapanahunan ng ikatlong Khalifah na si Uthman ibn Affan.
Siya ay nakapagsalaysay ng (92) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
Si Zaid ay namatay taong ika-(45) sa Hijri, sa edad niyang (56) taon, datapuwa’t may nagsasabi na taliwas dito.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang pagsasagawa sa kusang-loob na Salah sa bahay ay mas mainam, sapagka’t mas malapit sa pagiging ganap ng kataimtiman at katapatan, at malayo sa pagpapakitang-tao, maliban na lamang kapag ang Salah na kusang-loob ay isinasagawa nang sama-sama tulad ng Salah sa Eclipse, Salah para sa ulan o iba pang mga Salah bukod dito; sapagka’t mas mainam para sa isang Muslim na isagawa niya ito sa Masjid nang sama-sama.
2. Isinasatungkulin sa isang Muslim na magsagawa ng Salah nang sama-sama sa Masjid ng Propeta, at gayundin ang lahat ng Salah na kailangang isagawa nang sama-sama tulad ng Salah sa Eid, Salah para sa ulan, Salah sa Eclipse at Salah sa Tarawih, samantalang ang mga Salah na kusang-loob ay mas mainam na isinasagawa ito sa bahay.