Ang Kahulugan ng Pangungusap ng Tawḥīd: Walang Diyos Kundi si Allāh

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 1

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang pangunahing panuntunan ng Relihiyong Islām ay ang Pangungusap ng Tawḥīd: Walang Diyos kundi si Allāh. Kung wala ang matatag na panuntunang ito, hindi maitatayo ang matayog na estruktura ng Islām. Tunay na ito ay ang kauna-unahang pangungusap na kinakailangan na bigkasin ng pumapasok sa Relihiyong Islām, habang sumasampalataya rito, habang naniniwala sa lahat ng mga kahulugan nito at mga ipinahihiwatig nito. Kaya ano ang kahulugan ng [pangungusap na] walang Diyos kundi si Allāh?
[Ang pangungusap na] walang Diyos kundi si Allāh ay nangangahulugang:
* Walang Tagalikha ng kairalan kundi si Allāh.
* Walang Tagapagmay-ari at Tagapangasiwa sa kairalang ito kundi si Allāh.
* Walang sinasambang naging karapat-dapat sa pagkasinasamba kundi si Allāh.
Si Allāh ay ang lumikha ng malawak na marikit na kagila-gilalas na Sansinukob na ito: ang langit na ito kalakip ng mga bituin nitong naglalakihan at mga planeta nitong umiinog, na umiinog sa isang pinahusay na sistema at isang kahanga-hangang pagkilos, na walang humahawak sa mga ito kundi si Allāh; at ang lupang ito kalakip ng mga bundok nito, mga lambak nito, mga burol nito, at mga ilog nito, kalakip ng mga punong-kahoy nito at mga pananim nito, kalakip ng hangin nito at tubig nito, kalakip ng katihan nito at karagatan nito, kalakip ng gabi nito at maghapon nito, at kalakip ng sinumang tumira rito at sinumang naglakad dito. Lumikha sa mga ito si Allāh lamang at nagpairal sa mga ito mula sa kawalan.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya) sa Marangal na Aklat Niya:
(وَالشَّمْسُ تَجْرِي لِمُسْتَقَرٍّ لَهَا ذَلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ*وَالْقَمَرَ قَدَّرْنَاهُ مَنَازِلَ حَتَّى عَادَ كَالْعُرْجُونِ الْقَدِيمِ*لا الشَّمْسُ يَنْبَغِي لَهَا أَنْ تُدْرِكَ الْقَمَرَ وَلا اللَّيْلُ سَابِقُ النَّهَارِ وَكُلٌّ فِي فَلَكٍ يَسْبَحُونَ)[يـس:38 -40].
 {Ang araw ay umiinog para sa isang pagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam. Ang buwan ay nagtakda Kami rito ng mga yugto hanggang sa nanumbalik ito gaya ng buwig na magulang. Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan at ang gabi ay hindi mauuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy.} (Qur'ān 36:38-40) 
(وَالْأَرْضَ مَدَدْنَاهَا وَأَلْقَيْنَا فِيهَا رَوَاسِيَ وَأَنْبَتْنَا فِيهَا مِنْ كُلِّ زَوْجٍ بَهِيجٍ*تَبْصِرَةً وَذِكْرَى لِكُلِّ عَبْدٍ مُنِيبٍ*وَنَزَّلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً مُبَارَكاً فَأَنْبَتْنَا بِهِ جَنَّاتٍ وَحَبَّ الْحَصِيدِ*وَالنَّخْلَ بَاسِقَاتٍ لَهَا طَلْعٌ نَضِيدٌ)[ق:7-10].
{Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat uring marilag, bilang pagpapakita at bilang paalaala para sa bawat lingkod na nagsisising nagbabalik. Nagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na biniyayaan saka nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga hardin at mga butil na inaani, at mga puno ng datiles, habang mga pumapaitaas na may bunga na patung-patong,} (Qur'ān 50:7-10)
Ito ay nilikha ni Allāh (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan). Gumawa Siya sa lupa bilang pamamalagian at naglagak Siya rito ng katangian ng grabitasyon ayon sa sukat na nagkakaangkupan sa pangangailangan ng buhay rito, kaya naman hindi lumalabis para humirap ang pagkilos dito at hindi kumakaunti para magliparan ang mga buhay mula rito. Bawat bagay sa ganang Kanya ay ayon sa sukat.
Nagpababa Siya mula sa langit ng tubig na kadali-dalisay na hindi mananatili ang buhay malibang sa pamamagitan nito: 
(وَجَعَلْنَا مِنَ الْمَاءِ كُلَّ شَيْءٍ حَي)[الأنبياء:30]
{Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay.} (Qur'ān 21:30) Kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga halaman at mga bunga, nagpainom Siya sa pamamagitan nito sa mga hayupan at tao, at naghanda Siya sa lupa upang mag-ingat nito saka nagpatahak Siya nito sa lupa sa mga bukal at mga ilog.
Nagpatubo Siya sa pamamagitan nito ng mga hardin na may dilag dahil sa mga punong-kahoy ng mga ito, mga bulaklak ng mga ito, mga rosas ng mga ito, at mapanghalinang karikitan ng mga ito. Si Allāh ay ang nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya at nagsimula ng paglikha ng tao mula sa putik.
Tunay na ang kauna-unahang tao na nilikha ni Allāh ay ang ama ng Sangkatauhan, si Adan (sumakanya ang pangangalaga). Lumikha Siya ng tao mula sa putik. Pagkatapos humubog Siya rito, nagbigay-anyo Siya rito, at umihip Siya rito mula sa Espiritu Niya. Pagkatapos lumikha Siya mula rito ng asawa nito. Pagkatapos gumawa Siya sa mga inapo nito mula sa isang hinango mula sa isang tubig na aba.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): 
(وَلَقَدْ خَلَقْنَا الْأِنْسَانَ مِنْ سُلالَةٍ مِنْ طِينٍ*ثُمَّ جَعَلْنَاهُ نُطْفَةً فِي قَرَارٍ مَكِينٍ*ثُمَّ خَلَقْنَا النُّطْفَةَ عَلَقَةً فَخَلَقْنَا الْعَلَقَةَ مُضْغَةً فَخَلَقْنَا الْمُضْغَةَ عِظَاماً فَكَسَوْنَا الْعِظَامَ لَحْماً ثُمَّ أَنْشَأْنَاهُ خَلْقاً آخَرَ فَتَبَارَكَ اللَّهُ أَحْسَنُ الْخَالِقِينَ)[المؤمنون:12-14].
{Talaga ngang lumikha Kami ng tao mula sa isang hinango mula sa isang putik. Pagkatapos gumawa Kami sa kanya na isang patak sa isang pamamalagiang matibay. Pagkatapos lumikha Kami sa patak bilang malalinta, saka lumikha Kami sa malalinta bilang kimpal ng laman, saka lumikha Kami sa kimpal ng laman bilang mga buto, saka bumalot Kami sa mga buto ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa gawa sa mga tagalikha.} (Qur'ān 23:12-14) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya): 
(أَفَرَأَيْتُمْ مَا تُمْنُونَ*أَأَنْتُمْ تَخْلُقُونَهُ أَمْ نَحْنُ الْخَالِقُونَ*نَحْنُ قَدَّرْنَا بَيْنَكُمُ الْمَوْتَ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوقِينَ*عَلَى أَنْ نُبَدِّلَ أَمْثَالَكُمْ وَنُنْشِئَكُمْ فِي مَا لا تَعْلَمُونَ)[الواقعة:58-61].
{Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]? Kayo ba ay lumilikha niyon o Kami ay ang Tagalikha? Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan at Kami ay hindi nauunahan na magpalit Kami ng mga tulad ninyo at magpaluwal Kami sa inyo sa hindi ninyo nalalaman.} (Qur'ān 56:58-61) Magbulay-bulay ka sa pagkalikha ni Allāh sa iyo, makatatagpo ka ng isang paghanga sa mga tumpak na organo at mga eksaktong sistema na wala kang nalalaman sa mga operasyon ng mga ito kundi kaunti, huwag nang sabihin na makakontrol ka sa mga ito. Mayroon itong isang organong pinagsama-sama para sa pagtunaw ng pagkain, na nagsisimula sa bibig, na nagpipira-piraso ng pagkain sa mga maliliit na piraso upang mapadali ang pagtunaw (digestion) ng mga ito. Pagkatapos ang lalaugan (pharynx), pagkatapos ibinabato ang isinubo patungo sa bagtingan (larynx) para magbukas para rito ang epiglottis (uvula) sa pinto ng esopago at magsara rito ang pinto ng lalagukan (trachea), pagkatapos dudulas ang isinubo patungo sa sikmura sa pamamagitan ng esopagong kumikilos nang mga kilos na malabulati. Sa sikmura (stomach) nagpapatuloy ang operasyon ng pagtunaw kung saan nagbabagong-anyo ang pagkain para maging isang likidong pagbubuksan ng pagbukas ng bantay-pinto sa sikmura at dadako ito sa duodenum (isang maikling bahagi ng maliit na bituka) kung saan nagpapatuloy ang operasyon ng pagtunaw na siyang pagpapalit-anyo ng hilaw na materyal mula sa pagkain para maging isang naangkop na materyal na nababagay para sa pagdudulot-sustansiya sa mga selula (cell) ng katawan. Pagkatapos mula rito, patungo naman sa maliliit na bituka kung saan makukumpleto ang mga pangwakas na operasyon ng pagtunaw at ang pagkain sa anyong ito ay magiging nababagay para masipsip sa pamamagitan ng mga villus na naririyan sa bituka upang dumaloy kasabay ng agos ng dugo. Mayroong organong pinagsama-sama para sa sirkulasyon ng dugo na nakakalat sa mga masikot na arterya, na kung sakaling binanat mo ang mga ito ay talagang lalabis ang haba ng mga ito sa libu-libong kilometro, na nakadugtong sa sentralisadong estasyon ng bomba (pump) na tinawag na puso, na hindi napapata at hindi nagsasawa sa pagsasalin ng mga dugo sa pamamagitan ng mga arteryang iyon.
Mayroong isa pang organong para naman sa paghinga, may ikaapat para sa mga nerbiyo (nerve), may ikalima para sa pagpapalabas ng mga dumi, may ikaanim, ikapito, at may ikasampu, na nadaragdag tayo sa bawat araw na pagkakaalam hinggil sa mga ito. Ang hindi natin nalalaman kaugnay sa mga ito ay higit na marami kaysa sa nalalaman natin. Kaya sino ang lumikha sa taong ito kalakip ng kahusayang ito kundi si Allāh?
Dahil doon, tunay na ang pinakamabigat na kasalanan sa kairalan ay na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo.
Humayo ka nang may isang pusong nakabukas at isang espiritung malinis at magbulay-bulay ka sa kagila-gilalas sa pagkakayari ni Allāh (napakataas Siya). Itong hangin na sinisinghot mo at nanunuot sa iyo sa bawat lugar nang walang kulay na nagpapalabo sa mga paningin, kung sakaling naputol ito sa iyo ng mabibilang na minuto, talaga sanang naalisan ka ng buhay. Tunay na ang tubig na ito na iniinom mo, ang pagkaing iyon na kinakain mo, ang taong ito na iniibig mo, ang lupang ito na nilalakaran mo, at ang langit na iyon na pinagmamasdan mo, lahat ng nakikita ng dalawang mata mo at hindi mo nakikita na mga nilikha na malaki man o maliit, lahat ng iyon ay kabilang sa nilikha ni Allāh, ang Palalikha, ang Maalam.