TAGHUT ANG KAHULUGAN AT ANG MGA PINUNO NITO

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 66

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang unang ipinag-utos ng AllahU ay ang pagsamba lamang sa Kanya at ang pag-iwas o pagtatwa sa Taghut (lahat ng uri ng sinasamba maliban sa Allah).  Ang AllahU ay nagpahayag:

             
"At katotohanan, Kami ay nagpadala sa bawa't Ummah (pamayanan o bansa) ng Sugo na nagpahayag, ‘sumamba sa Allah lamang at umiwas sa Taghut (lahat ng uri ng sinasamba maliban sa Allah)’."  (Al-Nahl- 16:36 )

Ang kahulugan ng pagtatwa sa Taghut ay ang maniwala sa kawalang-saysay, kawalang-halaga at kawalang-katotohanan ng anumang sinasamba maliban sa AllahU. Dapat itong iwanan, kasuklaman, at isumpa ang mga tagasunod nito at isagawa ang pakikipaglaban sa kanilang gawain.

Ang kahulugan ng paniniwala sa AllahU ay Siya lamang ang nag-iisang tunay na Diyos na dapat sambahin ng walang katambal. Nararapat ialay ang lahat ng uri ng pagsamba sa AllahU lamang. Karagdagan pa rito, nararapat mahalin ang mga matatapat na tao sa pagsamba sa AllahU at maging kaibigan sila. Nararapat din ninyong kamuhian ang mga tagasunod ng politeismo at makipaglaban sa kanilang ginagawa. Sa katunayan, ang pagsamba lamang sa AllahU ay ang relihiyon ni Abraham.  Sinuman ang lumihis mula dito, ginawa lamang niyang hangal ang kanyang sarili. Ito ay isang magandang halimbawa para sa atin na ipinakita sa Banal na Qur'an:

                                  
"Tunay na mayroong napakahusay na halimbawa para sa inyo sa katauhan ni Abraham at yaong sumusunod sa kanya, noong kanyang sinabi sa kanilang kalipi: Katotohanan kami ay malaya sa anumang inyong sinasamba bukod sa Allah.  Kayo ay aming tinanggihan, at may labanang nagsimula sa pagitan namin at sa inyo, at pagkasuklam magpakailanman hanggang sa kayo ay maniwala sa Allah lamang." (Al-Mumtahana-60:4)

Ang Taghut ay isang malawak na kataga na tumutukoy sa lahat ng bagay na sinasamba maliban sa AllahU. Ang pangma-ramihan katawagan nito ay Tawaaghit. Ang mga pangunahin o nangunguna sa mga Tawaaghit ay ang limang sumusunod:

Ang isinumpang si Satanas na nag-aanyaya sa tao na sumamba ng maliban sa Allah. Ang patunay ay ang salita ng AllahU sa Banal na Qur'an:

                  
"Hindi ba't ipinag-utos Ko sa inyo, o anak ni Adam, na huwag ninyong sambahin si Satanas. Katotohanan siya ay isang tahasang kaaway sa inyo." (Yaasin 36:60)

Ang pinuno na pinapalitan ang Batas ng AllahU (Batas Islamiko). Ang patunay ay ang salita ng AllahU sa Banal na Qur'an:

                                 
"Hindi mo ba nakikita yaong mga mapagkunwari na nag-aanking sila ay naniniwala sa ibinaba o ipinahayag sa iyo at sa mga ipinahayag sa mga nauna sa iyo, at nagnanais dumulog sa mga Taghut (maling pasya atbp.) upang humingi ng hatol o pagpapasya hinggil sa kanilang mga pinagtatalunan samantalang sila ay pinag-utusang tang-gihan ang mga ito. Subali't minimithi ni Satanas na iligaw sila ng landas." (an-Nisaa' 4:60) 
 
Ang isang taong nagbibigay pasya o hatol ng batas nang liban sa batas na ipinahayag ng AllahU. Ang patunay ay ang ipinahayag sa Banal na Qur'an:

            
"…At sinumang hindi maghatol ayon sa ipinahayag ng Allah, magkagayon sila ay Kaafirun (mga di-nananam-palataya)."  (Al-Ma'edah 5:44)

Sinumang nag-aangking may kahati siya sa AllahU hinggil sa Ilm al-Ghaib (kaalaman hinggil sa mga di-nakikita, mga nakalingid atbp.). Ang patunay ay ang sabi ng AllahU:

                        
"(Tanging Siya lamang) ang nakababatid ng Al-Ghaib (mga di-nakikita), at wala Siyang pinakitaan ng Kanyang Ghaib maliban sa Sugo (mula sa sangkatauhan) na Kanyang pinili. Pagkatapos Siya ay lumikha ng mga pangkat ng mga tagabantay (mga Anghel) upang magmasid sa harapan niya at sa likuran niya (bilang tagapangalaga). (Al-Jinn 72:26-27)

At gayundin:

                                     
"At sa Kanya ang pagmamay-ari ng mga susi ng Ghaib; walang sinumang nakababatid ng mga ito maliban sa Kanya. At alam Niya kung ano ang nasa kalupaan at sa karagatan. Walang dahong napipigtal na hindi Niya batid. Walang isang katiting na butil sa dilim ng kalupaan o anumang sariwa o tuyo kundi (ang lahat ng mga ito) ay nakatala sa Malinaw na Talaan." (Al-an-Am 6:59)

Ang isang taong nagpapahintulot na sambahin siya bilang diyos bukod pa sa AllahU. Ang patunay ay ang salita ng AllahU:

                  
"At kung sinuman sa kanila ang magsabi ng: 'Katotohanan ako ay isang ilah (diyos) bukod sa Kanya (Allah),' ang isang katulad  niya ay Aming papatawan ng Impiyerno. Sa ganito Namin binabayaran ang mga mapaggawa ng kasalanan."  (Al-Anbiya 21:29)

Nararapat malaman ng tao na hindi siya magiging tunay na naniniwala o nananampalataya maliban lamang kung kanyang itatwa at isumpa ang Taghut. Ang AllahU ay nagsabi:

                   
"Sinuman ang hindi maniwala sa Taghut, at maniwala sa Allah ay tunay na tumangan sa pinakamatatag na hawakang kailanma'y hindi mababali. Ang Allah ang Lubos na Naka-ririnig at Lubos na Maalam." (Al-Baqarah-2:256)

Ang tamang patnubay ay ang relihiyon na ipinadala ng AllahU kay Muhammad. Ang pinakamatatag na hawakan ay ang pagpapatotoo o pagsaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa AllahU. Ang pagsaksing ito ay kinapapalooban ng kapwa pagtatatwa at pagpapatunay: Ito ay pagtatatwa at pagtalikod sa anumang uri ng pagsamba sa iba maliban sa AllahU, at ang pagpapatunay ng pagsamba lamang sa AllahU – ang Isang Bukod-Tangi at walang anumang katambal.

Ang lahat ng papuri ay sa AllahU lamang. Ang mga mabubuting gawa ay naisasakatuparan at naisasagawa lamang sa pamamagitan ng Kanyang biyaya.