NIFAAQ PAGKUKUNWARI

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 68

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang Nifaaq o Pagkukunwari ay may dalawang uri:

1 – Nifaaq Al-I'tiqaadi (Pagkukunwari sa paniniwala) 

Ang pagkukunwari sa paniniwala ay may anim na uri.  Sinumang gumawa nito ay malulublob sa Apoy ng Impiyerno:

Pagtatwa sa  Sugo ng AllahU.

b.  Pagtalikod sa anumang bahagi na ipinahayag sa sangkatauhan.

Pagkasuklam sa Sugo ng AllahU.

Pagkasuklam sa alinmang Banal na Mensahe (kapahayagan) na ipinahayag sa Sugo.

Kasiyahan sa paninira sa Islam.

Paghihinagpis o di-pagsang-ayon sa tagumpay na nakamit ng Islam.

2 – Nifaaq Al-Amali (Pagkukunwari sa Gawa)

Ang pagkukunwari sa gawa ay may limang uri katulad ng sinabi ng Sugo :

آيَةُ الْمُنَافِقِ ثَلَاثٌ إِذَا حَدَّثَ كَذَبَ وَإِذَا وَعَدَ أَخْلَفَ وَإِذَا اؤْتُمِنَ خَانَ.

"Ang mga palatandaan ng isang mapagkunwari ay tatlo: (1) kapag siya ay nagsalita, siya ay nagsisinungaling; (2) kapag siya ay nangako, hindi siya tumutupad; (3) kapag siya ay pinagkatiwalaan, siya ay hindi nagiging matapat."

Sa isang Hadith,

وَإِذَا خَاصَمَ فَجَر. وَإِذَا عَاهَدَ غَدَر.

"(4) Kapag siya  ay nakipagtalo o nakipag-away, siya ay nagiging salaula o mahalay; at (5) kapag siya ay nakipag-kasundo, siya ay nagiging taksil." 

บริการ AI