ISLAM MADALING PANANAMPALATAYA

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 25

Thêm vào yêu thích : 0

2- عَنْ عَبْدِ اللهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ: النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ
وَسَلَّمَ: "‏الْجَنَّةُ أَقْرَبُ إِلَى أَحَدِكُمْ مِنْ شِرَاكِ نَعْلِهِ، وَالنَّارُ مِثْلُ ذَلِكَ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 6488).
2- Si Abdullah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng
Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Propeta ()
ay nagsabi: “Ang Paraiso ay napakalapit sa isa sa inyo
kaysa sa talampakan ng kanyang sapatos, at ang Apoy
ng Impiyerno ay katulad din niyaon”]. Al-Bukhari
[Hadith bilang: (6488)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Mas`uod, isa sa mga
pinakamaalam at kilala sa mga Sahabah, siya rin ang

Mga Piling Hadith
11
pinakamahusay sa pagbasa ng Qur’an sa mga
Sahabah, at umabot ng (848) na Hadith ang kanyang
naiulat, at marami siyang nasalihan na pakikipaglaban
kasama ng Sugo (), at kasama rin siyang nakibaka sa
labanan sa Yarmuk pagkatapos ng pagkamatay ng
Sugo (), at siya ay ipinadala ni Umar ibn Al-Khattab
sa Kufa upang turuan ang mga tao roon tungkol sa
mga bagay na bahagi ng kanilang pananampalataya,
at pagkaraan ay hinalal siya rito ni Uthman ibn Affan
bilang gobernador, at pagkatapos ay inutusan siyang
bumalik sa Madinah, siya ay binawian ng buhay sa
Madinah taong ika-32 sa Hijri, sa edad niyang humigit
ng (60) taon, at siya ay nailibing sa Baqi.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang talampakan ng sapatos ay sadyang napakalapit
sa tao, kung kaya’t ito ang ginawang talinghaga sa
pagkalapit.
2. Ang Islam ay isang relihiyon na maluwag at madali;
kaya’t ang mga paniniwala rito ay maluwag, walang
kalabuan at kahirap-hirap, at ang mga gawaing
pagsamba rito ay madali, walang pagpapahirap at

Mga Piling Hadith
12
walang pagpapagod, at ang mga kaugalian nito ay
matataas, walang sumasalungat sa kalikasan, ni hindi
lumalabas sa apurang pangangailangan ng matinong
pag-iisip at mabuting tradisyon.
3. Itinuturo rin ng Hadith na ito na ang pagkamit sa
Paraiso ay madali, ito ay sa pamamagitan ng
pagtuwid sa pananalig at paggawa ng pagsunod, at
gayundin naman na madali ang pagtamo sa Apoy ng
Impiyerno sa pamamagitan ng pagsunod sa pithaya
at paggawa ng kasalanan; kung kaya’t hindi maaaring
maliitin ang alinman sa maliliit na kabutihan para sa
paggawa nito, at hindi rin maaaring hamakin ang
alinman sa maliliit na kasamaan para sa pag-iwas
nito, sapagka’t hindi niya batid ang anumang
kabutihan na maaaring ikakahabag sa kanya ng Allah,
at gayundin ang kasamaan