PAG-AAYUNO, PAG-AALAY NG UDHIYAH AT PAGDARASAL SA EID
32- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "الصَّوْمُ يَوْمَ تَصُوْمُوْنَ، وَالفِطْرُ يَوْمَ تُفْطِرُوْنَ، وَالْأَضْحَى يَوْمَ تُضَحُّونَ".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 697، واللفظ له، وسنن أبي داود، رقم الحديث 2324 وسنن ابن ماجه، رقم الحديث 1660، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه: حسن غريب، وصححه الألباني).
32- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanang ang Propeta () ay nagsabi: “Ang Sawm ay ang araw ng inyong pag-aayuno, at ang Fit'r naman ay ang araw ng inyong pagtigil sa pag-aayuno, at ang Adha ay ang araw ng inyong pag-aalay ng Udh-hiyah”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (697)], Abu Daud [Hadith bilang: (2324)], Ibn Majah [Hadith bilang: (1660)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang isang Muslim ay marapat na mag-ayuno kasama ng mga tao sa sarili niyang bansa at marapat din na itigil ang pag-aayuno nang sama-sama ang lahat, gayundin naman na marapat siyang mag-alay ng Udhiyah at magdasal ng Salah sa Eid na kasama sila, bagkus hindi siya maaaring mag-ayuno ng mag-isa ng hindi kasama sa mga Muslim alang-alang sa pagkakaisa ng lahat at upang maiwasan ang pagkakawatak-watak at hindi pagkakaunawaan.
2. Itinatalaga ng Hadith na ito na ang ilan sa mga layunin ng mga katuruan ng Islam ay ang pagkakabuklod ng mga tao at pagkakaisa ng kanilang hanay, at ilayo sila sa lahat ng bagay na magsasadlak sa kanila ng pagkakawatak-watak ng kanilang samahan mula sa indibiduwal na opinyon lalung-lalo na sa mga bagay na kaugnay sa pagsamba na sama-samang isinasagawa, tulad ng pag-aayuno, pag-aalay ng Udhiyah at pagsasagawa ng Salah sa Eid, sapagka't dito ay walang saysay at halaga ang mga indibiduwal na opinyon kahit pa man ito ay tumutugma sa katotohanan ayon sa isang partikular na pananaw.