PARTIKULAR NA KATANGIAN NG PROPETA

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 2

Thêm vào yêu thích : 0

27- عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ
صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "أُعْطِيْتُ خَمْسًا لَمْ يُعْطَهُنَّ أَحَدٌ مِنَ الْأَنْبِيَاءِ
قَبْلِيْ: نُصِرْتُ بِالرُّعْبِ مَسِيرَةَ شَهْرٍ، وَجُعِلَتْ لِيَ الْأَرْضُ مَسْجِدًا
وَطَهُوْرًا، وَأَيُّمَا رَجُلٍ مِنْ أُمَّتِي أَدْرَكَتْهُ الصَّلَاةُ؛ فَلْيُصَلِّ، وَأُحِلَّتْ
لِيَ الْغَنَائِمُ، وَكَانَ النَّبِيُّ يُبْعَثُ إِلَى قَوْمِهِ خَاصَّةً، وَبُعِثتُ إِلَى النَّاسِ
كَافَّةً، وَأُعْطِيْتُ الشَّفَاعَةَ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 438، واللفظ له، وصحيح
مسلم، رقم الحديث 3 - (521)،).
27- Si Jabir ibn Abdullah (Sumakanila nawa ang kaluguran
ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah
() ay nagsabi: “Ako ay napagkalooban ng limang bagay
na hindi naipagkaloob sa kaninumang nauna sa akin mula
sa lipon ng mga Propeta, tinulungan ako sa pamamagitan
ng pagkatakot sa layo na katumbas ng isang buwan, at
ginawa para sa akin ang kalupaan bilang Masjid at

Mga Piling Hadith
76
panlilinis, kaya alinmang lalaki mula sa lipon ng aking mga
tagasunod ang inabutan ng Salah ay marapat nang
magsagawa ng Salah, at ipinahintulot sa akin ang mga
napapanalunan sa labanan, at ang bawa’t Propeta ay
ipinadala lamang sa kani-kanilang mga mamamayan,
samantalang ako ay ipinadala sa lahat ng sangkatauhan,
at ako ay pinagkalooban ng karapatang mamamagitan”].
Al-Bukhari [Hadith bilang: (438)], Muslim [Hadith bilang:
3-(521)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-22 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Katotohanang ang Allah ay nagbigay ng maraming
pagtatangi sa Kanyang Sugo na si Muhammad (). At ang
ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a- Pagkasindak: Ito ay ang pangamba, pagkatakot o
pagkagitla na ipinupukol ng Allah sa mga puso ng mga
kalaban ng Kanyang Sugo na si Muhammad (), kaya
kapag ang agwat ng pagitan nila sa isa’t isa ay kasing layo
ng isang buwan na lalakarin, sila ay makakadama na ng
pagkatakot at pagkasindak sa kanya, bagkus ang
pagkakaroon ng gayong takot ay mananatiling iiral
hanggang sa kabila ng kanyang kamatayan.

Mga Piling Hadith
77
b- Ang Allah ay nagkaloob din sa Kanyang Propeta () ng
iba pang pagtatangi, at ito ay ang pagkatangi ng kanyang
mamamayan sa pagitan ng lahat ng pamayanan, na kung
saan ay itinalaga Niya sa kanila ang kalupaan bilang
Masjid at panlinis, kaya kapag ang isang Muslim ay inabot
ng Salah at walang matagpuan na tubig at wala ring
Masjid, sa gayon ang magsisilbing panlinis niya ay ang
malinis na lupa, kaya siya ay magsasagawa ng Tayammum
at ang kanyang magiging Masjid ay ang lugar mismo na
kanyang kinaroroonan kung saan siya inabot ng Salah,
maliban kung ang lugar ay marumi, o di kaya’y nasa lugar
na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng Salah dito, gaya ng
puntod, tambakan ng basura, gilid ng daan, patayan ng
hayop at iba pa.
Ang Salah ayon sa saligang batas ay isinasagawa ito sa
Masjid nang sama-samang pagdarasal, nguni’t kapag may
katanggap-tanggap na dahilan gaya ng paglalakbay,
karamdaman o malakas na ulan at hindi kayang pumunta
sa Masjid, sa gayon maaari siyang magsagawa ng Salah
saan mang lugar siya naroroon.

Mga Piling Hadith
78
c- Bilang kaloob ng Allah ipinahintulot Niya sa islamikong
pamayanan ang mga kayamanan na napapanalunan sa
labanan batay sa mga katuruan ng Islam.
d- Ipinadala ng Allah ang Sugo Niyang si Muhammad ()
sa lahat ng sangkatauhan, kaya ang mensahe ng Islam ay
pangkalahatan sa lahat ng nasyon, sa lahat ng
mamamayan, sa lahat ng panahon at sa lahat ng kalupaan
sa ibabaw ng mundo hanggang sa Araw ng Pagbabangong
Muli.
h- Ang Allah ay nagkaloob din sa Kanyang Propeta na si
Muhammad () ng iba pang pagtatangi, at ito ay ang
dakilang pamamagitan sa Araw ng Pagbabangong Muli
para sa katahimikan ng mga tao mula sa kahila-hilakbot
na kalagayan na yaon, na kung saan ay titipunin ng Allah
dito ang mga nauna at huli sa iisang lugar, at ang dakilang
pamamagitan na ito ang siyang kapuri-puri na katayuan
na siyang ipinangako sa kanya ng Allah.
2. Nararapat sa isang Muslim na tumanaw ng pasasalamat
sa Allah sa mga partikular na pagtatangi na ito na
ipinagkaloob Niya sa Kanyang Propeta () at sa kanyang
mamamayan.