‘Hajj, Ang Banal na Paglalakbay

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 71

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang perigrinasyon (Banal na Paglalakbay) sa panahon ng ‘Hajj ay kautusan at obligasyong  itinakda ng Allah  sa tao upang ito ay gampanan. Ginawa rin ng Allah  ang ‘Hajj na isa sa mga mahahalagang haligi sa Relihiyong Islam. 

Sinabi ng Allah:


“Tungkulin ng tao sa Allah ang (maglakbay sa panahon ng) ‘Hajj sa Bahay (ang Kaabah), silang mga (tao na) may kakayahang tustusan ang daan (sa paglalakbay) dito.” (Al-Imran 3:97)

Mula sa Hadith ng Sugo ng Allah  ay kanyang sinabi: “Ang Islam ay itinayo sa lima (o limang haligi): Ito ang (Shahadatayn) pagtetestigo  na walang diyos maliban sa Allah  at si Muhammad  ay Sugo ng Allah  , ang pagsasagawa sa 






















mga pagdarasal (Salat), pagbabayad ng Kawanggawa (Zakat), ang (‘Hajj) paglalakbay sa Bahay , at (Sawm) Pag-aayuno sa (buwan ng) Ramadan. (Al-Bukhari)

Kung ang isang Muslim ay may katangiang kaya (ng kanilang katawan, kalusugan, kaisipan at pananalapi) ang paglalakbay na ito ay magiging  obligasyon sa kanila ang magsagawa ng ‘Hajj dahil ito ay tungkuling dapat maisagawa kahit minsan lang sa buong buhay ng isang Muslim. Ang ‘Hajj ay isa sa mga matataas na gawaing pagsamba sa Allah  na magkakamit nang malaking gantimpala.

Ang kasaysayan kung kailan nagsimula ang ‘Hajj ay walang nakakaalam, subalit mula sa mga panahong hindi maalaala ay alam nang karamihan na bago dumating ang panahon ni Propeta Muhammad  , Ang rituwal ng ‘Hajj ay dati nang isinasagawa ng mga salinlahi sa mga sinaunang panahon subalit sa ibang anyo at pamamaraan. Sa panahon ni Propeta Muhammad  ipinahayag ang wasto at tamang pamamaraan kung paano ito isasagawa.  
     
Ang Ka’abah, ang pinakaunang Bahay, sagrado at banal na pook na itinakda ng Allah  sa tao ay naitayong muli sa panahon ni Propeta Abraham  at ang kanyang panganay na anak na si Propeta Ismael .
 
Sinabi ng Allah:


“Katotohanan ang pinakaunang (Sagradong) Bahay na itinakda para sa sangkatauhan ay ang Bakkah (Makkah), pook na pinagpala at patnubay sa Al-Alamin (mga sangkatauhan at Jinn).” 
Ang dalangin ni  Propeta Abraham sa Allah  ay :


 “Panginoon ko! Gawin Mo ang lungsod na ito (Ang Makkah) na isa sa mga (pook na) mapayapa at (may) katiwasayan, at ilayo Mo kami at ang aking mga anak mula sa mga pagsamba sa mga diyus-diyosan  ”.
Ang panalangin na ito ay dininig ng Allah  at Kanyang binigyan ng utos  si Propeta Abraham  upang gumawa ng panawagan ukol sa sangkatauhan. 

Sinabi ng Allah  :


"At ipahayag ang ‘Hajj (Banal na Paglalakbay) sa sangkatauhan: (At) Sila ay makakarating sa iyo nang naglalakad at (nakasakay) sa bawat uri ng Kamelyong naghuhumapay nang dahil sa (tindi ng kanilang) mga nilakbay (mula) sa mga malalayo at malalalim (at maluluwang) na daan ng mga kabundokan ”.

Ang panawagan na ito ay kumalat at nakarating sa iba’t ibang dako ng daigdig at nagkaroon ito nang katugunan at katuparan. Nakikita at nasasaksihan natin na sa tuwing sumasapit ang ‘Hajj ay nagsisidatingan ang napakaraming bilang ng mga Muslim na nanggagaling mula sa dakong hilaga ng mundo hanggang timog at mula silangan hanggang kanluran at binubuo ito nang iba’t ibang pinanggalingang lahi at kulay. Silang lahat ay nagkakatagpo-tagpo sa iisang pook  at nagkakaisa sa mga rituwal na gawain sa dahilang sila ay may iisang paniniwala, layunin at landas na tinatahak upang magampanan ang isang banal na kautusang galing sa Allah . Ang ‘Hajj bilang pagsamba sa Allah  ay nangangailangan ng isang malinis at dalisay na pananampalataya. Bawat Muslim, lalaki man o babae ay kinakailangan sa kanila ang matuto at maging maingat sa pagsasagawa sa banal na paglalakbay na ito, at tiyaking mabuti na ang lahat ng salapi at kayamanang gugugulin nila ay nanggaling lahat sa malinis na pamamaraan lalung-lalo na ang kanilang panloob na hangarin at panlabas na gawain, na iyon ay para sa Allah  lamang dahil ang Allah  ay dalisay. At dalisay na mga bagay at mga pagsamba lamang ang Kanyang tatanggapin.  
 
Kinakailangan sa mga perigrino ang magkaroon nang tamang kaalaman sa mga alituntunin ng ‘Hajj at wastong pamamaraan kung papaano isinasagawa at isinasakatuparan ang mga  rituwal nito. Ganoon din ang sapat na kaalaman nang lahat sa mga gawain at mga pagsambang salungat sa rituwal at makakasira sa pagkasagrado ng ‘Hajj. Katulad ng pagdarasal sa libingan ng Propeta  at sa libingan ng kanyang pamilya at kasamahan at humingi sa kanila ng  tulong o biyaya o di kaya ay humingi ng pagpapala mula sa mga makasaysayang pook sa Makkah at Madinah katulad sa kuweba ng Hira o sa bundok ng Thaur o sa Jannatul Baqi’ na ang lahat ng ito ay mga pagsambang hindi naaayon sa Sunnah o Tradisyon ng Propeta Muhammad  at lihis sa katuruan ng Islam na ito ay siyang magiging sanhi ng makapagpapawalang-bisa sa panuntunan at kahalagahan ng ‘Hajj. Ang ‘Hajj ay panahon nang pagsisisi sa mga kasalanang nagawa at paghingi ng kapatawaran sa Allah  . Kaya higit na ipinapayo sa mga taong may layuning isagawa ang banal na paglalakbay na ito ang magpakumbaba para sa Allah  at ayusing mabuti ang kanilang mga obligasyon sa kapuwa katulad ng utang kung mayroon, makipag-ayos sa mga bagay na hindi napagkakaunawaan sa pagitan niya at nang kanyang mga kamag-anak at kaibigan at humingi ng kapatawaran o paumanhin sa mga taong kanyang inapi, inagrabayado o sinaktan dahil sa pagkalimot o pagkakamali at ang magbigay ng huling habilin bago siya maglakbay dahil bilang isang manlalakbay sa panahon ng ‘Hajj ay dapat isipin muna natin kung tayo pa kaya ay makakabalik pa ng buhay? At kung sakaling hindi ay ipanatag natin ang ating kalooban na sa ating pagpanaw, tayo ay nasa landas patungo sa Allah  at tayo nawa ay tanggapin Niya sa Kanyang Paraiso .

Sinabi ng Propeta Muhammad  : 
 الحج المبرور ليس له جزاء إلا الجنة.   أخرجه البخاري و مسلم
 “Ang tanggap na ‘Hajj ay walang ibang gantimpala maliban sa Paraiso.” (Bukhari at Muslim)

ANG TALAHANAYAN NG MGA URI NG ‘HAJJ:



‘HAJJ
TAMATTU’


‘HAJJ
QIRAN


‘HAJJ
IFRAD
*
Ihram para sa Umrah


Ihram para sa Umrah at ‘Hajj


Ihram para sa ‘Hajj lamang.


Tawaf


Tawaf


Tawaf **


Sa’iey


Sa’iey


Sa’iey **


Dito nagtapos ang Umrah


Dito nagtapos ang Umrah




8
Ihram para sa ‘Hajj










Manirahan sa Mina


Manirahan sa Mina


Manirahan sa Mina
9
‘Arafat


‘Arafat


‘Arafat
10
Muzdalifah


Muzdalifah


Muzdalifah


Jamarat al ‘Aqabah


Jamarat al ‘Aqabah


Jamarat al ‘Aqabah


Pagkatay sa hayop na pang-alay


Pagkatay sa hayop na pang-alay






Pagpuputol ng buhok


Pagpuputol ng buhok


Pagpuputol ng buhok


Tawaf al Ifadah at Sa’iey


Tawaf al Ifadah 


Tawaf al Ifadah 
11
 Pagbabato sa Jamarat-


Pagbabato sa Jamarat


Pagbabato sa Jamarat
12
 Pagbabato sa Jamarat


 Pagbabato sa Jamarat


 Pagbabato sa Jamarat
13
 Pagbabato sa Jamarat


 Pagbabato sa Jamarat


 Pagbabato sa Jamarat
*
Tawaf al Wada o  Pamamaalam


Tawaf al Wada o Pamamaalam


Tawaf al Wada o
Pamamaalam


Pagpapaliwanag Sa Mga Katawagan :

1. Ihram: Ito ang dalawang pirasong mapuputing tela na isinusuot ng mga perigrinong lalaki, ang pang-itaas ay tinatawag na RIDA at ang pang-ibaba ay ‘IZZAR subalit ang Ihram para sa mga babae ay kahit anong uri ng damit na maibigan nila subalit sa kondisyon na wala sa kanilang mga aurat ang nakalabas (ang aurat ng mga babae ay ang kanilang buong katawan maliban sa mukha, kamay at paa subalit kung sila ay nakaharap sa mga lalaking hindi nila mahram ay higit na kanais-nais kung takpan nila ang kanilang mukha). Bago isuot ang Ihram ay nararapat sa isang tao ang maglinis muna ng katawan sa pamamaraan ng paliligo at pag-aahit ng buhok sa kili-kili at sa maselang bahagi ng katawan (pubic hairs), magputol ng mga kuko, at lalung kanais-nais kung magpapahid siya ng pabango sa katawan bago isuot ang Ihram. Ang Ihram ay Karapat-dapat  na maisuot sa Miqat. 

Kung sakaling hindi maisuot ng perigrino ang Ihram sa dinaanan niyang Miqat o himpilan ay kinakailangang bumalik siya sa Miqat at ulitin ang pagsusuot ng Ihram. Ang pagpapawalang bahala dito ay magkakamit ng (Fidya) multa, o bilang kabayaran ay kinakailangang magkatay ng isang tupa o kambing at ipakakain ito sa mga mahihirap sa Makkah.

Ang Layunin (Niyyat)  sa paglalagay ng Ihram ay “ LABBAYKA ‘UMRATAN (sa panahon ng Umra) at “LABBAYKA ‘HAJJAN” (sa panahon ng ‘Hajj)”. Ang niyyat ng mga taong magsasagawa ng ‘Hajj para sa iba ay “LABBAYKA ALLAAHUMMA ‘AN: .…………..……………. Pagkatapos maisuot ang Ihram ay magtungo sa Masjid ng Miqat at magdasal doon ng dalawang rak’at na sunnah. Tungkol naman sa mga babaing may regla o kagagaling lang sa panganganak ay dapat na rin silang maligo, maglinis ng katawan at isuot ang kanilang Ihram.