Ang mga uri ng pagsamba na ipinag-uutos ni Allāh

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 238

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang mga uri ng pagsamba na ipinag-uutos ni Allāh ay ang tulad ng islām (pagpapasakop), īmān (pananampalataya), at iḥsān (paggawa ng maganda). Kabilang din dito ang du`ā' (pagdalangin), ang khawf (pangamba), ang raja` (pag-aasam), ang tawakkul (pananalig), ang raghbah (pagmimithi), ang rahbah (pangingilabot) ang khushū` (pagpapakumbaba), ang khashyah (takot), ang inābah (nagsisising pagbabalik), ang isti`ānah (pagpapatulong), ang isti`ādhah (pagpapakupkop), ang istighāthah (pagpapasaklolo), ang dhabḥ (pag-aalay), ang nadhr (pamamanata), at iba pa roon na mga uri ng pagsamba na ipinag-utos ni Allāh. Ang lahat ng ito ay ukol kay Allāh. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَأَنَّ ٱلۡمَسَٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدۡعُواْ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدٗا١٨﴾ [الجن: 18]
 {Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.}
Kaya ang sinumang nagbaling mula sa mga ito ng anuman sa iba pa kay Allāh, siya ay isang tagapagtambal na tagatangging sumampalataya. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَمَن يَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ لَا بُرۡهَٰنَ لَهُۥ بِهِۦ فَإِنَّمَا حِسَابُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ ١١٧﴾ [المؤمنون: 117]
 {Ang sinumang nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, na walang patotoo para sa kanya rito, ang pagtutuos sa kanya ay nasa Panginoon niya lamang. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya.}
Sa ḥadīth naman: {Ang panalangin ay ang pinakadiwa ng pagsamba.}Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿وَقَالَ رَبُّكُمُ ٱدۡعُونِيٓ أَسۡتَجِبۡ لَكُمۡۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِي سَيَدۡخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ٦٠﴾ [غافر: 60]
{Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}
Ang patunay ng khawf (pangamba) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿... فَلَا تَخَافُوهُمۡ وَخَافُونِ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ ١٧٥﴾ [آل عمران: 175]
{kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin kung kayo ay naging mga mananampalataya.}.
Ang patunay sa rajā' (pag-aasam) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿.... فَمَن كَانَ يَرۡجُواْ لِقَآءَ رَبِّهِۦ فَلۡيَعۡمَلۡ عَمَلٗا صَٰلِحٗا وَلَا يُشۡرِكۡ بِعِبَادَةِ رَبِّهِۦٓ أَحَدَۢا١١٠﴾ [الكهف: 110]
{Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.}
Ang patunay sa tawakkul (pananalig) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿… وَعَلَى ٱللَّهِ فَتَوَكَّلُوٓاْ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ ٢٣﴾ [المائدة: 23]
{Kay Allāh ay manalig kayo, kung kayo ay *naging mga mananampalataya.}
﴿… وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَهُوَ حَسۡبُهُ ...﴾ [الطلاق: 3]
 {Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito.}
Ang patunay sa raghbah (pagmimithi), rahbah (pangingilabot), at khushū` (pagpapakumbaba) ay ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): 
﴿.... إِنَّهُمۡ كَانُواْ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَيَدۡعُونَنَا رَغَبٗا وَرَهَبٗاۖ وَكَانُواْ لَنَا خَٰشِعِينَ ٩٠﴾ [الأنبياء: 90]
{Tunay na sila noon ay nakikipagmabilisan sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga tagapagpakumbaba.}
Ang patunay sa khashyah (takot) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿... فَلَا تَخۡشَوۡهُمۡ وَٱخۡشَوۡنِۚ ...﴾ [المائدة: 3]
{kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Akin.}
Ang patunay sa inābah (nagsisising pagbabalik) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَأَنِيبُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ وَأَسۡلِمُواْ لَهُۥ ...﴾ [الزمر: 54]
{Nagsisising bumalik kayo sa Panginoon ninyo at magpasakop kayo sa Kanya}.
Ang patunay sa isti‘ānah (pagpapatulong) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿إِيَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِيَّاكَ نَسۡتَعِينُ٥﴾ [الفاتحة: 5]
{Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}
Sa ḥadīth naman: {Kapag magpapatulong ka ay magpatulong ka kay Allāh.}
Ang patunay sa isti`ādhah (pagpapakupkop) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿قُلۡ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلنَّاسِ١ مَلِكِ ٱلنَّاسِ٢﴾ [الناس: 1-2]
{1. Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao, 2. na Hari ng mga tao,}
Ang patunay sa istighāthah (pagpapasaklolo) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿إِذۡ تَسۡتَغِيثُونَ رَبَّكُمۡ فَٱسۡتَجَابَ ....﴾ [الأنفال: 9]
{[Banggitin] noong nagpapasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tumugon Siya sa inyo}
Ang patunay sa dhabḥ (pag-aalay) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿قُلۡ إِنَّ صَلَاتِي وَنُسُكِي وَمَحۡيَايَ وَمَمَاتِي لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ١٦٢ لَا شَرِيكَ لَهُۥۖ وَبِذَٰلِكَ أُمِرۡتُ وَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ ١٦٣﴾ [الأنعام: 162-163]
{162. Sabihin mo: "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang – 163. walang katambal sa Kanya. Gayon nag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim."}
Mula naman sa Sunnah: {Isinusumpa ni Allāh ang sinumang nag-alay ng hayop sa iba pa kay Allāh.}
Ang patunay sa nadhr (pamamanata) ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا٧﴾ [الإنسان: 7].
{Nagpapatupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.}.

บริการ AI