AL-MIRAJ – ANG PAGLALAKBAY SA KALANGITAN

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 5

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Dumating si Anghel Gabriel kay Propeta Muhammad at sa mahimalang paraan, una siyang dinala sa Masjid Al Aqsa sa Jerusalem na ang layo ay karaniwan nang inaabot ng isang buwang paglalakbay mula sa Makkah sakay ng isang kamelyo.  Doon niya nakita ang mga naunang Propeta katulad nina Abraham, Moises, Hesus at iba pang Propeta at Sugong ipinadala ng Allah(U) dito sa daigdig.  Nagsagawa silang lahat ng pagdarasal at si Propeta Muhammad ang namuno sa kanila.

Habang sila ay naroroon, binigyan din siya ng dalawang basong naglalaman ng alak at gatas.  Pinapili siya sa pagitan ng dalawang inumin at kanyang pinili ang gatas.  Sa pangyayaring ito, sinabi sa kanya ni Anghel Gabriel: “Katotohanang ikaw ay napatnubayan sa tamang landas, nasa sa iyo ang tunay na katangian ng isang tao, at gayundin sa iyong mga tagasunod ay ipinagbabawal sa kanila ang alak.”

Pumaroon sa kalangitan si Propeta Muhammad at si Anghel Gabriel.  

Sa paglalakbay nilang ito, ipinag-utos ang pag-aalay ng Salaah (pagdarasal) ng limang beses maghapon na sa bawa't isa nito ay may nakalaang katumbas na sampung biyaya. Ang Salaah (pagdarasal) ay isa sa limang haligi ng pananampalatayang Islam.  Ito ay nagpapadalisay sa kaluluwa ng tao at ito rin ay isang napakadakilang kasiyahang pang ispiritwal.