Ang mga uri ng pagsamba na ipinag-uutos ni Allāh
Ang mga uri ng pagsamba na ipinag-uutos ni Allāh ay ang tulad ng islām (pagpapasakop), īmān (pananampalataya), at iḥsān (paggawa ng maganda). Kabilang din dito ang du`ā' (pagdalangin), ang khawf (pangamba), ang raja` (pag-aasam), ang tawakkul (pananalig), ang raghbah (pagmimithi), ang rahbah (pangingilabot) ang khushū` (pagpapakumbaba), ang khashyah (takot), ang inābah (nagsisising pagbabalik), ang isti`ānah (pagpapatulong), ang isti`ādhah (pagpapakupkop), ang istighāthah (pagpapasaklolo), ang dhabḥ (pag-aalay), ang nadhr (pamamanata), at iba pa roon na mga uri ng pagsamba na ipinag-utos ni Allāh. Ang lahat ng ito ay ukol kay Allāh. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{وَأَنَّ ٱلْمَسَـٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدْعُوا۟ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدًۭا ١٨}
{Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.}(Qur'ān 72:18)
Kaya ang sinumang nagbaling mula sa mga ito ng anuman sa iba pa kay Allāh, siya ay isang tagapagtambal na tagatangging sumampalataya. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{وَمَن يَدْعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَـٰهًا ءَاخَرَ لَا بُرْهَـٰنَ لَهُۥ بِهِۦ فَإِنَّمَا حِسَابُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦٓ ۚ إِنَّهُۥ لَا يُفْلِحُ ٱلْكَـٰفِرُونَ ١١٧ وَقُل}
{Ang sinumang nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, na walang patotoo para sa kanya rito, ang pagtutuos sa kanya ay nasa Panginoon niya lamang. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya.}(Qur'ān 23:117)
Sa ḥadīth naman: {Ang panalangin ay ang pinakadiwa ng pagsamba.}Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{وَقَالَ رَبُّكُمُ ٱدْعُونِىٓ أَسْتَجِبْ لَكُمْ ۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِى سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ ٦٠}
{Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}(Qur'ān 40:60)
Ang patunay ng khawf (pangamba) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
} فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَاعْتَصَمُوا بِهِ فَسَيُدْخِلُهُمْ فِي رَحْمَةٍ مِنْهُ وَفَضْلٍ وَيَهْدِيهِمْ إِلَيْهِ صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا{
{kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin kung kayo ay naging mga mananampalataya.}(Qur'ān 3:175)
Ang patunay sa rajā' (pag-aasam) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{قُلْ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٌۭ مِّثْلُكُمْ يُوحَىٰٓ إِلَىَّ أَنَّمَآ إِلَـٰهُكُمْ إِلَـٰهٌۭ وَٰحِدٌۭ ۖ فَمَن كَانَ يَرْجُوا۟ لِقَآءَ رَبِّهِۦ فَلْيَعْمَلْ عَمَلًۭا صَـٰلِحًۭا وَلَا يُشْرِكْ بِعِبَادَةِ رَبِّهِۦٓ أَحَدًۢا ١١٠}
{Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.}(Qur'ān 18:110)
Ang patunay sa tawakkul (pananalig) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{قَالَ رَجُلَانِ مِنَ ٱلَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْعَمَ ٱللَّهُ عَلَيْهِمَا ٱدْخُلُوا۟ عَلَيْهِمُ ٱلْبَابَ فَإِذَا دَخَلْتُمُوهُ فَإِنَّكُمْ غَـٰلِبُونَ ۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَتَوَكَّلُوٓا۟ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ ٢٣}
{Kay Allāh ay manalig kayo, kung kayo ay *naging mga mananampalataya.}(Qur'an 5:23)
}وَيَرْزُقْهُ مِنْ حَيْثُ لَا يَحْتَسِبُ وَمَنْ يَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ فَهُوَ حَسْبُهُ إِنَّ اللَّهَ بَالِغُ أَمْرِهِ قَدْ جَعَلَ اللَّهُ لِكُلِّ شَيْءٍ قَدْرًا{
{Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito.}(Qur'ān 65:3)
Ang patunay sa raghbah (pagmimithi), rahbah (pangingilabot), at khushū` (pagpapakumbaba) ay ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{وَزَكَرِيَّآ إِذْ نَادَىٰ رَبَّهُۥ رَبِّ لَا تَذَرْنِى فَرْدًۭا وَأَنتَ خَيْرُ ٱلْوَٰرِثِينَ ٨٩ فَٱسْتَجَبْنَا لَهُۥ وَوَهَبْنَا لَهُۥ يَحْيَىٰ وَأَصْلَحْنَا لَهُۥ زَوْجَهُۥٓ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا۟ يُسَـٰرِعُونَ فِى ٱلْخَيْرَٰتِ وَيَدْعُونَنَا رَغَبًۭا وَرَهَبًۭا ۖ وَكَانُوا۟ لَنَا خَـٰشِعِينَ ٩٠}
{Tunay na sila noon ay nakikipagmabilisan sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga tagapagpakumbaba.}
Ang patunay sa khashyah (takot) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{حُرِّمَتْ عَلَيْكُمُ ٱلْمَيْتَةُ وَٱلدَّمُ وَلَحْمُ ٱلْخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيْرِ ٱللَّهِ بِهِۦ وَٱلْمُنْخَنِقَةُ وَٱلْمَوْقُوذَةُ وَٱلْمُتَرَدِّيَةُ وَٱلنَّطِيحَةُ وَمَآ أَكَلَ ٱلسَّبُعُ إِلَّا مَا ذَكَّيْتُمْ وَمَا ذُبِحَ عَلَى ٱلنُّصُبِ وَأَن تَسْتَقْسِمُوا۟ بِٱلْأَزْلَـٰمِ ۚ ذَٰلِكُمْ فِسْقٌ ۗ ٱلْيَوْمَ يَئِسَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِن دِينِكُمْ فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَٱخْشَوْنِ ۚ ٱلْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِى وَرَضِيتُ لَكُمُ ٱلْإِسْلَـٰمَ دِينًۭا ۚ فَمَنِ ٱضْطُرَّ فِى مَخْمَصَةٍ غَيْرَ مُتَجَانِفٍۢ لِّإِثْمٍۢ ۙ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٌۭ رَّحِيمٌۭ ٣}
{kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Akin.}(Qur'an 5:3)
Ang patunay sa inābah (nagsisising pagbabalik) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{وَأَنِيبُوٓا۟ إِلَىٰ رَبِّكُمْ وَأَسْلِمُوا۟ لَهُۥ مِن قَبْلِ أَن يَأْتِيَكُمُ ٱلْعَذَابُ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ ٥٤}
{Nagsisising bumalik kayo sa Panginoon ninyo at magpasakop kayo sa Kanya}(Qur'ān 39:54)
Ang patunay sa isti‘ānah (pagpapatulong) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ ٥}
{Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.}(Qur'ān 1:5)
Sa ḥadīth naman: {Kapag magpapatulong ka ay magpatulong ka kay Allāh.}
Ang patunay sa isti`ādhah (pagpapakupkop) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلنَّاسِ ١ مَلِكِ ٱلنَّاسِ ٢}
{1. Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao, 2. na Hari ng mga tao,}
Ang patunay sa istighāthah (pagpapasaklolo) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{إِذْ تَسْتَغِيثُونَ رَبَّكُمْ فَٱسْتَجَابَ لَكُمْ أَنِّى مُمِدُّكُم بِأَلْفٍۢ مِّنَ ٱلْمَلَـٰٓئِكَةِ مُرْدِفِينَ ٩}
{[Banggitin] noong nagpapasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tumugon Siya sa inyo}(Qur'ān 8:9)
Ang patunay sa dhabḥ (pag-aalay) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{قُلْ إِنَّ صَلَاتِى وَنُسُكِى وَمَحْيَاىَ وَمَمَاتِى لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ ١٦٢ لَا شَرِيكَ لَهُۥ ۖ وَبِذَٰلِكَ أُمِرْتُ وَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلْمُسْلِمِينَ ١٦٣}
{162. Sabihin mo: "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang – 163. walang katambal sa Kanya. Gayon nag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim."}(Qur'ān 6:162-163)
Mula naman sa Sunnah: {Isinusumpa ni Allāh ang sinumang nag-alay ng hayop sa iba pa kay Allāh.}
Ang patunay sa nadhr (pamamanata) ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{يُوفُونَ بِٱلنَّذْرِ وَيَخَافُونَ يَوْمًۭا كَانَ شَرُّهُۥ مُسْتَطِيرًۭا ٧}
{Nagpapatupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.}(Qur'ān 76:7)