ANG MGA KABUTIHAN NG HAJJ AT UMRAH

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 183

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

62- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang Umrah sa isang Umrah ay kapatawaran sa pagitan nito, at ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala maliban sa Paraiso”. Al-Bukhari [Hadith Bilang: (1773)] Muslim [Hadith Bilang: 437 – (1349)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay nagtuturo tungkol sa kabutihan ng maraming beses na pagsasagawa ng Umrah, sapagka’t ito ay nagpapawalang sala sa mga kasalanan na naganap sa pagitan ng dalawang Umrah, at ang tinutukoy na mga kasalanan dito ay ang mga maliliit at hindi ang mga malalaki; sapagka’t ang mga malalaking kasalanan ay napapawalang sala lamang sa pamamagitan ng wagas na pagbabalik-loob ayon sa mga alituntunin at mga kahilingan nito.
2. Ang Hadith na ito ay nagtuturo tungkol sa kadakilaan ng Hajj at Umrah, at ang Umrah sa isang Umrah ay kapatawaran sa pagitan nito, samantalang ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala maliban sa Paraiso.
3. Ang tanggap na Hajj ay yaong Hajj na isinaalang-alang ang mga alituntunin nito, at naipatupad batay sa kung anong ipinag-utos sa nagsasagawa nito sa ganap na pamamaraan.