KABUTIHAN NG PAG-AAYUNO SA ARAW NG ASHURA

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 174

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

69- Si Abu Qatadah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, ang Propeta () ay nagsabi: “Ang pag-aayuno sa araw ng Ashura’ (ika-10 araw sa buwan ng Muharram) ay tunay na aking inaasahan sa Allah na Kanyang patawarin ang taong nasa unahan nito”.
At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (752)] Muslim [Hadith Bilang: 196 – (1162)] Abu Daud [Hadith Bilang: (2425)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(15):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay ipinag-aanyaya ang pag-aayuno sa araw ng Ashura’ (o ang ika-10 araw sa buwan ng Muharram), sapagka’t naipagkakaloob sa atin ng Allah sa pamamagitan ng pag-ayuno sa isang araw na ito ang kapatawaran ng mga kasalanan sa (naunang) taon; ang tinutukoy na mga kasalanan (sa Hadith na ito) ay ang mga magagaan na kasalanan at hindi ang mabibigat nito.
2. Kaaya-ayang pag-ayunuhan ang ika-(9) kasama ang ika-(10) araw ng Muharram, sapagka’t pinag-ayunuhan ng Propeta (r) ang ika-(10) araw at binalak na pag-ayunuhan ang ika-(9), gayon pa man, hindi masamang pag-ayunuhan ang isang araw lamang; at ito ay ang araw ng Ashura’ (ika-(10) araw sa Muharram).
3. May mga kalagayan ang pag-aayuno sa Ashura’; ang pinakamagaan nito ay ang pag-aayuno ng isang araw lamang (ang ika-10) at ang pinakamainam ay kasama nito ang ika-(9); datapuwa’t ang maraming pag-aayuno sa buwan ng Muharram ang siyang mas higit at mainam.