ANG SUSI NG SALAH AY ANG KALINISAN

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 162

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

68- Si Ali (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang susi ng Salah ay ang paglilinis, at ang simula nito ay ang Takbeer (o ang pagsabi ng Allaahu Akbar), at ang katapusan nito ay ang Tasleem (o ang pagsabi ng Assalaamu alaykum wa rahmatullaah)”.
Abu Daud [Hadith Bilang: (61)] At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (3)] Ibnu Majah [Hadith Bilang: (275)]
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abul Hasan, Ali ibn Abu Thalib ibn Abdul Muttalib Al-Hashimie mula sa Angkan ng Quraish. Siya ay isinilang sa petsa na ika-(13) sa buwan ng Rajab taong ika-(23) sa Hijri. Siya ay pinsang buo ng Sugo () at mamanugang sa kanya, at siya ang pinakaunang yumakap sa Islam sa mga kabataan, at nang ipahintulot ng Allah sa Kanyang Sugo () ang paglikas patungong Madinah, kanyang inialay ang sarili niya; sa pamamagitan ng pagtulog niya sa higaan ng Sugo ng Allah ()  na isinasakripisyo ang kanyang sarili at buhay; kaya't inakala ng mga Quraish na siya ang Sugo ng Allah (); subali't nang malaman ng mga  Quraish na ito ay isang panlilinlang; sinaktan nila siya, nguni't hindi rin niya pinansin sa kanila iyon, bagkus nagsimula siyang ipamigay at ibalik ang mga bagay na ipinagkatiwala sa kanya ng Sugo ng Allah () sa mga may ari nito nang malapit na siyang lumikas. Siya ay nakapagsalaysay sa mga aklat ng Sunnah ng (536) Hadith.
Siya ay may kagandahang mukha, ang kanyang mukha ay parang tulad ng sa kabilugan ng buwan sa ganda. Siya ay tumanyag sa kanyang kagalingan sa paghatol at pagbigay ng sariling opinyon sa pagpapasiya, sa kaalaman sa Aklat ng Allah, at sa pag-unawa sa mga kahulugan at pahiwatig nito, gayundin naman na siya ay naging tanyag sa katapangan, katalinuhan, kagandahan ng pagtalumpati at kahusayan sa pagsasalita, at kanyang nasalihan ang lahat ng labanan kasama ang Sugo ng Allah (), maliban sa labanan sa Tabuk; nang siya ay hinayaan ng Sugo () na magpaiwan sa kanyang pamilya.
Isa siya sa sampung binalitaan ng Propeta () na makakapasok sa Paraiso, at isa sa mga tinaguriang Ameerul Mu’mineen (Pinuno ng mga mananampalataya), at isa sa apat na binansagang Al-Khulafa Ar-Rashidoon (mga napatnubayang Tagapaghalili), na kung saan ay hinirang siya bilang tagapaghalili sa taong ika-(35) sa Hijri sa Madinah, pagkatapos ng pagkapaslang kay Uthman ibn Affan, at itinakda niya ang Kufa bilang kabisera nito, at siya ay nanatili sa kanyang katungkulan bilang tagapaghatol sa loob ng limang taon at tatlong buwan, datapuwa't inilarawan ang kapanahunan ng kanyang pamumuno ng kawalang-tatag na pulitika.
Pagkaraan ay sinaksak siya ng isa sa lipon ng mga Khawarij (nagbaklas sa kanyang pamumuno), habang siya ay nagdarasal ng Salah sa madaling araw sa Masjid sa Kufa; at siya ay binawian ng buhay bilang martir sa buwan ng Ramadan taong ika-(40) sa Hijri.
Ang mga kapakinabangan ng Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang kabawalan ng pagdarasal nang hindi nakapagsagawa ng Wudu’ sa pamamagitan ng tubig o lupa (Tayammum), at walang pagkakaiba dito ang ubligado at kusang loob na pagdarasal, pagpapatirapa dahilan sa pagbasa ng isang Talata (Sujud Tilawah), at pagpapatirapa dahilan sa pasasalamat at pagdarasal para sa patay (Salaatul Janazah).
2. Matatagpuan sa Hadith na ito ang katagang Tahreem (pagbabawal) at katagang Tahleel (pagpapahintulot)  sa Salah dahilan sa pagkakaroon ng kalituhan dito, sapagka’t ang Takbeer (Allaahu Akbar) ay simula ng pagbabawal sa mga dating ipinapahintulot sa labas nito at ang Tasleem (Assalamu alaykum warah matullaahi wa barakatuhu) ay simula ng pagpapahintulot sa mga ipinagbabawal habang isinasagawa ito.
3. Tinatawag ang pagpasok sa Salah na Tahreem dahilan sa ipinagbabawal nito ang pagkain, pag-inom at iba pang bagay na nakakabahala sa isang nagdarasal, kaya hindi maaring magsimulang magdasal maliban sa pamamagitan ng Takbeer, at ito ay ang: “Allaahu Akbar” na may kasamang layunin.
4. Ang Tasleem ang siyang nagpapalabas sa taong nagdarasal mula sa Salah at nagpapatapos dito, bagkus nagpapahintulot sa mga ipinagbabawal habang isinasagawa ito, ang ibig sabihin ng Tasleem dito ay ang pagsabi ng nagdarasal ng: “Assalaamu Alaykum wa rahmatullaahi” isang beses sa kanan at isang beses sa kaliwa.