MGA NAGANAP NA DIGMAAN

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 164

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Bagaman patuloy ang pagdami ng tumatanggap sa pananampalatayang Islam, marami pa rin ang tumututol sa paglaganap nito lalung-lalo na yaong mga pinuno ng mga sumasamba sa diyus-diyusan na kung saan nakasalalay ang kanilang kalakalan at impluwensiya sa mamamayan.

Dahil sa kanilang pagnanais na mawala nang tuluyan ang Islam, maraming pakana at sabwatan na humantong sa  sunud-sunod na labanan sa pagitan ng Muslim at di-nananampalataya. Isinagawa ng mga Muslim ang pakikipaglaban ng dahil sa Allah(U) lamang.  Ang ilan sa mga labanan na naganap ay ang sumusunod:

Ang Digmaan sa Badr ay may humigit-kumulang 300 sundalong Muslim.  Nagwagi ang mga Muslim.

Ang Digmaan sa Uhod ay binubuo ng 700 sundalong Muslim.  Nagapi ang mga Muslim dahil sa pagsuway nila sa Propeta.

Ang Digmaan sa “Trench”  (Hukay) ay may 3,000 sundalong Muslim.  Umatras ang mga taga Quraysh sa kanilang pananalakay kahit na sila’y may mahigit na 10,000 sundalo.

Ang Digmaan sa Hunayn ay may humigit-kumulang sa 12,000 sundalong Muslim at may 3,000 sundalo lamang ang kalaban. Bagaman marami ang bilang ng mga Muslim, ang biglaan at mabilisang pagsalakay ng kaaway ay nagdulot ng kaguluhan at pagkabalisa sa kanila na naging sanhi ng paglisan ng iba  papalayo mula sa lugar ng labanan.  Subali’t ang katatagan at katapangan ng ilang Muslim na nanatili ay nakapagbigay katatagan ng loob sa iba upang ipagpatuloy ang labanan na sa bandang huli’y nagbigay sa kanila ng tagumpay.  

Nagkaroon ng aral ang mga Muslim sa labanang ito tungkol sa kanilang pagmamalaki at pag-aakalang sapat na ang kahigitan ng kanilang bilang upang magwagi.  Kanilang napagtanto na nasa Kamay lamang ng Allah(U) ang tunay na tagumpay.

บริการ AI