Mga Uri ng Tawaf

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 65

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Tawaf Al-Qudoom: ito ang Tawaf sa pagdating, at ito ay kasama sa mga sunnat ng Hajj at Umrah.
Tawaf Al-Ifadah o Tawaf Al-Ziyarah: ito ay tawaf na kasama sa mga Rukn o Haligi ng Hajj at ito ay Fardh o Obligasyon dahil kapag hindi ito naisagawa ang Hajj ay hindi tatanggapin at kinakailangang ulitin.
Tawaf Al-Wada: ito ang Tawaf na Pamamaalam at ito ay kasama sa mga wajib ng ‘Hajj. Kung ito ay hindi naisagawa ay hindi nanga-ngahulugan na ang ‘Hajj ay sira bagkus ito ay nangangailangan lang ng Fidya o multa ng pagkatay ng isang tupa o kambing sa nasasakupan ng Makkah.

4. Ang Sa’iey: ito ang paglalakad ng pitong ulit o beses sa pagitan ng dalawang bundok, ang Safa at Marwah. Ang layo sa pagitan ng Bundok Safa at Marwah ay halos kalahating (1/2) kilometro, samakatuwid ang pitong ulit o  beses na paglalakad sa bawat linya ay humigit kumulang ng tatlo at kalahating (3.5) kilometro.








Ang Safa at Marwah ay matatagpuan sa bandang silangan ng Kaabah. Ang Sa’iey ay mag-uumpisa sa Bundok ng Safa, Umakyat ka dito, at humarap sa Kaabah, bigkasin ang Takbeer (Ang Allaho Akbar) ng tatlong beses at bigkasin ang:

”Innas Safa wal marwata min sha’a-irillahi, Faman ‘Hajjal Bayta awi’tamara fala junaa’ha ‘alayhi ayyattawwafa bihima, waman ta’tawwa’a ‘khayran fa innallaha sha-kiron ‘aleem . Ang kahulugan ay: “Katotohanan, ang Safa at Marwah ay kasama sa mga palatandaan ng Allah  . Kaya, ang sinuman ang isagawa ang ‘Hajj at ‘Umrah sa Bahay (Ang Kaabah) ay hindi niya kasalanan na magsagawa ng Sa'ey (paglalakad ng pitong ulit sa pagitan nito), at sinumang kusang-loob na gumawa ng kabutihan, samakatuwid ang Allah ay Lubos na Tumatanggap (sa mga mabubuting gawa) ang Lubos na Maalam. (ulit-ulitin ang panalangin na ito sa tuwing umaakyat sa Bundok ng Safa at Marwah.), at ibuka ang iyong mga palad at manalangin: “ La-Ilaaha Illallahu wa’hdahu La shareekaLah, Lahul mulku walahul ‘Hamd, Wa Huwa ‘alaa kulli shay’in Qadeer, La-Ilaha Illallahu wa’hdah anjaza wa’dah, wa nasara ‘abdah wahazamal ahzaaba wa’hdah.”
 ((لاَ إِلَـهَ إِلاَّ الله وَحْدَهُ لاَ شَرِيْكَ لَهُ ، لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ، وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرٌ ،لاَ إِلَـهَ إِلاَّ اللهُ وَحْدَهُ ، أَنْجَزَ وَعْدَهُ وَنَصَرَ عَبْدَهُ وَهَزَمَ اْلأَحْزَابَ وَحْدَهُ))  
Bumaba mula Safa patungong Marwah at maglakad ng mahinahon subalit pagsapit mo sa unang lugar na may palatandaang guhit na kulay berde ay kailangang bilisan mo (sa mga lalaki) ang iyong paglakad hanggang sa pangalawa o kahuli-hulihang palatandaang guhit na kulay berde. Sa iyong paglalakad ay kailangang may kasamang Dhikr para sa Allah  at manalangin sa iyong mga kagustuhang mga panalangin para sa iyo at sa iyong pamilya, at sa lahat ng mga Muslim pangkalahatan (dahil walang nakatakdang panalangin dito) o magsaulo ng mga taludtod mula sa Banal na Qur’an. Pagsapit sa bundok ng Marwah ay umakyat dito at manalangin kahalintulad ng mga panalanging binanggit mo sa bundok ng Safa at manalangin din para sa iyong sarili, sa iyong pamilya at para sa lahat ng mga Muslim. Dito nagtapos ang bilang isa ng pagsa-sa’iey. Ulitin mo ang unang pamamaraang ginawa mo sa unang pagsa-sa’iey hanggang pito at dapat ang pinakahuli o ang pang-pitong paglalakad ay sa Bundok ng Marwah ito magtatapos. Huwag kalilimutan na ang mga babaeng nireregla ay hindi pinapayagang magsagawa ng sa’iey maliban kung sila ay nasa malinis at dalisay na katayuan o kalagayan.

Mga Batayan O Kondisyon Sa Pagsasagawa Ng Sa’iey:
Ang hangaring pagsunod sa kautusan ng Allah  .
Ang Tawaf ay dapat unang maisagawa bago ang  Sa’iey.
Huwag putulin ang pag-ikot sa Sa’iey subalit mga maiiksing tigil ay pinapayagan kung ito ay kailangan.
Dapat buuin ang pitong pag-ikot dahil  sakali mang ito ay kumulang ay mananatiling kulang (ang  Sa’iey).

Mga Etikita Ng Sa’iey

Ang mag-umpisa sa bundok ng  Safa at ang pagbigkas sa panalanging ito:

” Innas   Safa wal marwata min sha’a-irillahi, Faman ‘Hajjal Bayta awi’tamara fala junaa’ha ‘alayhi ayyattawwafa bihima, waman ta’tawwa’a ‘khayran fainnallaha sha-kirun ‘aleem “
 (Ang kahulugan ay: “Katotohanan, ang Safa at Marwah ay kasama sa mga palatandaan ng Allah . Kaya, ang sinuman ang isagawa ang ‘Hajj at ‘Umrah sa Bahay (Ang Kaabah) ay hindi, at kung mayroon mang gumawa dito ng kusang-loob, tiyak ang Allah  ay  Lubos na nagbibigay nang tanaw at lubos na maalam.)
Kinakailangang nasa malinis at dalisay na katayuan o kalagayan.
Maglakad na nakayapak lamang at kung maaari ay walang kahirapang mararanasan.
Ang gunitain ang Allah  at palaging manalangin sa Kanya.
Ibaba ang mga paningin sa mga babae at iwasang magsalita ng mga hindi kanais-nais na pananalita.
Huwag manakit sa kapwa perigrino o sa mga dumadaan at sa mga nakakasabay sa paglalakad.
Ang magpakita nang pagpapakumbaba sa Allah .

5. ANG TALBIYYAH :
Labbaika Allahumma Labbaik, Labbaika La-Sharika Laka Labbaik, Innal Hamda, Wanni-‘Mata Laka Wal Mulk, La Sharika Lak.

لَبَّيْكَ اللَّهُمَّ لَبَّيْكَ، لَبَّيْكَ لاَشَرِيكَ لَكَ لَبَّيْكَ ، إِنَّ الْحَمْدَ وَ النِّعْمَةَ لَكَ وَ الْمُلْكَ ، لاَ شَرِيكَ لَكَ .
Ang Kahulugan : 

Ako ay tumugon sa Iyong Panawagan, O! Allah, Ako ay tumugon sa Iyong Panawagan at ako ay masunurin sa Iyong mga Kautusan, Ikaw ay walang katambal, ako ay tumugon sa Iyong Panawagan, Ang lahat ng papuri at mga pagpala ay para sa Iyo (lamang), ang kataas-taasang kapangyarihan ay para sa Iyo at Ikaw ay walang katambal.