KAGANDAHANG ASAL SA PAGKAIN

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : English

Lượt xem : 1

Thêm vào yêu thích : 0

14- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُماَ، أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ
عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "إِنَّ الْبَرَكَةَ تَنْزِلُ وَسَطَ الطَّعَامِ؛ فَكُلُوْا مِنْ
حَافَّتَيْهِ، وَلاَ تَأْكُلُوْا مِنْ وَسَطِهِ".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 1805، واللفظ له، وسنن أبي
داود، رقم الحديث 3772، وسنن ابن ماجه، رقم الحديث
3277، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه: حسن
صحيح، وصححه الألباني).
14- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay
nagsabi: “Katotohanan, ang Barakah (o biyaya) ay
bumababa sa gitna ng pagkain, kaya kumain kayo sa
magkakabilang gilid nito at huwag kumain sa gitna nito”].
At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1805)], Abu Daud [Hadith
bilang: (3772)] at ibnu Majah [Hadith bilang: (3277)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-6 na Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang isang Muslim ay
marapat na kumain lamang sa kung saan ang
pinakamalapit na pagkain sa kanyang harapan bago ang
gitna nito, at huwag niyang iabot ang kanyang kamay sa

Mga Piling Hadith
44
pagkain na malapit sa harapan ng iba at sa gitna ng
pagkain, maliban kung ang pagkain ay magkakaibang uri
at ang isang uri nito ay nasa gitna at nais niyang kumuha
nito, sa gayon ay wala namang masama rito.
2. Ang ibig sabihin ng “Barakah” sa Hadith na ito ay ang
pagdami at pagdadagdag nito mula sa Allah, at ang ilan sa
mga bakas ng Barakah nito ay ang kalusugan, kaligayahan,
kaligtasan at kakuntintuan, gayundin ng pagkaramdam ng
katiwasayan, kaligtasan, kapanatagan, kawalan ng takot
at pangamba. At ang ilan naman sa mga bakas ng
kakulangan ng Barakah nito ay ang pag-iral ng
pagkagahaman, pagkasakim, pagkamakasarili,
pagkatakaw, pagkahumaling sa sarili, matinding
pagkapoot, pagkainggit, pananatili ng kahirapan sa buhay,
walang tigil na pangangamba, at gayundin ng kawalan ng
katahimikan at kapanatagan.